CHAPTER 3

297 22 1
                                    

👑 MY ULTIMATE QUEEN 👑

CHAPTER 3

AUDREY'S P.O.V

"Audrey, uuwi ang dad mo ngayon, dapat maaga ka umuwi mamaya, para kumpleto tayo sa Family Dinner"-bilin ni Mommy nang makababa ako ng hagdan.

"Dapat nag extend pa siya"-mahinang sabi ko. Ayoko kasi na andito si dad lagi sa pilipinas. Napaka strikto niya, sobra.

"Hay naku Audrey, malapit ka na mag 18 years old, pero immatured ka pa rin"-sabi ni mommy at humigop ng Kape.

"Aalis na po ako mom, ayoko malate ngayon"-paalam ko kay mom, at naglakad na palabas ng bahay namin.

Next Month na ang Debut, tsk. Ayoko ng Bonggang handaan, hindi rin naman kasi ako magiging masaya. Pagdating sakin, napakahigpit ni Dad, pero hindi niya naman ako pinagbabawalan maging Man hater, mas gusto niya daw yun, para hindi ako magka boyfriend. Tsk. As if naman gusto ko ng boyfriend.

*School

At dahil nasa School nanaman ako, ready nanaman ako para pahirapan si Cyriel. Ilang weeks na kong nakakatipid sa baon ko, at hindi na rin masyado nahihirapan si Chelsea para sa mga assignments at project ko.

Tenext ko si Cyriel na bilhan niya ko ng Snacks for this morning. Nagreply naman siya agad.

From: Alila

Sige masusunod

*DISSMISSAL

Whole lecture ng prof ko, sobrang boring. Buti at dissmissal na. Palabas ako ng room ko ng makita ko na naglalakad sa hallway si Cyriel kasama ang isang babae , yung babae na kasama niya last time.

Feeling ko , yung girl type na type niya si Cyriel. Tsk.

"Cyriel"-pagtawag ko kay Cyriel bago pa sila makalayo. Agad naman siyang lumingon at yung kasama niyang babae, kaya napahinto sila sa paglalakad. Naglakad naman ako para lapitan sila.

"May Class ka pa ?"-tanong ko at tinaasan ng kilay ang kasama niyang babae . Umiling naman si Cyriel

"Wala, vacant ako ngayon"-sagot ni Cyriel at napakamot pa sa batok niya.

"Cy, Close ba kayo?"-Nagtatakang tanong nung girl. Inerepan ko naman siya.

"Oo, Close kami ni Cyriel, may problema ba.?"-tanong ko sa babae at pinandilatan siya. Pwe! Feeling kagandahan eh.

Pinagtitinginan naman kami ng ibang estudiyante sa Hallway. At nagbulong buongan pa.

"Let's go Cyriel, may pupuntahan pa tayo"-pag aya ko sa kaniya.

"Sige Yveth, next time na lang"-paalam nito sa Yveth daw. Ang pangit pa ng pangalan niya. Duh!

Nauna na kong naglakad , habang nakasunod sa akin si Cyriel.

"Impossible, Si Cyriel nagdededate sila ni Audrey"

"Kahit ako, Omg! Pero bagay naman sila"

Hay naku. Iba talaga pag maganda, palaging pinag uusapan.

Pagkarating namin sa Private office, wala pa yung tatlong kaibigan ko , hindi pa ata tapos class nila.

"May ipapagawa ka ba sakin?"-tanong ni Cyriel. Tumango naman ako. Hayss, Ano nga ba ipapagawa ko sa kanya.

"Samahan mo ko sa Groceries Store"-i said. May naisip lang akong gawin ngayong araw.

CYRIEL'S  P.O.V

Grocery Store.

Nakasunod lang ako kay Audrey, habang hila hila ang Cart puro pambatang pagkain pinapamili niya. Sobra akong kinakabahan wala akong pambayad rito. Huhuhu, bat pa kasi ako pumayag samahan siya. Pero sa totoo lang, first time ko ang mag grocery na may kasama.

MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now