CHAPTER 17

224 20 1
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

CHAPTER 17

Napahiga naman ako sa kama at nagtalukbong ng kumot nang may narinig ko na may pumipihit ng Door knob.

"Luh? Kinain ba nang aso ang mga linuto ko para kay Audrey. Siguro sarap na sarap yung aso sa luto ko"-rinig kong sabi ni Cyriel. Teka aso? Ako ba ang sinasabi niyang aso. Arghh! Nakakaasar ka talaga cyriel!

"Magluluto ulit ako ng pagkain para kay Audrey, hay naku kinain kasi nang aso ang linuto ko para sa kanya."-sabi pa niya, nang aasar ba talaga siya.

Inalis ko naman ang pagkakatalukbong sakin. At masamang tinignan si Cyriel

"Hoy! Timawag mo kong aso An* mal ka!"-bulyaw konsa kaniya. Napailing iling naman siya na parang kinakabahan.

"Ah hindi noh, may nakapasok bang aso dito at inubos ang mga pagkaing dala ko"-he said at parang matatawa siya. Tsk.

"Tsk. Pahiram ako ng phone mo, may tatawagan lang ako"-sabi ko, inabot niya naman sakin ang phone niya. Kinuha ko ito agad .

Napairap naman ako ng makita ko ang mukha ko sa screen at ako ang nakawallpaper. Tinignan ko nang masama si Cyriel. Baliw talaga lalaking to. Baliw na baliw talaga siya sakin, dinial ko ang number ni Kuya miggy pero nagriring lang at hindi sinasagot.

Kaya tinext kk na lang si kuya miggy na pumunta rito sa hospital at room number ko. Paseselosin ko si Cyriel ng husto.

"Cyriel, bakit ka ba naresign dito?"-tanong ni Andrei na bakla mula sa phone "Hinahanap ka ni madam, gusto niya na bumalik ka"-sabi pa nito ang madam ay yung mama ni Audrey. Naglalakad pabalik ng hospital kasi nagpabili ng prutas si Audrey.

"Tinatamad na ko"-sabi ko, tiyaka nakahanap na ko ng bagong part time job.

"Nanggigigil ako sayo, "-sabi ni Andrei na halatang inis na inis na.

"Sige na, bye"-sabi ko at hinang up na ang call. Pagkabalik ko sa Hospital dumiretso ako sa Counter para mabayaran ko na ang bill namin. Hayss. Malapit na maubos ang pinadala ni mama sakin. Pero okay lang, basta para sa mag ina ko.

"Miss Magkano po yung Bill ni Audrey Fuentebella sa room 105 po?"-tanong ko.

"Ay Audrey, sir meron po nagbayad ng bill niya, actually kakabayad niya pa lang po. Bago po kayo dumating"-sabi nito. Eh sino naman kaya?

Nagmadali naman akong pumunta sa Room ni Audrey, pagbukas ko ng pinto, si Sir miggy pala.

"Uy Cyriel andito kana pala"-sabi ni Sir miggy. Ah so si Sir miggy pala yung tinawagan at tinext niya kanina.

"Pahingi akong tubig"-Audrey. Kikilos na sana ako ng abutan na ni Sir miggy ng tubig sinAudrey at siya pa ang nagpainum nito.

"Thank you"-rinig kong sabi ni Audrey.

Thank you? Kinuha lang siya ng tubig tas thank you agad. Pero pag sakin, ni minsan di ko siya narinig na nagthank you sakin.

"Umh, Cyriel salamat sa pag aalaga kay Sam, ako na ang maghahatid sa kaniya sa kanila, binilin kasi siya ng kuya niya sakin."-sabi ni Sir miggy. Tumango lang ako. Sa bagay wala naman kasi akong kotse.

"Kahit hindi ka binilin ni Kuya, sayo pa rin ako magpapahatid noh"-sabi naman ni Audrey.

Eh di Wow. Sa kanya ka magpahatid kung gusto mo.
Upakan ko kaya Miggy na yan.

"Kuya Miggy, gusto ko na umuwi"-saad ni Audrey na parang naglalambing kay sir miggy.

"Maya maya pwede kana madischarge. Buti na lang andito ang Boyfriend mo para bantayan"-Sir Miggy.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now