Chapter 11

24 6 0
                                    

DENIECE POV.

"May plano silang ipagkasundo kayo ng kasal ni Lianne." Tumawa naman ako ng pagak sa sinabi ni Eros.

"Hindi naman siguro mamimilit sina Mommy at Daddy ko kapag ayaw kong pumayag. Ang bata ko pa kaya," nakangusong turan ko. Napangiti naman si Eros dahil sa sinabi ko.

I heard him sigh.

"Ate!" sigaw ni Adrian na nagtatakbo papunta sa kinaroroonan namin sabay pakita sa relo na nasa wrist niya.

"Eleven na ate Den-den and we should need to eat. Sabi pa naman sa 'kin ni Kuya Lianne na 'wag ka 'raw palipasan ng gutom—."

"As if naman na papalipasan ko ng gutom si Den-den." Napasinghap ako ng bigla akong akbayan ni Eros at sapilitan akong hinila patungo sa Chowking.

"Ayaw ko diya'n! Gusto ko sa mamahaling restaurant!" Agad na nabaling ang tingin ko kay Adrian. Kanina-nina 'lang pumayag na siya sa Greenwich tas ngayon biglang nagbago ang isip niya. Anong nangyari sa batang 'to?

"Fine," wika ni Eros at saka muling hinila ako.

"Dito 'lang pala." Masama ang tingin ni Adrian kay Eros. Ang taray 'rin niyang tingnan dahil sa salubong niyang makakapal na kilay.

"Aba ang batang 'to." Babatukan na sana niya si Adrian mabuti na nga 'lang ay nahawakan ko ang kamay niya.

"Bata 'lang 'yan," bulong ko at saka hinila na si Eros papasok sa Chowking habang nakasimangot namang sumunod sa 'min si Adrian.

"Hindi naman ako Intsik." Kanina pa reklamo ng reklamo si Eros dahil sa Chowking kami kumain.

"870 po," wika ng isa sa mga nasa counter. We wait for a minutes of our order. Pagkarating ay agad akong kumain at natigil na 'lang ako ng hindi kumikibo ang dalawang kasama ko. Awkward akong tumawa at saka umayos ng upo; tumigil na 'rin ako sa pagkain.

"Ayaw niyo ba'ng kumain?"

"Ayaw ko." Sabay nilang wika. Halatang wala sa mood si Eros habang si Adrian naman ay nakasimangot, salubong ang kilay, at nakahalukipkip. Halata talaga kay Adrian ang pagiging intimidating na namana niya kay Lianne.

"Adrian, kapag hindi ka kumain... papagalitan ako ni Tita Jessa." Paglalambing ko. Napairap na 'lang ito at nagsimula ng kumain. "Ikaw naman Eros, bahala ka diya'n kung hindi ka kakain. Malaki ka 'na "

"Teka, bakit kasama mo kasi ang asungot na batang 'to?" tanong ni Eros.

"It is because my Ate Den-den is my future sister-in-law. Siya kasi ang future wife ni Kuya Lianne." Awtomatikong nabalunan ako at tiningnan ng masama si Adrian.

After we'd eat, nagpaalam si Adrian na mag-cr muna kaya hinintay namin siya sa labas ng cubicle pero magkalahating oras na 'lang ay wala talaga siya.

"Pati nga si Adrian alam na niya. What if it is true that your parents and him was planning for you and him for the arrangement marriage?" What if nga ba? Umiling na 'lang ako at saka hinarap siya.

"Hindi 'yun," wika ko at saka humarap sa cubicle. "Pupuntahan ko 'lang si Adrian."

Pagkapasok ko ay agad na napansin ko si Adrian na nakatalikod sa 'kin at parang may kausap sa cellphone niya. TF, kaya pala ang tagal niya sa cubicle.

"Fvck up 'yang mukha mo. Ikaw kaya dito?" Agad na kumunot ang noo ko lalo na't narinig ko siyang nagmumura sa kausap niya sa phone.

"Adrian." Natigilan siya at saka napalingon sa 'kin habang nanlaki ang mata.

"Sinong kausap mo?" Tinuro ko ang cellphone niya na agad naman niyang pinatay at tinago sa bulsa.

"Si kuya 'lang," wika nito at saka nilampasan ako.

Take A Rest On My ShoulderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon