CHAPTER 6

247 24 1
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

Author : Binibining Nadya

CHAPTER 6

Dumating ang araw ng Ikalabing walo na kaarawan ko.

"Andrea ready na ba?"-tanong ko sa Silahis na Cashier ni mom sa resto niya, siya kasi ang maghohost for today, utos kasi ni mommy.

Nagrent kami ng Malaking space malapit sa may Squatter Area, naglagay na lang kami ng malaking tent rito.

"Yes, Miss. Audrey, Succesful ito"-sabi niya at nagflip pa ng invisible hair niya.

Maya maya pa sinimulan na ito ni Andrea. Siya ang naghohost habang nagpapalaro sa mga bata. More than 100 children ata ang andito, marami ring mga buntis. Sila talaga ang priority ko sa party na ito.

After magpalaro ni Andrea sa mga bata, isa isa na naming pinamigay ang mga regalo ko sa kanila. Makita ko lang na masaya ang mga bata, masaya na rin ako. Masaya na sila kahit sa maliit na bagay lamang. At sobrang thankful ako kay Cyriel na hindi umalis sa tabi ko , hanggang sa maging successful ang party na ito.

Sobrang ganda rin tignan ng color Uniform ng Bday ko. Napakaganda talaga ng idea na to ni Cyriel.

"Happy Bday ate Audrey"-sabay sabay na bati sa akin ng mga bata na parang pinagpraktisan nila lahat yun.

"Iblow muna ang Candle mo, miss ganda"-saad ni Andrea at siya ang may hawak ng Cake ko.

Nagwish muna ako bago ko blinow ang Candle ko.
Nagpalakpakan naman lahat na bisita ko. Nagsimula na rin magsikain.

Kinagabihan..

"Audrey, para sayo"-saad ni Cyriel at may inaabot na sa akin na maliit na box. Kinuha ko naman ito. Nakaupo kami ngayon ni Cyriel sa unahan ng kotse malapit sa may Port beach, at linalasap ang masarap na simoy ng hangin.

"Okay lang kung hindi mo buksan."-he said. Medyo napagod ako kanina sa party. Uminom ako ng Coke in can. "Baka pag nalaman ng bestfriends mo about sa party, baka magsitampo yun"-dagdag niya. Umiling naman ako.

"Wag mo silang alalahanin, kilala ko mga kaibigan ko, tiyaka busy din sila sa kanya kanya nilang buhay"-sabi ko. Si Cyriel lang hindi busy kaya siya ang sinasama ko .

CYRIEL ESCUDERO'S P.O.V

"Hindi ba magagalit Girlfriend mo, kasi busy ka sa ibang bagay?"-tanong ni Audrey kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh? Wala ako non"-sagot ko. Napangisi naman siya.

"Sure?"-tanong niya na parang hindi naniniwala. Kaya tumango tango ako.

"Oo, tiyaka kung meron man akong girlfriend, hindi mo ko kasama ngayon. Kasi kung meron man, ayoko na magselos siya at ayoko gumawa ng ikakagalit niya, kung sakaling meron man."-paliwanag ko, at bahagya siyang natawa. Wait? Si Audrey natawa ?

"Grabe, kailangan ba palaging may explanation ang sagot mo?"-sabi niya at umiling iling pa, at tumingala sa langit.

Oo Audrey. At kung sakaling ikaw man ang magiging Girlfriend ko. Hindi ko hahayaan na masaktan ka at palaging papasayahin ka.

Kung mayaman lang ako, ako ang tutupad sa lahat na pangarap mo.

"Ako, wala akong karapatan magka boyfriend, kasi nakatakda na akong ikasal after Graduation ko"-she said.

Parang nabingi ako sa mga sinabi niya , na parang biglang yumanig ang mundo ko sa narinig ko.

Nakatakda na siyang ikasal. At ako, wala nang pag asa pa sa kanya. Emotional damage!

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now