Chapter 15

27 5 0
                                    

DENIECE POV.

Nagising na 'lang ako dahil sa bigat ng ulo ko. You know, kulang sa tulog dahil sa kaantay kay Lianne na dumating. I smiled weakly as I remember that he doesn't care about me.

Ilang beses 'rin akong nagising dahil napapaginipan ko 'yung mga napanood ko na pelikula. Resulta, ang bigat ng ulo ko at parang ayaw ko ng tumayo pero dahil Monday, I need enough strength.

Agad akong naligo sa shower at Toda Max na lamig ang shinower ko pero wala pa 'rin 'yung effect sa 'kin. Pinakiramdaman ko 'lang ang tubig na bumabagsak sa likod ko at hinayaan na 'lang.

"Hoyy! Can you please speed up. Sasabay ka sa 'kin kaya bilisan mo diya'n!" sigaw sa 'kin ni Lianne kaya napairap na 'lang ako. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng uniporme ay agad na akong bumaba at pumunta sa dining.

As time pass by, hindi ko na 'lang namalayan na paalis na kami ni Lianne. Si Tita Jessa ay busy sa pag-aayos ng mukha ni Adrian habang puro naman ito reklamo. Pagkatapos niyang ayusan ng buhok si Adrian ay sa 'kin naman humarap si Tita.

"Den-Den, sumabay ka 'na kay Lianne papuntang school," wika ni Tita Jessa. Napatingin naman ako sa gawi ni Adrian na ngayon ay hindi maiguhit ang mukha dahil nakasimangot ito.

"Sasabay 'yan sa 'kin."

"Sasabay sa 'kin 'yan papuntang school. Hindi kasi 'yan sa HCAS nag-aaral, 'eh. Ayaw na naman niya," wika ni Tita at saka maliit na ngumiti.

"Bawal ang gadgets! I don't like that policy," maktol ni Adrian. Napailing na 'lang si Tita bago bumaling ng tingin kay Lianne.

"Ikaw na ang bahala kay Den-Den," wika nito bago nagsimulang maglakad papunta sa kotse niya habang nakabuntot naman sa kaniya si Adrian. Naiwan kaming dalawa ni Lianne na walang kibuan. Naunang naglakad si Lianne papunta sa BMW na kotse niya kaya sumunod na 'lang ako. Sa passenger seat na sana ako uupo pero natigilan ako ng hawakan ni Lianne ang pintuan nito.

"Gagawin mo 'kong driver?" Napabuga na 'lang ako ng hangin at saka sa frontseat na 'lang naupo. Kahit kailan ang dami talagang reklamo ng lalaking 'to. Hindi ko na 'lang siya sinagot at saka hinatak na 'lang ang seatbelt at isinuot 'yun.

Ilang minuto 'lang ay nagsimula na naming baybayin ang kalsada. Nang malapit na kami sa school ay biglang huminto si Lianne. Walang gaanong tao at kakaunti 'lang ang mga kabahayan. I think, ilang metro na 'lang ang layo namin at marating na namin ang HCAS. Naalala ko tuloy na nadaanan ko ang lugar na ito matapos akong takutin ni Edward. Ipiniling ko ang aking ulo ng may napagtanto.

T-Teka, inihinto niya ang sasakyan ibig sabihin nu'n na pababain niya ako sa eskinitang ito. I confirmed my guts when he spoke up.

"I don't want to involve any humor in the fcking campus that will spread like a grapevines. Bumaba kana, dapat walang nakakaalam na sa amin ka nakatira," wika nito kaya umawang ang labi ko. Tinikom ko na 'lang ang labi ko at saka napahawak sa door handle ng sasakyan at ipinihit 'yun pero naka-lock.

Tumikhim naman ako kaya agad niyang ini-unlock ang sasakyan. Pagkababa ko ay tiningnan niya pa ako sandali sa car window bago umalis.

I don't want to see his pity eyes. Kung naaawa siya sa 'kin dapat hindi niya ako binababa dito. Sa parking lot naman niya ako binababa dati, 'ah.

Habang naglalakad ako ay mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag. Ilang sandali pa ay may biglang dumaan na motorsiklo pero hindi ko 'yun pinansin. Napahinto ako sa paglalakad ng bigla itong nag-U-turn at huminto sa harapan ko.

Naka-helmet ang nagmamaneho pero hindi naitago ang uniporme niya na HCAS. Tinanggal niya ang suot niyang helmet kaya agad ko siyang nakilala. Pinasadahan niya pa ng kamay ang buhok bago isinabit sa manibela ng motorsiklo niya ang helmet. His motorcycle is a new edition of BMW.

Take A Rest On My ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon