Chapter 10

23 8 0
                                    

Deniece POV.

Napanguso na 'lang akong pumasok sa silid ko at nagbihis ng panlabas na damit. I'm just wearing a knitted Korean style dress and put a light make-up. Pagkalabas ko ay bumungad agad sa 'kin ang mukha ni Lianne. Napatingin pa siya sa 'kin mula ulo hanggang paa.

"That's not a formal dress." Tumaas ang kanang kilay ko sa naging reklamo niya at saka mahinang natawa. Hindi ba 'to formal sa paningin niya?

"Parang kuya kita, 'ahh kung magdikta ka." Mas lalong dumilim ang mukha niya sa naging turan ko.

"Wala akong sinabi. I'm just stating the facts," wika nito na siyang kinairap ko. Stating the facts pa ang putcha, 'eh halata namang jinu-judge niya ako dahil sa damit ko.

"Its my fashion," wika ko at saka lalagpasan sana siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko kaya napabalik ako sa paghakbang.

"Can I borrow your laptop now?" Wala sa sariling napabalik ako sa silid ko at saka ibinigay sa kaniya ang laptop ko.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad na napaangat ang kilay niya. Hindi ko siya pinansin at nilagpasan na 'lang saka dumiretso sa salas. Pagkaupo ko sa sofa ay agad kong binasa ang text message galing kay Eros.

Kusa akong napangiti ng mabasa ang dalawang magkasunod na text niya sa 'kin.

From:ErosGwapo (3 messages)
Message:
      Kailan ka mag-o-online? Hahaha, mukhang nakalamay na ang Facebook mo dahil sa tagal ng mag-online. Hindi kita ma-chat doon.

      BC ka? Hindi ka kasi sumasagot? Baka naka-istorbo na ako.

      Pupunta kasi ako mamaya sa KCC, gusto ko sana magpasama sayo kaso lang baka BC ka😟.

Nako ng tawa at hindi ko alam kung saan ba ako matatawa. Sa naging text niya o dahil sa huling Emoji.

To:ErosGwapo
Message:
    Yezzz! Busy ang ferson for now dahil pupunta 'rin ako sa KCC.

"Ate Den-den! Aalis na po ba tayo?" Salubong sa 'kin ni Lianne na ngayon ay bihis na bihis na. He looks like a sophisticated child in his suit.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan. Napangiti ako ng makita ang text message sa 'kin ni Eros.

From:ErosGwapo
Message:
          How coincidence naman. Sige, hihintayin na 'lang kita sa KCC. Txt mo 'ko pagkarating mo, 'ahh. Buh-bye.

Agad kong isinilid sa shoulder bag ang cellphone ko at saka kinamayan na si Adrian para maghandang umalis. Tumalon-talon naman si Adrian na sumunod sa 'kin.

"Isara niyo ang pinto!" Agad akong napatingin sa second floor. Nando'n pa sa pintuan ng silid ko si Lianne, nakasandal.

"Yes master!" pabalik na sigaw ko na siyang kinahagikgik ni Adrian.

Inihatid na 'lang kami ni Tita Jessa sa KCC since, madaanan niya. Humagikgik pa si Adrian pagkapasok namin na siyang kinakunot noo ko. Problema ng batang 'to.

We arrive at the mall exactly ten PM. Nag-iwan na 'rin sa 'kin ng pera si tita Jessa para 'raw dito na kami kumain. Umalis kami ng bahay, nine thirty tas ngayon ten pm na. Ang traffic talaga, grabe. Mabuti sana kung motorsiklo ang dala mo, iwas ka talaga sa traffic at abala.

Pagpapasok ko sa mall ay agad na tumunog ang phone. I take it a peek and I saw his message.

From:ErosGwapo
Message:
         I saw u. Pero bakit kasama mo ang batang asungot na 'yan. Ahh, baka nagkasabay 'lang kayo. Hinintay kita sa entrance.

Take A Rest On My ShoulderOù les histoires vivent. Découvrez maintenant