CHAPTER 22

233 19 0
                                    

Iba iba ang pose namin dalawa, natatawa akong tinitignan ang mga ito.


"Ano gagawin mo diyan?"-he asked. Ano nga ba gagawin ko dito. Ah alam ko na, i click my fb App.

Add to story, naglagay naman ako ng caption sa pic naming dalawa.

Meet my fiance 💍


Nakita ko ang ngiting pagsilay sa mga labi ni Cyriel, ang sarap halikan ang labing nakangiti.

Jusko mga inday! Yung puso ko tumatalon nanaman.


Linapit ko ang mukha ko sa kanya at hinalikan siya. Dali dali akong nahiga sa kama at patalikod na tumagilid sa kanya. Hindi ko na nakita ang reaction niya. Bakit ba ako kinikilig sa ginawa ko.

Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likod ko.

"Next time magpaalam ka ha."-he said and he just smirk.


"Tsk. Matulog na tayo"-i said.

"Good night"-sabi niya at hinalikan ang likod ng buhok ko. Nanatili kami sa ganong posisyon.

Kinabukasan...


"Buti naman naisipan mo nang pumasok."-saad ni Nikki na kakapasok  pa lang habang andito ako sa private room. Naupo naman si Chelsea sa sofa sa tabi ko.


"Siguro palagi kang pinapagod ni Cyriel noh?"tanong ni Chelsea at bahagyang natawa.



"Hindi noh, siya lahat gumagawa nang gawaing bahay."-agad na sagot ko.


"HAHAHA"-hagalpak na tawa nung tatlong baliw, napairap naman ako, anong nakakatawa dun?



"Grabe girl, that's not what i mean."-natatawang saad ni Chelsea, kaya tinaasan ko ito ng kilay.




"Malaki ba Beshy? Ilang inches?"-tanong ni Nikki na parang naeexcite pa ito.




What are they talking about size and Inch? Takang taka ko silang tinignan.


"Pinagsasabi niyo?"-i ask.


"Omg girl, yung hotdog niya"-saad ni Chelsea.


Nanlaki ang mata ko nang magets ko na ang sinasabi nila. Kaya napairap ako nang todo at nagtawanan ulit silang tatlo.


"Oo na, malaki na."-sagot ko at inerapan sila.


"Oh my, really?"-tanong ni Chelsea na parang hindi makapaniwala.


Malaki ba talaga? Sa bagay halata naman.


"Nakakailang rounds kayo?"-seryosong tanong ni  Shin habang nagtatype sa laptop niya.


Hay naku naman, bat ba interesado sila na malaman.


Umiling iling ako.

"Wala. Yung first night lang talaga namin. Yun lang. Gentleman siya, hindi siya tulad nang iniisip niyo. Kaya pwede ba tigilan niyo na pagtatanong niyo."-naiirita kong saad at nag open nang fb App ko.



"Well, Kenneth is right, kahit maghubad pa daw ang babae sa harap nito, hindi susunggaban ni Cyriel. At kaya lang naman may nangyari sa kanila ni Audrey, dahil sa epekto nang wine na binigay natin."-Shin explained, tama nga naman si Shin.




"That's nice, but how about you and Kenneth? Hindi siya gentleman sayo ganun?"-pang aasar na tanong ni Nikki.


Natawa naman nang bahagya si Shin at umiling iling ito.



"He's not my type"-mataray na sagot ni Shin.



"Talaga lang hah."-saad ni Nikki at ayun si Shin na ang inasar asar nila.



"Alam niyo, gusto ko rin magkaroon nang ka one night stand ko, tas magkikita ulit kami mag uusap then boom kami na. Eme"-saad ni Chelsea na parang kinikilig pa ito. Binatukan naman siya ni Shin. "Aray naman, bwesit kang babae ka!"-inis na turan nito kay Shin.



"Baliw ka kasi, ang daming pwedeng pangarapin sa buhay, yan pa talaga."-mataray na saad ni Shin. Saming apat si Shin ang immatured at may mataas na pangarap.



Si Nikki, Womanizer pero very kind na kaibigan, then Chelsea matalino na may pagka immature. Then ako siyempre maganda at flat Chested HAHAHA.



Actually wala na akong ibang hahangarin pa, magkakababy na ako at may maalaga pang boyfriend, mga tunay na kaibigan kahit puro kalokohan.


6 years na kaming magkakaibigan, since grade 7 until this college. Saming apat ako talaga ang pinakamasungit, maldita, at sinasabi nila na Cold hearted ako.

Pero nagbago ang lahat, akala ko kaya kong pahirapan nang husto si Cyriel. Kasi binabagabag ako nang konsensiya ko, tuwing nakikita ko siya na nasasaktan dahil lang sa nga salita ko.


Lahat nang mga linuwa kong salita linunok ko lahat, yung mataas na pride ko sobrang naging baba. Yung fake smile ko naging totoo na. I don't know what I'm feeling right now, ang alam ko lang masaya ako sa mga bagay na nangyayari sakin ngayon.


Sobrang saya ko,  kasi ngayon ko lang naramdaman ang maging importante, ang alagaan or asikasuhin nang husto. Si Cyriel lang nagparamdam sakin nang ganun, takot din siyang mawala ako, at nangakong ano man ang mangyari ako pa rin ang pipiliin niya.


Sobrang thankful ako dahil dumating siya sa buhay ko. Pati na ang baby namin.




Napahawak ako sa tiyan ko na ngayon ay 1month pa lang, palagi ko nararamdaman ang pulse niya sa loob ko. Jusko! Alam ko masakit pag nanganganak na, pero kakakayanin ko para sa baby ko,  sa baby namin ni Cyriel.



Nagvibrate naman ang phone ko. Text from kuya Sheon. I opened his message.


Kuya Sheon

Totoo ba na ikakasal kana?
Alam rin ni dad, just to confirm. This is really true Aud?


Napahinga naman ako nang malalim bago nagtype para replayan si kuya, ang babaero at panganay kong kapatid.


To: Kuya Sheon

Yes kuya, please take care of dad and mom. Wag niyo na akong alalahanin, hindi naman ako papabayaan nang magiging asawa ko.



Napadako ang tingin ko sa kamay ko, napangiti ako sa suot kong singsing, di ko pa rin natatanong si Cyriel about dito.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now