CHAPTER 23

223 18 0
                                    



"Babe, nasan ka?"-tanong ko kay Audrey mula sa phone, habang andito ako sa tapat ng Private office niya, wala kasi sila. Kaya tinawagan ko ito agad.


"Kasama ko mga friends ko, may bibilhin lang kami sa mall sandali."-she explained.


"Hi Cyriel, kami na mag uuwi sa fiance mo sa bahay niyo."-rinig kong saad ni Chelsea on phone.



"Maghahanap kami ng lalaki. Wooh!"-it's Nikki. At rinig ko na nagtawanan sila. Tsk!


"Don't worry Cyriel, yung lalaki na para kay Audrey akin na lang bawal na  lumandi ang buntis. HAHAHA!"-it's Shin. Napataas naman ang kilay ko.

Subukan niya lang maghanap ng iba sasabog mukha nang lalaking lalapit sa kanya. Pero may tiwala ako sa kanya, kasi ako lang naman yung lalaking in-entertain niya. Sa lahat na lalaking nagtangkang manligaw sa kanya, ako lang ang pinayagan niya.


Hinang up ko na ang call. I just smile nang makita ko ang screen lock at wallpaper ko sa phone. It was me and Audrey, mga kuha namin to kagabi.


"Cyriel."

Natigil ako sa pag smile, nang may tumawag sa name ko. Liningon ko ito, ang kuya ni Audrey medyo kinabahan ako nang konti.



"Cyriel, right?"-he asked. I just nodded. "Can we talk?"


Private Office..


"I heard, you're already engaged with my Sister, kaya gusto sana kita makausap."-seryosong saad nito, kabado ka self? Don't worry mas pogi ka sa kuya ni Audrey.



"Paprangkahin na kita Cyriel, gusto sana ni Dad na maging sekreto ang kasal niyo ni Audrey."-sabi nito at prenteng nakaupo sa couch, habang magkaharap kami. "Favorite na empleyado ka ni Dad, kahit ako eh favorite ka. Pero nadissapoint lang kami sa mga nangyari. Kaya gusto sana ni Dad na isekreto ang pagpapakasal niyo. For the Company safety."-mahabang lintaya nito. Pero ano ang sinasabi niyang Company safety?


"I mean Company Safety is alam mo naman siguro na ikakasal sana si Audrey, after her graduation in college sana. I think sinadya lahat ni Audrey na mangyari to."-he added.



"Ano pong ibig niyong sabihin?"-nagtatakang tanong ko.



"I'm not sure Cyriel, pero parang sinadya niya ang magpabuntis sa iba, para di siya makasal sa strange fiance niya."-sabi nito and he just chuckled.


Sinadya? Kaya ba siya nakipag inuman sakin nung gabing yun? Nung araw ng birthday ko? Pero parang hindi naman sinadya iyon.



"Pasensiya na Cyriel ah, pero sa tingin ko mahal na mahal ka nang kapatid ko. Hindi kasi si Audrey ang tipong mag iintertain nang lalaki, kaya nagulat talaga kaming lahat sa mga nangyari. Kailan pala ang kasal niyo?"-tanong nito habang nakangiti.



"Hindi ko pa po alam kung kailan."-nahihiyang sagot ko.


"Kung ganun tulungan na kita, isa akong Lawyer matutulungan kita mapadali ang kasal niyo"-he said then he smile at me.


AUDREY'S P.O.V 


"Diba monthsarry niyo ngayon ni Cyriel? Bakit hindi mo man lang siya bilhan ng gift."-Nikki said, habang andito kami sa make up section, then si Shin at Chelsea nasa Clothing section.

Ay talaga, medyo makakalimutin ako eh.



"Talaga? Ngayon ba yun?"-ako. Bat ba kailangan pa nang monthsarry gift?



MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now