Chapter 6

21 9 7
                                    

DENIECE POV.

Nang matapos ang klase namin sa GenMath ay recess time na namin. Inaya ako ni Edward na sabay kaming mag-snacks pero tinanggihan ko siya. Nang masiguro ko 'nang walang tao na sa room ay saka kinuha ko sa bag ko ang baunan ni Lianne at pasekretong ibinigay sa kaniya.

Tinanggap naman niya 'yon at tinitigan pa sandali bago napatingin sa 'king gawi. Sumalubong sa 'kin ang malamig niyang mata habang nakatingin sa 'kin pero hindi ko 'yon binigyan pansin gaano. Aalis na sana ako pero natigil ako ng nagsalita siya.

"Pumasok ka 'ba sa silid ko?" Nanlaki ang mata ko at agad na napalunok.

"Hindi 'ah." Depensa ko agad. Tumaas ang kilay niya at saka mahinang natawa.

"How did you get my GenMath Book?" tanong nito. Napabuga naman ako ng hangin at saka nilinga pa ang paligid kung may tao ba. Nang mapansin kong walang tao ay saka na ako nagsalitang muli.

"Si Tita Jessa ang may bigay niya'n. Sabi niya dalhin ko 'raw para sa 'yo," wika ko at ngumuso. Sandaling napataas naman ang kilay niya at saka nagbuntong hininga. Bumalik ito sa pagkadukdok sa armchair niya kaya hinayaan ko na 'lang at bumalik sa sariling upuan ko. Ilang minuto 'lang 'din ang lumipas ay nagsibalikan na ang mga kaklase namin.

Nang lunch time ay sumabay na 'lang ako kay Edward sa cafeteria. Habang naglalakad kami ay sumusulyap ako sa kaniya ng paminsan-minsan. Gusto ko sanang magtanong pero nagdadalawang isip ako.

"Di'ba matagal na na dito sa school at marami ka na 'ring nalalaman, tama?" tanong ko rito. Tumango-tango naman siya habang hindi ako tinitingnan at diretso 'lang ang tingin sa harapan.

"Sino pala si Rhianne?" tanong ko. Napahinto naman siya saglit at saka pinagsingkitan ako ng mata. Tinaasan ko naman siya agad ng kilay kaya napabuga siya ng hangin at tumingin na 'lang sa harapan na daan.

Ilang sandali pa ay bigla siyang tumawa habang umiiling-iling. Naiiling na 'rin ako dahil sa kaniya para siyang ewan.

"Bakit... may nakakatawa ba?" Inosente kong tanong kaya natigil siya at saka tumikhim.

"Interesting ka kasi sa buhay ni Lianne," wika nito at saka tumigil sa pagtawa. Bumuntong hininga na 'lang ako at hindi na 'lang siya sinagot. Afterwards, the next words that came out from his mouth make me totally freeze.

"Baka ka 'ko, in-love ka sa kaniya." My eyes widened in shock. As I regained my consciousness I managed to chuckled in the fake way.

"Ano ka naman. Binibigyan mo yata ng malisya ang tanong ko. I'm just asking because I heard her name being mention by our classmates." Tumango naman siya bilang pagsang-ayon kaya naging panatag na ulit ang loob ko.

Nang makarating kami sa cafeteria ay pumila agad kami at kumuha ng pagkain. Pagkatapos ay naghanap kami ng upuan at ilang sandali pa ay nakita ko si Zyonne na mag-isang kumakain.

Nagulat na 'lang ako ng doon pumunta si Edward at naupo sabay kaway sa 'kin.

"Den-den!" sigaw ni Zyonne at kinawayan ako. Bumalik naman ako ng kaway at saka naupo na. Gulat si Edward na nagpabalik-balik ng tingin sa 'kin at kay Zyonne. Nakaawang ang labi niya habang pabalik-balik ang tingin sa 'ming dalawa ni Zyonne.

"Magkakilala ka 'yo?" Tinapik ni Edward ng mahina ang kamay ni Zyonne. Tumango 'lang si Zyonne. Nanlaki ang mata ni Edward habang nakaawang ang labi.

"Isusumbong ko kayo kay Shantelle," biglang bulalas nito na siyang inilingan 'lang naming dalawa ni Zyonne.

"Si Shantelle ang nagpakilala sa 'kin kay Den-den." Nanlaki ang mata ni Edward na napatingin sa 'kin. Napahiga na 'lang ako ng hangin at saka sumisimsim sa juice ko. Sumimsim na 'rin si Edward ng kaniyang juice.

Take A Rest On My ShoulderWo Geschichten leben. Entdecke jetzt