CHAPTER 8

255 21 1
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

CHAPTER 8

Tumayo naman si Cyriel at liningon ako.

"Pwede ba Audrey, tama na ang pagpapanggap mo na concern ka sa akin. Kasi mas lalo akong na iinlove sayo"-seryosong sabi niya na kinabilis ng tibok ng puso ko. "Oo, mahal nga kita. At gusto na kitang kalimutan, dahil alam kong ikakasal kana sa takdang panahon."-dagdag niya na diretsong nakatingin sa mga mata.

Hindi siya nagjojoke.? Ngayon ko lang siya nakita ng ganito.

Tumayo naman ako.

"Lasing ka lang , kaya nasasabi mo yan."-sabi ko. Ayoko ng ganito, Close friend ko na si Cyriel at ayoko na magkaroon kami ng issue nang ganito.

"Alam ko mga sinasabi ko Audrey. Kaya pwede ba tigilan mo na ang pagiging feeling concern mo sakin, gusto mo lang paglaruan ang feelings ko."-he said at tumalikod sakin. "Bumalik kana don, at huwag mo na akong susundan pa. Kalimutan na lang natin na nagkakilala tayo"-he said, hes eyes is full of sadness and painfulness at nagsimula nang humakbang ang mga paa niya.

CYRIEL'S P.O.V

Nang humakbang ako papalayo kay Audrey, ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan, bigla na lang kumawala mula sa mata ko.

Umamin ako sa kanya, kasi gusto ko na siya kalimutan at itutuon ko ang atensiyon ko sa ibang bagay.

Alam ko masakit, pero kailangan kong tanggapin ang katotohonan na hindi kami para sa isa't isa. Hindi ko na siya papansinin simula bukas. At iiwasan ko siya tuwing makikita ko siya. Yun lang ang tama na dapat kong gawin sa ngayon.

At magsisimula ulit. Bukas limot ko na siya. Tama bukas na bukas likot ko na siya.

"Cyriel, Sandali lang"-napahinto ako sa paglalakad. Sinusundan niya ba ako? "Bago mo ko kalimutan, gusto kong bigyan kita ng magandang memories."-dagdag niya. Napalingon naman ako, lumapit siya sa akin at tumingkayad.

"Bago mo ko kalimutan jan sa puso mo, gusto kong..."-sabi niya at linapit ang mukha sa mukha ko. Hinawakan niya ang pisngi ko.

She kissed... kissed me.

Parang nag slow motion ang buong paligid na parang huminto ang oras. Humawak siya sa batok ko, para madiin niya ang paghalik sakin. Nanatiling gulat ang expression ko sa mga nangyayari.

Nanatiling magkadikit ang labi namin, parehong hindi gumagalaw.

Maya maya pa, humiwalay na siya sakin. Bakit humiwalay na siya. Nabitin ako.

"Sana makatulog ka nang maayos"-she said then she smirked. Tinalikuran niya na ako at tuluyang umalis. Teka, totoo ba talaga na hinalikan niya ko. Napahawak ako sa labi ko na hinalikan ni Audrey.

Anong ginagawa niya? Pano ko siya makakalimutan kung ganun ang iniwan niyang alaala sakin. Parang mas lalong hindi ako makakaget over nito sa kanya.

AUDREY'S P.O.V

"Besh, saan ka nagpunta?"-nag aalalang tanong ni Chelsea ng makabalik ako sa bar.

"Nagpahangin lang sa labas"-palusot ko, alangan naman sabihin ko sa kanila ang totoong nangyari.

"Teka si Cyriel nasaan?"-tanong ni Kenneth nang mapansin niya na wala si Cyriel.

"Nauna na siyang umuwi, lasing na kasi eh, kaya hinayaan ko na lang."-sagot ko rito at naupo sa tabi ni Chelsea. Hindi na sila nagtanong pa ng kung ano ano sakin.

Tama ba yung ginawa ko, tsk. Nakakahiya, nanghalik ako ng lalaki sa gilid ng kalsada. Ano kayang iisipin ni Cyriel sa ginawa kong iyon.

Kaya pala hindi niya ko pinapansin dahil don, dahil sa mahal niya daw ako at ako naman ikakasal na sa iba. So, ang bilis niya naman mag give up kung ganun, napakahina niyang linalang.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang