CHAPTER 4

270 21 1
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

CHAPTER  4

"Kuya Miggy, hello!"-malakas na sigaw ni shin at kumaway kaway pa, kaya lumingon naman si miggy sa amin at naglakad ito papalapit samin.

Bakit pa kasi nila tinawag ang unggoy na yan. Nananadya ba ang mga ito.

Nang makalapit samin si Miggy, agad siyang napatingin sakin, tinaasan ko naman siya ng kilay at bahagyang natawa pa siya sa inasal ko. Simula kasi nong bastedin niya ko, hindi ko na siya pinansin.

Nadurog ng husto ang puso ko ng araw na yun dahil may isang lalaki na tumanggi sa kaagandahan ko, at sinumpa sa sarili ko na hinding hindi na ko magcrush pa sa lalaki, at paglalaruan ko rin ang feelings nila hanggang sa madurog din ang puso nila.

"Kuya Miggy, anong ginagawa mo rito?"-tanong ni Nikki at nagpapacute pa ito kay Miggy.

"Dito na ko magtuturo , simula bukas"-sagot nito.

"Really.?"-sabay sabay na bulalas ng tatlo at parang naeexcite pa sila.

What the! So palagi ko pala makikita pagmumukha niya rito.  Marami namang pwedeng pasukan niyang University dito pa talaga sa School namin.

"Mauna na ko sa inyo"-Walang gana kong paalam sa kanila. At tinalikuran sila at naglakad.

"Beshy, akala ko kakain tayo"-sigaw ni Chelsea.

"Wala na akong gana"-sabi ko at patuloy na naglakad papalayo sa kanila. Sige piliin niyong makasama ang gunggong na yan. Tsk!

*4th Floor

Bat ba ako andito, pesteng buhay to. Andito lang naman ako sa floor kung saan ang huling class ni Cyriel, nabanggit niya kasi last time sakin yun.

Nakita ko naman na lumabas ang prof nila mula sa room nila, tapos na ata. Tas may sumunod na isang estudiyante at parang nagulat ito ng makita ako.

Hindi na ako magtataka, sikat ako dito eh.

"Miss. Audrey, hinahanap mo ba si Cyriel?"-tanong nito na parang hindi makapaniwala.Tumango ako.

"Oo nandiyan ba siya?"-tanong ko.

"Whoah"-rinig kong hiyawan ng iba pa roon lumapit ako sa may pinto, kaya mas lalo pa silang naghiyawan at tilian.

"Anjan na ang Sundo ni Mr. Dean Lister!"-sigaw naman nang isa na Ssg President officer. Nakita ko naman si Cyriel na parang nahihiya, at parang masama ang tingin sakin nung Yveth. Ah ganun ha.

"Sinusundo ko ang Manliligaw ko na si Cyriel, may Date pa kasi kami"-sabi ko kaya mas lalong naghiyawan ang mga kaklase niya. Napatingin naman ako dun sa Yveth, tinaasan ko siya ng kilay. Lumapit ako kay Cyriel.

"Good Luck, Mr. Vice President"-sabi pa nung Ssg president.

"Tara na Cyriel"-sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Hindi ko alam, pero biglang bumilis ng husto ang tibok ng puso ko.

Naghiyawan pa rin ang kaklase ni Cyriel, napakaingay naman nila. Hinila ko na si Cyriel habang hawak hawak ang kamay niya palabas kami ng room nila.

Nang nasa labas na kami ng room, binitawan ko na ang kamay niya kasi parang nakukuryente ako. May kuryente ba kamay niya.

"Diba may Part time ka ngayon sa resto namin?"-tanong ko kay Cyriel , at sabay na kami naglalakad sa hallway. Tumango naman siya.

"Pwede ba sumabay sayo? Pupunta rin ako sa resto ngayon"-sabi ko. Gusto ko lang gumala ngayon noh.

"Pero sa Bus kasi ako sasakay"-he said.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now