CHAPTER 15

248 20 2
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

CHAPTER 15

Mabilis lumipas ang mga araw, araw araw magkasama kami ni Cyriel, siyempre kasama rin ang ang mga friends namin. Minsan naiinis na ang mga kaibigan ko sa kasweetan namin ni Cyriel.


"Kakadiri naman, masyadong maraming langgam dito oh!"-saad ni Chelsea na naiinis na nakatingin samin ni Cyriel. Habang andito kami sa private Office ko.



"Aud, iniinggit niyo ba talaga kami, porket wala kaming Boyfriend?"-naiinis na saad ni Nikki.


"Ah, girls. Labas lang ako bibili ako ng makakain natin"-paalam pa ni CCyriel


"Sige Cyriel, dagdagan mo yung akin ah."-bilin ni  Chelsea.


"Sige, maiiwan ko muna kayo"-paalam ni Cyriel at lumabas na ito ng office.

Nag open naman ako sa youtube at naghanap ng papanoorin.

A few momments Later.


"Any way Aud, seryoso ka ba talaga kay Cyriel?"-tanong ni Shin

"Umamin ka nga Aud, pinagtitripan mo lang ba si Cyriel"-chelsea.


CYRIEL'S P.O.V

Nang makabili na ako ng makakain namin at makabalik sa may pinto ng office room , papasok na sana ako sa loob nang marinig ko ang kwentuhan nila.


"Umamin ka nga Aud, pinagtitripan mo lang ba si Cyriel?"-tanong ni Chelsea.


Ano nga ba ako para kay Audrey?


"Oo, trip ko lang siyang sagutin, tiyaka alam niyo naman na wala akong hilig sa ganyan. Sinagot ko siya kasi gusto ko mainggit ng husto si Yveth, yun lang. Okay na ba?"-saad ni Chelsea.


Sobra akong kinabahan sa mga sinabi niya, parang may tumusok sa puso ko sa mga narinig ko. Expected ko na ito, na alam kong hindi niya ko mahal.


"Ang sama mo sa kanya, masyado mong pinapaasa yung tao Girl."-rinig kong saad ni Nikki.

"Kung hindi mo siya gusto, sabihin mo na lang ng diretso sa kanya hindi yung pinapaasa at pinaglalaruan mo feelings niya"-rinig kong saad ni Shin.



"Pwede ba tigilan niyo na ko sa kakaganiyan niyo, tiyaka baka dumating na siya at marinig niya tayo, kaya itikom niyo mga bibig niyo."-banta niya sa mga ito. Ano pa nga ba, narinig ko na lahat, at masakit yun ng sobra para sakin. All this tume , pinaglalaruan niya lang pala ang feelings ko.


Maya maya pa ay pumasok na ko sa loob at magkukunwaring walang narinig. Linapag ko sa mesa ang pagkaing binili ko.


"Audrey, alis muna ako, may meeting daw kami"-palusot ko.

"Sige, ingat ka"-she said.

Tumango naman ako. At lumabas na nang Room.

Kaya ko to. Magkunwari na lang akong walang narinig, kasi baka sa oras na sitahin ko siya tungkol dun, baka sabihin niya lang na layuan ko siya. Hangga't kaya ko titiisin ko.


Kaya mo yan Cyriel, okay lang yan, atleast kasama mo siya palagi diba?

Nagtungo ako sa Garden khng saan palagi kong tinatambayan pag gusto ko mapag isa. Sinandal ko ang ulo ko sa puno .

At naalala ang mga narinig ko kanina.

Sino kaya yung first love niya na sinasabi niya nung nasa beach kami.?

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن