CHAPTER 12

274 23 0
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

Author : Binibining Nadya

CHAPTER 12

Carenderia..

After ng unang biyahe nina Cyriel, tumungo kami nina manong sa isang Carenderia. Para maglunch . Medyo gutom na rin ako.

"Okay lang ba sayo na dito tayo kakain?"-tanong ni Cyriel na parang mag aalangan ito. Tumango tango ako.

"Cyriel, pwede ba tigilan mo na ko sa kakaganyan mo, hindi ako maarteng babae. Menudo at Lumpia sakin ah"-sabi ko at naupo na ako sa pwesto namin.

"Bilis na gutom na ko"-utos ko rito kasi di pa gumagalaw sa kinatatayuan niya. Humiwalay ng mesa si manong samin. Nagsisimula na rin itong kumain.

Maya maya pa may dala ng pagkain si Cyriel at softdrinks, linapag niya ito sa mesa namin. Agad akong uminum ng Softdrinks, nauhaw ako sa biyahe. Kasi yung tubig ko binuhos ko sa bastos na babaeng yun. Napangisi naman ako sa kagagahan ko. Nagsimula na kaming kumain ni Cyriel, ang sarap lumpia nila ah.

Mabilis ko namang naubos ang pagkain, pati pagkain ni Cyriel naubos ko.

"Ay, pati pala pagkain mo naubos ko"-sabi ko at bahagyang natawa. "Mag order na lang ako ulit, kasi nabitin ako eh"-sabi ko at tumayo at nagtungo sa Nakahilerang ulam.

"Manang, 2 rice pa po tiyaka 2 orders ng Beef Stick tiyaka 10 pieces ng Lumpia."-sabi ko sa tindera. Pasensiya na pero mahilig talaga ako lumamon. Minsan kapag wala na mga kaibigan ko sa Private office ko, marami akong nakakain. Na parang gutom na gutom na baboy.

Nang makuha ko na order, kinapa ko naman ang bulsa ng jeans ko. Teka. Yung wallet ko? Hindi ko ba nadala. Ang dami pa naman nitong in order ko.

"Magkano po lahat manang?"-tanong ko.

"1,485 po lahat"-sabi nito matapos magkwenta sa Calculator. Ah kunti lang pala.

"Padagdag pa po ng Tatlong fried chicken."-sabi ko, "Tiyaka yun po ang sisingilin niyo ah, yung lalaking kasama ko"-sabi ko at tinuro ang pwesto ni Cyriel. Tumango tango naman ito.

Bumalik na ko sa pwesto namin ni Cyriel, at linapag ang mga pagkain sa mesa.

"Oh ayan, kain kana ulit"-sabi ko at nagsimula na ako ulit ako lumamon.

"Pag kaharap mo mga kaibigan mo, ang tipid mo kumain. Pag ako para kang patay gutom"-sabi niya at umiiling iling pa. Patay gutom daw.

"Gusto mo banatan kita jan, nagutom lang ako sa biyahe natin"-sabi ko . May dala kayang pera si Cyriel. Bahala na siya sa buhay niya. Sinabihan niya kong patay gutom , kaya dapat lang na siya ang magbayad.

Few momments later.

"Grabe, nagkasya ba lahat yun sa maliit mong tiyan"-saad ni Cyriel na parang hindi makapaniwala.

"Dami mong satsat jan, bilisan mo na nga jan. Tagal mo lumamon"-sabi ko at tumayo na. Parang kulang pa nga kinain ko eh. "Mauna na ko hah."-paalam ko rito. At nagmadaling lumabas ng Carenderia. Bahala na siya magbayad dun.

Nauna na kong sumakay nang bus, maya maya sumakay na rin si Manong at naupo sa Driver seat.

Saan na kaya siya? Ilang minuto na lang, babiyahe na ulit kami. Maya maya pa sumakay na rin si Cyriel, at naupo sa tabi ko.

"Alam mo ba Audrey, nanakawan ako ng pera kanina, grabe 20 pesos na lang natira."-sabi niya at linabas ang wallet niya tas pinakita ang laman ng wallet niya na 20 pesos na lang natira.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now