Chapter 20

20 2 0
                                    

DENIECE POV.

"Den-Den." Agad akong napalingon kay Lianne. Agad na napakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin.

"Hindi ka kumain ng hapunan?" Takang tanong nito. Umiling naman ako kaya nagmamadali siyang lumapit sa 'kin at saka tiningnan ang pagkain na kinakain ko at sinuri pa 'yon.

"Haist, ba't mo 'to kinain? Ang lamig na nito. Ipagluluto kita," wika nito at aalis na sana pero nahawakan ko agad siya sa kamay sabay iling.

"Huwag na. Patapos na 'rin ako 'eh," wika ko at saka nagpilit ngiti. Wala na siyang iba pa'ng nagawa kundi ang tanging pagbuntong hininga na 'lang.

Pagkatapos ko'ng kumain ay umalis na 'rin si Lianne sa kusina at dumiretso sa couch at saka naupo. Taray, ipagluto niya 'raw ako kahit naka-bandage naman ang kamay.

Agad akong sumunod sa kaniya at naupo sa tabi niya. He's busy with the medicine kit; lilinisin siguro niya ang sugat niya

"Ako na ang gagawa," pag-presinta ko. Umiling naman siya kaya agad kong hinawakan ang braso niyang may bandage kaya napangiwi na 'lang siya at hindi na nagreklamo.

Habang binubuksan ko ang bandage niya ay nakatingin 'lang siya sa 'kin habang nakangiwi. Nang tuluyan ko ng makita ang sugat niya ay agad akong natawa.

Turned out, daplis 'lang pala ang tama niya pero nagsuot siya ng arm sling para 'raw magmukha siyang cool pero pagkatapos kong sabihin sa kaniya na Badoy siyang tingnan ay hindi na niya 'yon sinuot uli. Napailing na 'lang ako habang nakatingin sa kaniya na nagmartsang pumasok sa silid niya habang naiwan naman ang arm sling sa couch dahil hindi na 'raw niya susuutin.

.....

Nabutan ko na naman si Lianne at Tita Jessa na nagtatalo. Napahikab pa ako bago tuluyang bumaba sa hagdan. Agad na nalipat ang tingin ko sa kanila habang nasa tabi nila si Adrian at tahimik 'lang.

Tita Jessa was still insisting him to enter the world of business. Kaso nga 'lang, sa hindi malamang dahilan ay ayaw i-pursue ni Lianne ang business. It's been a months since what happened back then wherein I and Lianne involve in ambush. Hindi naman kami politiko para i-ambush pero sa hindi malamang dahilan ay nangyari 'yon.

Hesitant, I could also remember that Eros wooed me one month. Hindi ko nga 'lang alam kung paano ko siya i-approach. He tries everything to surprise me but still, I don't have any official statements. I'm torn between him and Lianne. I know na wala akong pag-asa kay Lianne pero dahil sa mga mixed signals niya ay parang nagdadalawang isip na ako.

Mahal ko o mahal ako? Agad akong umiling dahil sa katarantaduhan na naisip ko naman. Iniwaglit ko 'yon sa isipan ko at agad na bumaba.

"Mom, kahit ipahila ninyo ako sa sampung kabayo basta kung ayaw ko, ayaw ko. I don't love, business." Idiniin pa niya ang huling sinabi.

"You need it, Son. Kabutihan mo ang hangad namin para sa 'yo." Napahinto naman si Lianne sa paglalakad at napagulo ng buhok sabay tumawa ng pagak.

"Then, let me to pursued doctor not that fcking business."

"Lianne!" Tita hissed.

Matamlay na lumingon sa 'kin si Lianne at sa Mama niya. Sandali pa siyang napahikab bago nagsalita.

"Hihintayin kita sa kotse 'wag kang usad pagong," wika nito at naglakad na paalis. Tinanguan 'lang ako ni Tita kaya nagmamadali akong sumunod kay Lianne palabas.

Pagkatapos naming kumain ay tinawag ako ni Tita kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na 'lang sa kaniya. She grinned as she handed me a perfume. Napakunot pa ang noo ko habang inaamoy-amoy ang scent. Maganda talaga mamili si Tita ng scent dahil sa ganda ng amoy nito.

Take A Rest On My ShoulderWhere stories live. Discover now