Chapter 39: Miserable

2.9K 25 3
                                    

**Lance's POV

I've been dethroned. Hindi ako galit. Wala akong sama ng loob. Ang hindi ko lang mainitindihan, anong mabigat na dahilan para gawin nila sa akin 'to? Pati ang gang ko kinuha nila sa akin. Wala ng natitira sa akin..

Pumunta ulit ako sa ospital para dalawin si Cahriya. Alam ko kasing wala doon si Stefan sa mga oras na yun dahil nagpunta siya sa pulong ng mga gang. Hindi parin siya gumigising. Tahimik lang siyang natutulog kaya naman binantayan ko nalang siya. Nakaupo ako sa tabi ng kama niya at nag-unan din ako sa unan niya.

Nagising ako mula sa pagkakatulog ko ng marinig kong nagsalita si Cahriya. Tinatawag niya ang pangalan ko at ang ikinagulat ko pa ay bumukas ang mata niya at nakita niya ako. Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla ulit siyang pumikit. Tama. Aakalain niya lang na nananaginip siya.

Tumayo muna ako para magpunta sa banyo ng mapansin ko ang isang pamilyar na bagay sa may side table niya.

"It's the fake rose."

Lumabas ako dala ang rose. At sa pagbalik ko, nandun na si Stefan sa kwarto niya.

----------

"Hoy! Ang yabang mo ah! Bakit dun mo pinark yung motor mo? Teritoryo namin to!" sigaw nung lalaking mukhang bakulaw na nagwawala.

"Oh? Paki ko?" sagot ko. Pagka-galing ko sa ospital ay pumunta na ako sa bar. Sa totoo lang naghahanap lang ako ng gulo dito e. Gusto ko ng bugbugan. Gusto kong makalimot..

***Cahriya's POV

Nakita ko siya! Alam kong siya yun!

"Stefan? Kanina ka pa ba dito?" tanong ko kay Stefan ng makita siya na naka-upo sa tabi ng kama ko.

"Kakapasok ko lang. Bakit?"

"Wala kabang dinatnan na ibang tao dito?"

Nagtataka siyang tumingin sa akin at biglang kumunot ang noo niya.

"Wala. Bakit? May nakita kabang dumating dito? Sandali itatanong ko sa nurse kung may dumating nga.." tatayo na dapat siya pero pinigilan ko nalang. Ayokong paasahin ang sarili ko sa wala..

"Wag na. Baka nananaginip lang ako." mahinang sabi ko.

**3rd Person's POV

Isang buwan na ang nakakalipas. Nakalabas na ng ospital si Riya. Notorious Aces na ang bagong liderato ng mga gang. At mas lalong naging miserable ang buhay ni Lance.

Napasama si Lance sa grupo ng mga underground fighters. Mga sindikato. In short.. sinisira niya ang buhay niya.

---

Mga taong nagsisigawan. Mga bakal na nagkakalampagan. Malakas na mga tugtog. Ito ang maririnig sa isang underground fight na sinsalihan ni Lance. At sa ngayon, siya na ang isasabong.

"Sino sa tingin mo ang mananalo ngayon? Matatalo na kaya yang Lance na yan?" sabi ng isang lalaking nanonood.

"Duda ako. Isang buwan na siyang laging nanalo. Malamang kamatayan na lang ang katapat niyan." sabi pa ng isang manunuod.

"Talagang si Kamatayan ang makakatapat niya. Dahil mamaya, paglalamayan na siya." turan ng isang matangkad na babaeng may pagka-sopistikada kung manamit. Natatakpan ang mukha niya ng belo mula sa suot niyang round hat na kulay itim na animo'y makikipaglamay.

Napatingin ang dalawang lalaking nag-uusap sakanya habang naglalakad siya paalis. Sinundan siya ng tingin ng mga ito. Malabong maalis ang pansin sa kanya ng mga ito dahil sa lakas ng tunog ng mga takong ng sandalyas nito na halos mambasag ng semento.

Loved By A Gangster (Published Under LIB)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora