CHAPTER 18

226 22 1
                                    


"So ibig sabihin, hindi totoong nagsuicide ka Cyriel?"-tanong ni Shin at nakatingin ito ng masama kay Kenneth.


"May paiyak iyak ka pang nalalaman kanina tas hindi naman pala totoo!."-saad ni nikki na parang nanggigil ito.


"Pasensiya na. Pangarap ko talaga kasi maging artista, triny ko lang kanina."-sabi ni kenneth sinabunutan naman siya ni Shin. "Aray . Aray"-daing nito.


"Walang hiya ka talaga."-sabi ni Shin at hinila nila sa labas si Kenneth habang hawak hawak ang buhok nito, natawa naman ako ng konti. Natigil ako sa pagtawa ng yakapin ako ni Cyriel.

"Audrey, hindi totoong magpapakamatay ako. Sumemplang lang ang motor ko , dahil madulas ang daan kagabi."-he explain.


Hayss. Sobra akong nakonsensiya dahil don tas di naman pala totoo.


"Eh yung nagdrop out ka sa School totoo ba?"-tanong ko direct in his eyes.

"Hindi, pag ginawa ko yun, hindi na kita makikita."-sabi niya, kumawala naman ako sa pagakakayakap niya.


"Akala ko kasi nag suicide ka talaga, kaya pumunta ako dito."-i said at nahihiya akong tumingin sa kanya.



"Gusto mo ba gawin ko?"-he ask, napalingon naman ako sa kanya.


"Wag mong gagawin."-pagpigil ko rito. Hindi ko alam pero, natatakot ako na baka gawin niya nga yon.

"Nag aalala ka sakin?"-tanong niya at tumitig siya sa mukha ko. Oo nag aalala nga ako sayo Cyriel.

"Hindi, aalis na ko."-sabi ko, tatayo na sana ako nang yakapin niya ko.

"Huwag ka munang umalis, gusto ko pa makasama ang mag ina ko."-he said.

Kumabog nang husto ang puso ko. Mag ina?

"Magkakababy na tayo Audrey at ayoko na malayo sa inyo ng baby natin, gusto ko kayo alagaan ng husto."-he said seriously. Liningon ko naman siya mula sa pagkakayakap niya sakin, nagtama ang mga mata namin.


"Pero Cyriel, wala akong nararamdaman para sayo."-sabi ko, pero nag aalangan ako sa mga sinabi ko. Hindi ko alam pero, tumitibok nang mabilis ang puso ko na ngayon ay magkaharap kami.



"Wala akong pakialam sa nararamdaman mo Audrey. Okay lang sakin kahit hindi mo ko kayang mahalin, tatanggapin ko at maghihintay ako kahit gaano pa katagal. Gusto ko na lumaki ang anak natin na buo ang pamilya. Kaya Audrey, nakikiusap ako hayaan mo kong alagaan ko kayo ng baby natin."-he said. Hindi ko alam pero, naguguluhan ako ng sobra.



Natatakot ako na malaman ng pamilya ko ang tungkol rito. Natatakot ako sa pwedeng gawin ni Dad.


"Cyriel sigurado ka ba na kaya mong tiisin ang lahat?"-tanong ko, agad naman siyang tumango tango.


"Oo naman. Gusto mo bugbugin mo ko araw araw, kahit ano basta wag mo lang akong ipagtabuyan at hayaan mo akong mahalin ka ng higit pa sa sobra."-sabi niya at ngumiti pa. Kaya napangiti na rin ako, nakakahawa ba ang ngiti niya.


I kissed him on lips. Smack lang. Kaya nagblush naman siya ulit.

"Ang cute mo mag blush."-sabi ko. Natawa naman kami pareho. Hindi ko alam pero masaya ang puso ko nang marinig ko ang tawa niya. Natamaan ko naman ang braso niya na may benda. Kaya napaaray siya.

"Ay Sorry Babe ko."-sabi ko at hinawakan ang braso niya. Mas lalo pa siya kinilig sa sinabi ko. "Masakit ba?"-tanong ko tumango tango naman  siya. Hinalikan ko naman siya sa pisngi. "Masakit pa ba?"-tanong ko while im smirking dahil sa reaction ng mukha niya.


MY ULTIMATE QUEEN BOOK1(Escudero Series #1) (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now