CHAPTER 7

242 23 1
                                    

👑MY ULTIMATE QUEEN👑

Author : Binibining Nadya

CHAPTER 7

CYRIEL'S P.O.V

Magkakasama kami nina Kenneth na naglalakad papuntang Cafeteria para maglunch. Habang busy ako na tinititigan ang huling text ni Audrey na hindi ko renereplayan hanggang ngayon. Sana tama ang desisyon ko na iiwasan na siya. Binulsa ko na ang phone ko. Dapat kalimutan ko na lang siya.

Nang makarating na kami sa may Cafeteria. Napahinto ako sa paglalakad papasok sana ng Cafeteria ng makita ko ang grupo ni Audrey, may kasama silang lalaki sa table at magkatabi pa sila. At ang lalaking yun, Professor namin na si Sir Miggy. Mukang masaya pinag uusapan nila.

"Mag babanyo lang ako"-paalam ko kina Kenneth at tumakbo paalis sa lugar na yun. Napadpad ako sa garden, sa garden kung saan dito kami nagkita at nagkabanggaan ni Audrey.

Bakit ba dito ako napadpad. Kasalanan to ng paa ko. Kung hindi ko kaya siya nabangga ng araw na yun, magiging Close kaya kami.

Naupo naman ako sa may ilalim ng puno at sinandal ang ulo ko rito. Wala akong gana kumain ngayon. Sana tama ang desisyon mo Cyriel.

Pinikit ko naman ang mata ko at pinilit na matulog, dahil puyat ako kagabi at hindi nakatulog nang maayos. Nagvibrate naman ang phone ko.

Kinuha ko agad ito sa bulsa ko.
Nagtext si Andrei, sabi niya pumasok daw ako sa resto mamaya. Sana naman hindi kami magkita dun ni Audrey.

May narinig naman ako na mga boses, boses ng babae at lalaki.

Sobrang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at tinignan ang paparating na babae at lalaki. Si Audrey at sir Miggy, papalapit sila dito. Baka makita nila ako, pero malaki ang katawan ng punong ito. Hindi naman siguro nila ako makikita dito.

Sinilip ko naman sila, nakaupo na sila sa may bench, malapit dito sa may puno kung saan ako nagtatago.

Narinig ko na iniimbita niya si Sir Miggy sa 2nd party niya, na gaganapin mamayang gabi.

Tahimik akong nakikinig sa kwentuhan nila, halatang close na close sila.

"Nagmamatured kana talaga Sam, dati napakaisip bata mo pa, at umamin ka pa na Crush mo ko."-tawang tawa na saad ni Sir Miggy.

Ah talaga? Sam pa ang tawag niya kay Audrey. Crush ka niya dati? Sana all. Napairap naman ako sa sobrang inis.

Tahimik akong nakikinig sa kwentuhan nila, halatang close na close sila.

"Hay naku Kuya Miggy, di naman talaga kita crush noon, pinagtitripan lang kita non"-sabi ni Audrey.

Tama? Pinagtripan niya lang talaga si Sir Miggy noon.

"Alam mo bang tawang tawa ang kuya mo nang kwenento ko ang ginawa mo"-sabi pa ni sir miggy, at pareho silang natawa.

"Langya ka! Bat mo sinabi kay kuya, napakatsismoso mo."-parang naiinis na saad ni Audrey pero bahagyang natatawa. Sige lang, tumawa lang kayo .

Wala akong laban kay sir miggy.

Teka? Di kaya si Sir miggy yung sinasabi niya na papakasalan niya.

Possible yun, matagal na silang magkakilala at halatang close ang family nila sa isat isa. Kaya siguro magpapakasal sila after graduate ni Audrey dahil isang Professor ito.

Kung ganun, Malaking Sana all na lang sa kanila. Tsk!

Sinilip ko naman sila , papaalis na sila. Kaya pala hindi na maingay. Hayss. Sinandal ko ulit ang ulo ko sa puno.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now