Chapter 17

25 3 0
                                    

DENIECE POV.

"Ms. Monteverde, bakit late ka?" tanong ni Mrs. Salvacion. Natahimik naman ako at saka napakagat labi.

"Sorry Ma'am, nag-c-cr pa kasi ako 'eh." Tinanguan ako ni Mrs. Salvacion hudyat na tinanggap niya ang alegasyon ko at pinapasok niya ako sa klase niya. Mabuti na 'lang at mabait ang teacher na ito sa 'kin.

Agad akong naupo sa puwesto ko at sumalubong agad ang ngiti sa 'kin ni Joshua.

"Nag-C-CR ka 'ba talaga?" Kinain agad ako ng hiya at napalunok. Ngumiti si Joshua sa 'kin at binigyan ako ng makahulugang tingin.

"What do you mean?" takang tanong ko. Naging mapanukso ang tingin sa 'kin ni Joshua kaya aakma ko siyang babatukan ngunit agad 'ring natigilan ng mapansin na nakatingin na pala sa 'min ang halos kalahati ng klase.

"Narinig ko kayong nag-uusap ni Eros tungkol sa mga Disney Princess. Barbie ba siya?" tanong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Bisexual kasi 'yan," bulong sa 'kin ni Edward kaya nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Agad naman siyang napangiwi at itinuon na 'lang ang tingin sa notes niya.

Ang gwapo pa naman ni Joshua pero bisexual pala siya? Tama nga ang kasabihang "Don't judge the book by its cover."

Siniko ko si Edward habang diretso ang tingin sa blackboard sabay bato sa kaniya ng tanong.

"Kayo na ba ni Angela?"

"Matagal na since—." I cut his words off.

"Sina Zyonne at Shantelle?"

"Bago 'lang yata at wala pang isang Linggo."

"Gano'n ba," wika ko at saka tumango.

"Yes Mrs. Monteverde." Nanlaki ang mata ko habang nakatingin kay Mrs. Salvacion. Siguro inaakala niyang nagtatanong ako sa kaniya dahil nakaharap ako sa kaniya habang kausap si Edward pero ang totoo si Edward talaga ang kinakausap at pinapakinggan ko. I don't even know her topic.

"Ho?"

"Are you agree Ms. Monteverde?" tanong nito.

"Opo," namumulang sagot ko at tumango. Humagikgik naman si Joshua na nasa gilid ko. Namumula na 'rin ang mukha ko sa hiya.

"You're agreeing that people will undergo in culling also, because it's overpopulation?" Napatingin na 'rin sa 'kin ang ibang mga estudyante at ang iba ay pigil ang tawa. Mas lalo akong namula sa hiya dahil napagtanto ko na 'nang maayos ang tanong ni Ma'am Salvacion. Her subject is philosophy and d4mn this is a bad idea.

"In Australia, because of the overpopulation of the Kangaroo they undergo culling every year. Gagawin mo 'rin ba 'yon sa tao?" The hell! What is culling? Nagtawanan ang lahat habang nakatingin sa 'kin. Hiyang-hiya na ako, t4ng-ina. Culling 'yun ba 'yung gumagamit sila ng contraceptives?

"Yes po," sagot ko. Nagtawanan ang lahat ng estudyante habang nakatingin sa 'kin.

"Sige, ikaw ang uunahin naming i-hunting," natatawang wika ng isa sa mga kaklase namin.

"Culling is a process of hunting the species whereas it's overpopulated and a threat to the environment," bulong sa 'kin ni Joshua. Napapikit ako dahil sa hiya. Siyempre, hindi! Bakit naman p4p4tayin ng kapuwa tao ang kapuwa nila nang dahil 'lang sa overpopulated na sila.

"Makinig ka kasi minsan," nakangising turan ni Edward kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Kung makapagsabi akala mo naman ay nakikinig sa lessons na kung tutuusin sa aming tatlo rito ay si Joshua 'lang naman talaga ang nakikinig.

"The other agencies does." Natahimik ang lahat ng may biglang nagsalita. It's Lianne. Napangiti naman si Mrs. Salvacion bago hinarap si Lianne.

"Why did you end up in that conclusion Mr. Hernandez?" tanong nito.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now