CHAPTER 19

238 21 2
                                    


Grabe ang sarap ng feeling... ang warm pa nang tubig.


"Sino ka?"-napalingon naman ako sa nagsalita at...


"Ahhhh"-tili ko dahil sa sobrang gulat.



"Bakit nandito ka, diba umalis kana?"-tanong ko rito. Napansin kong nakatitig siya sa akin na parang gulat na gulat . Tinignan ko naman ang sarili ko.



"Bastos!"-sigaw ko kay Cyriel. At nagmadaling kinuha ang towel ko na nakasampay at tinakip sa katawan ko. Lumabas naman siya ng banyo at sinara niya ang pinto.



What the?! Nakakahiya grabe. First time niya ba makakita ng hubad na babae. Bakit ba kasi hindi ko linock ang pinto. Bwesit na buhay 'to.



Nagpatuloy na ko sa pagligo. Siguro nakaalis na siya. Ang banyo nina Cyriel, malapit lang sa kitchen nila. Kaya yung mga damit ko na gagamitin ko ngayon, nasa kwarto niya .





Pano kung nandiyan pa siya. Sumilip naman ako sa may pinto, wala naman siya. Kaya lumabas na ako ng banyo habang nakapulupot ang towel sa katawan ko. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ni Cyriel.


"Ano ibig sabihin nito Audrey?"-tanong ni Cyriel, na nasa loob pala ng kwarto niya. Kaya tumalikod naman siya para hindi ako makita.



"Wait, wag kang lilingon ah."-sabi ko at lumapit ako sa kama para kunin ang pamalit ko. "Lumabas ka muna kaya."-utos ko rito. Naglakad naman siya patungong pinto na hindi tumitingin. Nang makalabas na siya ng kwarto. Nagmadali akong nagbihis.


Nang makabihis na ako nagsuklay ako ng buhok ko na basang basa pa.


"Tapos na ko Cyriel."-sabi ko at medyo linakasan ang boses ko para marinig niya.


Maya maya pumasok na siya.



"Naglayas ka ba sa inyo ?"-tanong niya. Lumingon naman ako sa kanya.

"Pinalayas ako, alam na ni Dad ang lahat."-i said, medyo nagulat siya sa sinabi ko.


"May paraan kaya para makumbinsi ko siya, at matanggap niya ko?"-he ask. Umiling ako.



"Walang pinakikinggan si dad, lalo na't galit na galit siya."-sabi ko at napabuntong hininga. Naupo naman ako sa gilid nang kama at tinupi ang mga nakakalat kong mga damit. Linapitan naman ako ni Cyriel at naupo sa tabi ko.



"Ako na mag aayos ng mga gamit mo, kumain kana lang muna don."-sabi niya at inagaw sakin yung tinutupi kong damit.


"Diba may pasok ka? Tiyaka akala ko umalis kana?"-i ask.



"Naiwan ko kasi phone ko tapos may narinig akong ingay sa banyo nun. Hindi ko naman alam na nandito ka pala. Tiyaka isang subject lang ang eschedule ko ngayon, bawal ka mapagod. Kaya sasamahan kita rito."-sabi niya at ang galing niya magtupi ng mga damit ah.


Nanlaki naman ang mata ko nang mahawakan niya yung underwear ko. Napaiwas ako ng tingin nang tuluyan niya na itong nakuha at tinupi niya naman ito agad. My God Cyriel!

Tumayo naman ako. Nagugutom na ko.



"Mag aalmusal lang ako."-paalam ko pa rito.


*Kitchen.


Madami nang laman ang refrigerator niya, marami na akong pagpipilian na pwedeng kainin ko.



A few Momments Later. Pagkabalik ko sa kwarto tapos na agad si Cyriel mag ayos ng mga gamit ko.


"Inayos ko na sa Cabinet ang mga gamit mo, magluluto na ko ng lunch natin ah."-paalam niya at lumabas na nang kwarto.


MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now