Chapter 3

21 9 4
                                    

DENIECE POV.

Kinahapunan ay sinundo kami ni tita.  Sabay kaming apat na umuwi— ako, si Lianne, Adrian, at si Tita Jessa. Panay pa ang pangulit sa 'kin ni tita kung maganda ba ang araw ko kaya agad ko'ng pinaringgan ang anak niyang nasa front seat.

"Maganda na sana tita kaso 'lang may isang lalaking nagsabi na girlfriend 'daw niya ako," wika ko at umirap sa hangin. Natawa naman si tita at sandali akong sinulyapan sa rear view mirror.

"Ang ganda mo talaga Den-den para may magsabi niya'n sa'yo." Natatawa nitong turan. Sandali akong napasulyap kay Lianne pero wala pa 'ring reaksyon ang mukha niya.

"Hindi ako naniniwala. She's just kidding mommy," walang ganang wika ng katabi ko'ng si Adrian habang busy sa paglalaro ng rubrics block. Kahit kailan talaga ay panira 'rin ang batang 'to.

"E'de 'wag kang maniwala, nasa iyo naman ang desisyon," nakangusong bulong ko at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.

"How it's true, kuya?" tanong ni Adrian sa kuya niya. Sandali pa itong napatingin sa gawi namin bago bumuntong hininga.

"I don't know, hindi naman kasi ako aso na buntot ng buntot sa kaniya," malamig nitong wika na siyang kinabuga ko na 'lang ng hangin.

We arrive in the Hernandez subdivision safe. Unang lumabas ang dalawang magkakapatid at mabilis na bumuntot kay Lianne ang nakakabatang kapatid nito.

"Kuya, I made it!" sigaw nito at saka ibinigay kay Lianne ang rubrics cube nito na maayos ng nakahanay.

"Mahilig talaga sa mathematics si Adrian at Lianne. Pero itong si Lianne, nawalan 'lang ng ganang mag-aral matapos maloko." Ngumiti 'lang ako ng pilit kay Tita at sumama na papasok sa gate.

Pagkapasok namin ay agad akong dumiretso sa silid ko at nagbihis. Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko si Adrian na busy sa pag-susulat at may tinatapos na assignment.

Si Lianne naman ay abala sa pagkukumpuni ng nasirang drone. Napabuga na 'lang ako ng hangin at saka bumaba na ng hagdan. Tumulong na 'rin ako sa gawaing bahay lalo na't nakakahiya kapag hindi ako tumutulong.

"Ang sipag po ni Adrian," wika ko at sandaling sinulyapan si Adrian na nagsusulat. Ngumiti naman sa 'kin ng pilit si tita at sandaling tiningnan si Adrian .

"Haist, ganiyan talaga 'yan si Adrian. Kaso nga 'lang, ang bunganga minsan nakakainis.  He just always insisted his own belief about the facts and dyk." Naiiling na wika ni Tita Jessa.

"Nasobrahan na yata siya sa katalinuhan." Nagpilit ngiti ako kay tita habang tumatango habang nanliit naman ako sa sarili ko dahil sa kabobahan ko. Pakiramdam ko ang talino-talino ng magkakapatid habang ako nama'y— nevermind.

We'd done our dinner peacefully. Tahimik 'lang akong nag-ce-cellphone sa sofa ng tumabi sa 'kin si Lianne kaya agad akong dumistansya sa kaniya ngunit mas lalo siyang lumapit sa 'kin. Napilitan ko tuloy ibaba ang hawak ko'ng phone at saka nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Anong problema mo?" I hissed.

"Ikaw. Sino ang lalaking nagsabi sa 'yo na girlfriend ka niya?" tanong nito na siyang kinatawa ko at saka kinailing. Natigil 'lang ako ng makitang seryoso ang mata niya habang nakatingin sa 'kin.

"Ikaw naman talaga 'yun," wika ko at saka yumuko para kunin ang phone ko na nasa mini table pero natigil 'yon ng hawakan niya ang pulsuhan ko. Masama ang ipinukol ko'ng tingin sa kaniya at handa na sanang pagalitan siya pero biglang umurong ang dila ko ng makitang tumaas ang sulok ng kaniyang labi.

"Sino namang makating dila ang nagsabi nu'n sa 'yo?" tanong nito sabay taas ng kilay. Lumipat ang tingin niya sa labi ko kaya napayuko ako pero mas lalo 'lang yatang napatingin siya sa labi ko.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now