Chapter 24

26 2 0
                                    

DENIECE POV.

Nagising na 'lang ako sa hospital bed kaya agad akong napatayo. Agad ko'ng pinihit ang pinto at lalabas na sana pero natigilan ako ng makita sina Lianne, Tita Jessa, at Tito Arnold sa labas.

"Jessa, pagsabihan mo nga 'yang anak mo!" sigaw nito kaya medyo napaatras ako. "Inaasahan kitang samahan mo 'ko sa business trip pero hindi ka sumipot sa airport at napag-iwanan tayo ng flight."

"Sana umalis na 'lang po kayo key'sa hinintay niyo 'ko ng matagal. Alam mo naman na hindi ko gusto—." I cupped my mouth after hearing him arguing with his father.

"Naiintindihan ko na ayaw mo ang profession na 'to pero sana sumipot ka. This would be an absence of our company." Nagtitimping wika ni Tito habang nakatingin sa kawalan.

"Honey, tama na. Babawi na 'lang tayo sa susunod na transaction—."

"Disappointed sila sa 'tin... at disappointed 'din ako sa 'yo, Lianne," wika ni Tito bago tuluyang umalis.

"Hon! Sandali... let's talk," wika ni Tita Jessa at saka hinabol si Tito Arnold at tanging si Lianne na 'lang ang naiwan. Tumunog ang pinto dahil aksidente ko itong nasipa.

"Okay ka 'lang," tanong ni Lianne ng napansin niyang namilipit ako sa sakit dahil malakas ang pagkasipa ko ng pinto at ang kuko ko talaga ang tumama.

Pinaupo niya ako sa kama habang ginagamot ang kuko ko. Nakatitig 'lang ako sa mukha niya habang ginagawa 'yon. May ilang galos 'rin siya sa mukha at hindi ko na 'yon natiis at hinaplos ko ang galos sa mukha niya. Natigilan siya sandali at napatingin sa 'kin.

"Saan galing 'to?" tanong ko.

"Sa barbed wire," maikli niyang sagot. Kumunot naman ang noo ko.

"Anong—."

"Don't mind me," wika nito at saka inihipan pa ang kuko ko pagkatapos niyang buhusan ng alcohol. Hindi naman 'yon masakit dahil parang hindi nakapasok sa loob ng kuko ko ang alcohol.

"Nang dahil sa 'kin kaya hindi natuloy ang business trip niyo. Sana nakinig na 'lang ako kay Tita na lumiban na 'lang muna," dismayadong wika ko. Napatitig naman sa 'kin si Lianne at saka hinawakan ang kamay ko.

"No, everything is fine. The important thing in this time is you're safe, now." Ngumiti siya sa 'kin ng matamis habang hinahaplos ang kamay ko. My heart was fluttered.

"Salamat sa lahat and pasensya na," wika ko at saka napayuko para iwasan ang tingin niya.

"What? Pasensiya for what?" takang tanong nito.

"Narinig kong nag-uusap kayo ni Tito at nang dahil sa insidente ay hindi kayo nakapunta sa business trip at napag-iwanan ng flight. It's my fault, sana lumiban na 'lang ako sa klase."

"Hush, it's not your fault. Its mine," wika nito kaya agad akong napataas ng tingin sa kaniya. Seryoso ang tingin niya habang nakatitig sa 'kin.

"May oras pa ako na puntahan ang flight ko pagkahatid ko sa 'yo dito sa hospital, but I stay here. See, its not your fault; its mine," wika nito at saka matamis na ngumiti. Tears are visible in my eyes until it fallen down my eyes.

Bakit ka 'ba ganito sa 'kin, Lianne?

Two days when I discharged from the hospital. Hindi naman 'raw gaanong kalala ang nalanghap ko na substance kaya hindi masyadong apektado ang lungs ko.

Malawak ang ngiti ko habang nakahiga sa kama. I miss this bed, I smile as I let my self drowned in sleep.

I woke up in the 5 o'clock. Pagkababa ko sa hagdan ay rinig na rinig ko na ang tugtog piano. Agad ko'ng tinahak ang daan ng isang silid kung saan nagmumula ang tugtog.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now