CHAPTER 2

409 23 2
                                    

MY ULTIMATE QUEEN👑

Author : Binibining Nadya

CHAPTER 2

AUDREY'S P.O.V

"Thank you Cyriel"-sabi ni Nikki. Nang mailapag lahat ni Cyriel ang mga pagkain na pinabili ko.

"Hindi niyo kailangan mag Thank you sa kanya, makakaalis kana"-saad ko at nakataas noong nakatingin kay Cyriel.

"Sige po"-sabi nito at nagmadaling umalis ng office.

Bahagyang natawa pa ang tatlong loka.

"Ang bait ni Cyriel noh"-saad ni Chelsea.

"Shin may naimbestiga kana ba?"-tanong ko kay Shin, na busy na kumain. Natigil siya sa pagsubo at tumingin sakin.

"Umhh meron, ako pa ba."-sabi pa nito.

"Ano ba talaga kasi binabalak mo sa lalaking yun?"-tanong ni Chelsea. Napairap naman ako.

"Sobrang dami kong nalaman about Cyriel, at baka hindi kayo maniniwala. Si Cyriel ay Ssg Vice - President natin"-sabi nito

"Then So,?"-i said. Kahit sino pa siya wala akong paki.

"Dean lister siya at High Top Student, since 1styear college. Famous siya dito . Yun ang nalaman ko sa mga Sophomore student kanina"-dagdag ni Shin.

Dean lister? Pero mukhang loser. Tsk!

"May naisip na ko, para di na mapagod si Chelsea kakasagot ng Assignment natin"-taas noo kong saad. At parang nahulaan naman nila ang iniisip ko.

"I like that Idea"-pag sang ayon ni Shin at tila nahulaan ang idea ko.

"Sige deal din ako jan"-pag sang ayon ni Nikki.

"Hay naku, mabuti na yan. Para di na ko napapagod sa mga assignment niyo at research niyo"-saad ni Chelsea at sunod sunod na sumubo ng pagkain, napakatakaw talaga ng babaeng to.

CYRIEL'S P.O.V

From : 09*******24

PUMUNTA KA SA PRIVATE OFFICE, RIGHT NOW.

-AUD😡

Napakamot naman ako sa ulo ko after ko mabasa ang text. Si Audrey ba talaga to. Oo nga pala hiningi niya number ko kahapon.

Naglakad ako palabas ng room ng tawagin ako ni Yveth.

"Cy, uwi kana?"-tanong nito. Umiling ako, teka sasabihin ko ba kung saan ako pupunta.

"Punta lang ako ng office"-sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Hayss. Ano ba kasing binabalak niya sakin, masyado niya kong pinapahirapan.

*Private Office

May inaabot na book at notebook sakin si Audrey.

"Ipagsulat mo ko at sagutan mo ang Assignment ko."-utos niya. Ha? Pinandilatan niya ko ng mata ng hindi ko kinukuha ang inaabot niyang book at notebook. Inabot ko naman ito at baka kung ano pa ang sabihin niya. "Siguraduhin mo na perfect ang sagot mo"-she said. Tumango lang ako. "You can go, bukas ihatid mo yan dito "-dagdag niya. Tumango lang ako bilang sagot. At lumabas na nang Private office.

Seryoso? Gagawin niya kong taga gawa ng homeworks niya.

Kinagabihan... 11 pm.

Nag unat unat ako ng braso dahil medyo nangangalay na ito. Ilang page kasi ang sinusulat ko sa notebook ko. Tas sunod pa yung kay Audrey.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now