Chapter 28

7 1 0
                                    

DENIECE POV.

"Ako ang titingin sa baba kung may tao," wika ni Shantelle at bumaba na sa downstair. Naiwan naman kaming lima sa rooftop. It was me, Angely, Edward, Eros, and Zyonne.

"Gaya ng napag-usapan kanina. Mag-e-excuse si Den-Den sa teacher na 'tin at sabihin na sumasakit ang ulo niya at hindi na niya kaya habang kay Angely naman ay may nakain kaya sumakit ang tiyan," panimula ni Zyonne na siyang tinanguan naman ni Angely.

"Magpaalam kayo sa naka-assign na clinic charge na uuwi kayo. Si Angely ay kukunin ni Eros at ipapadala ni Den-Den ang porka pink jacket niya para maligaw ang nga tauhan nila sa labas. Habang si Zyonne naman ay itatakas si Den-Den, tama?" tanong ni Edward.

"Hindi ba halata?" sarkastikong tanong ni Zyonne.

"Nagtatanong 'lang, 'eh." Napakamot pa sa ulo si Edward na siyang kinatawa na 'lang namin.

"Kapag nakaalis na ang mga bantay ay saka pa aalis sina Den-Den at Zyonne—."

"Hindi pwede," singit ni Angely at saka kumuha ng papel at inilatag 'yon sa harapan namin.

"Siguradong may maiiwan. Ang maitulong dito ni Edward ay guluhin ang prefix admin at ilang school personnel para hindi nila mapansin si Zyonne at Den-Den na umakyat sa pader," wika ni Angely at saka gumuhit ng linya.

"Iikot kayo sa lugar na 'yan bago mo ideretsong ihatid si Den-Den," wika ni Angely sabay turo kay Zyonne.

"Alam ko ang daan na 'yan. Diya'n kasi kami dumadaan dati kapag nag-cu-cutting classes kami," humagikgik pa ito at saka tumingin kay Edward.

"Hoyy, matagal na 'yon at saka bagong buhay na kaya ako." Depensa nito.

"Mabuti naman kung gano'n," may diin na wika ni Angely kaya napanguso pa siya.

"Alam niyo ba'ng sa likod ng building two, section Aquinaldo ng Grade seven ay may butas doon na kasya ang tao? Kasya doon si Den-Den at Eros—." Hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla siyang batukan ni Angely.

"So, nag-di-ditch ka 'rin pala ng klase mo."

"Huh? Anong paratang 'yan?"

"Ba't alam mo 'yung butas sa Grade seven section Aquinaldo. Kumpleto pa, 'ah at parang familiar kang masiyado."

"Tumahimik nga kayo pareho!" nairitang wika ni Zyonne at napagulo pa sa buhok.

"Aba nagsalita akala mo naman hindi nag-di—."

"Ginagawa niyong komplikado ang sitwasyon. Balik tayo sa plano," wika ni Eros. "Kinailangan pa na 'tin ng ilang kasamahan para rito. Yung mga taong sumugal na ma-guidance."

"Parang alam ko ang plano mo, 'ah!" sigaw ni Edward at saka pumalakpak.

"'Yun na nga, 'eh. Ang problema ay hindi na 'tin alam kung sino ang kukunin na 'tin dahil baka... isa sila sa tauhan ni Daddy. Marami siyang mata rito sa campus. Ano ba'ng gagawin na 'tin?" tanong ni Eros habang pinaglapat ang dalawang kamay.

"Ako na ang bahala diya'n!" matutuwang ani ni Edward.

"Kapag maling estudyante ang nakuha mo... humanda ka sa 'kin!" pinanlalakihan ni Eros ng mata si Edward.

"Eros, anong nangyari at bigla na 'lang nagparamdam sila ulit? Akala ko maayos na ang lahat dahil tumahimik na ang dad—."

"Namatay ang kambal ni Daddy. Si Tito Jerald at dahil 'yon sa ama mo—."

"Huh, Eros—."

"Basta, just stay safe, hm?" Hinawakan nito ang ulo ko at saka niyakap ako.

"Cliché!" tili ni Zyonne kaya napalayo agad sa 'kin si Eros at mabilis na binatukan si Zyonne.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now