Chapter 26

35 3 0
                                    

DENIECE POV.

I understand his side. May katwiran naman si Eros kung bakit niya 'yon ginawa. May rason 'din si Lianne kung bakit kinakailangang putulin niya ang friendship nila. I felt bad for Eros lalo na't hindi niya masabi-sabi kay Lianne na ang Ama niya ang may balak na saktan si Lianne.

He tried everything just to saved him kaso nga 'lang ang kapalit ay napagkamalan ni Lianne na gustong agawin ni Eros si Marianne.

"Hindi ko kaya type ang babaeng 'yon, eww." Umirap pa si Eros nu'ng palabas na kami ng science lab. We separated our pace as we back in our perspective classroom.

Afterwards, after our last subject dumiretso na agad ako sa waiting shed para hintayin doon si Lianne. Tamang-tama naman na nando'n 'rin si Angely at parang may hinihintay. Agad akong napaupo sa tabi niya at sinusulyapan siya paminsan-minsan.

"Hinihintay mo ba si Eros?" tanong ko sa kaniya.

"Duh, ayaw ko na doon. Akala mo naman at pusa na may siyam na buhay kung magpatakbo ng motorsiklo." Napahagikhik na 'lang ako sa sinabi ni Angely.

"Ikaw ba't ka nandito?"

"Naghihintay 'rin ng masasakyan," wika ko at saka ngumuso.

"Doon ka na kay Eros," wika nito kaya natigilan ako saglit at nang makabawi ay tumawa naman ako ng pagak at ready na sanang mag-argue pero hindi natuloy dahil nahagip ng mata ko si Eros na papunta sa kinaroroonan namin.

"Ohh, nandiyan na pala," mapang-asar na wika ni Angely kaya agad ko siyang siniko at inirapan.

"Uuwi ka 'na?" he asked. Reluctantly, I nodded.

"Tara, ihahatid na kita." Ngumiti ng malapad sa 'kin si Angely at nag-thumbs up pa.

"Si Angely?" tanong ko at tinuro si Angely. Umiling naman si Angely at saka nag-thumbs down.

"Hayaan mo'ng ang boyfriend niya ang maghatid sa kaniya."

"Sa susunod kasi kotse ang dalhin mo para sumabay ako," wika ni Angely at saka nagpaypay pa ng kamay sa sarili.

Pareho kaming nagulat ng biglang bumagsak ang napakalakas na ulan. Nagsitakbuhan na 'rin ang ibang mga estudyante papunta sa waiting shed at ang iba nama'y bumalik sa classroom.

Binuksan ni Eros ang bag niya at kinuha ang isang folded umbrella at saka binuksan 'yon.

"Ang ginaw," he murmur.

"Sa susunod kotse kasi ang dalhin mo para hindi mabasa si Den-Den sa ulan. Kotse, Eros. Kotse. Alam mo ba 'yon?" singit ni Angely pero tinaasan 'lang siya ng kilay ni Eros.

Sasagot sana sa kaniya si Eros pero natahimik 'rin ng may kotseng huminto sa harap namin. Parang babaeng nagtataray si Eros ng umirap ito sa ere na siyang kinatawa ko.

Driver's window rolled down and I cupped my mouth in amazement. Mangiti-ngiti naman si Angely na tumayo at saka inayos ang ilang hibla ng kaniyang buhok.

"Buh-bye!" Ngumiti sa 'min si Angely at saka nag-flying kiss pa. Laglag panga akong nakatingin kay Edward, he's fcking wearing a black sunglasses, feeling artist amp!

Nang makaalis na sila ay napaupo ako sa waiting shed at saka napabuntong hininga.

"Ang ginaw talaga, sabayan mo muna ako sa café." Kinunutan ko siga ng noo na siyang kinangiti niya.

"Heto," wika nito sabay abot sa 'kin ng payong. Nag-alinlangan man ay tinanggap ko pa 'rin sa huli.

"Payungan mo ako hanggang sa makarating tayo sa malapit na café." I nodded.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now