CHAPTER 14

232 25 1
                                    

👑 MY ULTIMATE QUEEN 👑

CHAPTER 14

Tama ba tong tinatahak kong daan ngayon. Alam ko marami magbabago pag sinagot ko si Cyriel. Pero ngayong gabi hayaan muna natin at saka na isipin ang mga bagay bagay.

7 pm na, ito na ang oras para sa aming coronation.

"Around the applause, Our New  Campus King, Queen, Princess and Prince"-sabi nung emcee namin matapos maturn over samin ang position at maisuot samin ang korona.

Beach..

After namin sa school, dumiretso kami dito sa Beach.

"Gusto ko sanang Sulitin ang gabing ito na kasama ka Audrey"-he said habang sabay kami na naglalakad sa gilid ng dagat na magkahawak ang kamay.

"Talaga bang ako ang first mo? "-tanong ko, pati first  ano. Haysss.

"Oo, lahat . Teka hindi ka ba naniniwala?"-tanong niya na nakakunot pa ang noo nito.

"Hindi sa ganun, kasi ako meron na kasing First love matagal na."-sabi ko napahinto kami sa paglalakad at binitawan ko ang kamay niya.

"Umh, ganun ba. Ang swerte niya naman pala. Samantalang sakin, halatang sobrang napipilitan ka lang. Pero okay lang yun."-sabi niya at umiwas ng tingin. Sobrang obvious ba ko na hindi ko talaga siya gusto. "Ihahatid na kita sa inyo"-sabi niya at tumalikod at naglakad pabalik kung saan naka park yung Motor niya.

Nagtatampo ba siya? Bakit ko ba kasi sinabi yun?
Audrey, gumalaw ka naman. Lambingin mo ang Boyfriend mo. Nge.

Hinabol ko naman si Cyriel.

"Cyriel sandali."-sigaw ko. Wala na akong choices ngayon, kailangan ko magsinungaling para maalis ang galit niya. Huminto siya sa paglalakad at lumingon sakin.

"Cyriel, wag kana magtampo ang totoo niyan kasi--- "sabi ko at napakamot sa batok ko. "Wala naman talaga akong first love, sinabi ko lang yun kasi ang cute mo pag nagseselos ka."-sabi ko. Sana nga umobra. Napakaseloso naman kasi ng lalaking to.

"Nagselos ba ako? Pagod na kasi ako at gusto ko na umuwi."-he said seriously, hindi umobra. Hirap niya naman suyuin.

Lumapit ako kay Cyriel, linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Aalisin ko ang pagtatampo niya.

I kissed him... yes i kissed him...

Naramdaman ko naman na gumalaw ang labi niya sa labi ko. Lalaplapin niya ba ko? Hinawakan niya ang batok ko kaya mas lalong dumiin ang labi ko sa labi niya. Napakapit naman ako sa balikat niya kasi parang nanghihina ang tuhod ko.

Maya maya pa tumigil na siya sa paglaplap sakin. Pareho kaming nakatitig sa isa't-isa. Pero bakit ang sarap ata ng halik niya. Medyo binitin niya ko.

Hinalikan ko naman siya ulit. Oo labi niya nga yung masarap. Ang lambot pa ng lips niya.

"Cyriel, pwede bang don ako sa bahay mo matutulog"-ako.

×Bahay ni Cyriel.×

Nababaliw na ba ako? Bakit ko ba kasi sinabi yun na dito ako matutulog kasama niya. Wala ako sa katinuan kanina kaya nasabi ko yun. 1pm na rin at wala na akong masasakyan kung ipipilit ko na umuwi pa ako.

"Goodnight"-sabi ni Cyriel nang kumuha ito ng kumot at unan then lumabas na nang kwarto.

Saan siya matutulog sa kabilang kwarto ba?
Pinatay ko na ang ilaw at tanging lampshade na lang ang natitira.

Nahiga naman ako sa kama ni Cyriel, ang bango naman ng kama niya. Lalaki ba talaga may ari nitong kwarto. Hindi kasi makalat tiyaka maaliwalas talagang tignan.

Pinikit ko naman ang mata ko. Hindi pa ako inaantok. Bwesit! May narinig naman ako na parang tunog ng naglalakad na naka tsinelas. May multo ba dito. Binuklat ko naman ang mga mata ko pero wala namang tao.

Kinapa ko naman ang phone ko nang makapa ko ito. Hinanap ko agad ang number ni Cyriel at tinawagan siya. Ilang ring ito at sinagot niya na.

"Bakit? Hindi ka ba makatulog?"-tanong niya mula sa phone.

"Pumasok ka rito sa kwarto mo bilis"-sabi ko ,

"Bakit? Sige sige"-he said. Maya maya pa bumukas na ang pinto at ilaw ng kwarto. "Okay ka lang ba?"-tanong niya na parang nag aalala at lumapit sa kama.

"May multo kasi rito, pwede bang dito kana lang matulog"-sabi ko at parang kinakabahan, takot talaga ako sa mga Ghost.

"Pero--"

Hinila ko naman siya , kaya napahiga siya sa tabi ko. Sandali kaming nagkatinginan, pero napatingin ako sa braso niya. Dahil nakasando lang naman siya. At kitang kita ang braso niyang puro muscles.

"Dito kana lang, basta promise mo wala kang gagawing masama sakin."-sabi ko at umusog ng konti palayo sa kanya para hindi kami magkadikit.

"Pinagsasabi mo, sa tingin mo ba gagawin ko yun? Ang sama mo sakin"-sabi niya at tumagilid ng higa pero nakatalikod siya sakin.

Masama ba talaga ako? Syempre naniniguro lang ako noh. Mabuti sana kung siya ang masasaktan. Ako na nga tong winarak niya tas ako ang nawalan ng vir--- teka lang bakit ba yun nanaman nasa isip ko. Tumagilid din ako ng higa. At pinikit na ang mga mata ko.

Kinabukasan...

Sobrang bigat ng katawan ko. Napamulat naman ako ng mata. Huh? Si Cyriel nakayakap siya sakin habang nakaunan ako sa mga braso niya. Kaya pala sobrang bigat eh.

Diba natulog kami na parehong nakatagilid , pero bakit ganito na kami paggising. Napatingin ako sa mukha niyang tulog na tulog pa. Para siyang anghel matulog. Kung titignan, napaka Perfect niya.

Pilit ko naman inaalis ang mga kamay niyang nakayakap sakin. Pero parang mas lalong humihigpit ang yakap niya.

"Mamaya na pwede, gusto pa kitang yakapin"-sabi niya habang nakapikit pa ang mata. Gising ba siya  or tulog?

"Cyriel nagugutom na ako"-sabi ko, parang nagutom nga ako. Napadilat naman siya ng mata at napabitaw sa pagkakayakap sakin.

"Ipagluluto kita"-sabi niya at nagmadaling bumangon ng kama, at nagmadaling lumabas ng kwarto.

"Grabe! Akala ko narape nanaman ako. Gentleman nga naman si Cyriel, Lasing kasi siya nung time na may nangyari samin. Hays"-ako.

Kitchen...

"Pasensiya kana ah, di pa kasi ako nakapag grocery. "-saad ni Cyriel, habang magkaharap kami na nakaupo sa Hapag kainan. May nakahain na fried rice, hotdog at itlog tiyaka sandwich.

"Kain na"-sabi ko at nagsimula na akong kumain. "Hmmm, sarap"-ako. Sarap na sarap naman akong kumain sa harap ni Cyriel.

Few momments later.

"Bakit may dumi ba ko sa mukha?"-tanong ko kay Cyriel. Kanina pa kasi nakatitig sakin habang kumakain ako.

"Wala"-he said. Napatingin naman ako sa mesa. Huh? Yung sinangag naubos ko pati ang ulam. Tiyaka pati yung sandwich isa na lang ang natitira.

"Sorry, hehe. Nagutom ng husto ang mga bulate ko"-sabi ko. Napailing iling naman siya.

"Okay lang, tiyaka para sayo naman talaga lahat yan, busog na ko pag nakikita kong busog ka"-sabi niya at hinawakan pa ang kamay ko.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now