Chapter 21

18 2 0
                                    

DENIECE POV.

"Bumalik na pala si Rhianne 'no?" Balita ni Shantelle pagkaupo niya sa mesa.

"Alam ba 'yon ni Lianne?" takang tanong ni Angely. Umiling naman si Shantelle at sumubo ng kanin.

"Sigurado akong mabibigla 'yon," usal ni Zyonne at sumimsim ng kaniyang juice.

"Nasa'n pala si Eros?" singit ko sa usapan nila.

"Ayyiieee, hinahanap si Eros~," panukso sa 'kin ni Edward. Magsasalita pa sana siya pero natigilan siya ng makitang naka-amba na ako ng suntok sa kaniya.

"Nagtatampo," wika ni Angely kaya kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya.

"B-Bakit naman?"

"Joke, joke, joke! Alam mo naman 'yon, busy sa-" bahagyang natigilan si Angela at parang may iniisip.

"Busy sa chicks?" Gatong pa ni Edward.

"Sa Assignment." Napatango na 'lang ako at saka sumimsim sa soda ko.

"Hindi niya kasi ginawa kahapon e'de ngayon nagkanda taranta na. Yung English teacher kasi na'tin na ang hilig magpunish," tugon ni Angela.

"Nag-review 'din siya para sa National Achievement Test," wika ni Zyonne.

"Ba't ikaw hindi?" tanong ni Shantelle sa kaniya.

"Stock knowledge," nakangisi nitong wika.

"Nag-worry ka 'ba kay Eros, Den-den? Huh?" tanong ni Edwad sa'kin. Napakurap naman ako at agad na naghanap ng rason.

"Worry lang ako. Akala ko hindi siya pumasok because of homesick," sagot ko at saka napanguso.

"Ang sabihin mo namimiss mo sya," gatong ni Zyonne dahilan para ambahan kung itapon sa kanya ang walang laman na soda can na kanina ko pa hinahawakan.

"Biro lang, ano kaba," sabi ni Zyonne at sumilay pa sa kanya ang nakakalokong ngiti niya bago harapin si Shantelle.

"Payakap nga mahal." aniya at niyakap ng mahigpit si Shantelle. "...painggitin natin 'yang walang kayakap d'yan." gatong pa niya. Isang sapak lang sana ang gusto ko. Magpasalamat siya at malayo siya sakin kundi makakatikim siya ng isang malakas na suntok.

"Edward," tawag atensyon ko kay Edward 'hm' lang ang tanging reaksyon niya "...palit tayo." Humarap siya sa'kin at tumaas pa ang kilay na parang nagtatanong ng 'bakit'.

"...isang sapak lang kay Zyonne kuntento na ako." Agad namang nag-snap si Edward at s'ya ang sumapak kay Zyonne

"Problema mo?" iritang tanong ni Zyonne kay Edward

"Utos ni Den-den." Napalingon ako sa bahagi nila. "Ba't nadamay ako?" tanong ko na ikinatuwa ni Zyonne at agad na bumawi ng sapak kay Edward.

"Tabla." sagot ni Zyonne

"Hubby, sinapak ako ni Zyonne ohh,"  nakangusong sabi ni Edward kay Angela na parang bata na nagsusumbong sa Mama n'ya. Napangiti naman ako sa kalokohang meron siya na parang bata.

After lunch, nagsibalikan na kami sa kaniya-kaniyang classroom. Naunang umalis si Zyonne dahil may mag-re-review pa 'raw siya para sa NAT. NAT was always selective but, they most select the students from Azalea at bihira 'lang na may kasaling Daisy.

Bumalik ako sa classroom at wala akong naabutan na tao. Habang nakasandal ako sa upuan ay bigla na 'lang pumasok sa isipan ko ang nangyaring ambush sa 'min ni Lianne, one month ago. Agad akong napatayo at hinanap ng mata ko si Lianne pero hindi ko siya mahagilap. Until, an idea popped on my mind.

Take A Rest On My ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon