TTIMI 1 - Pink

669 8 2
                                    

JIO

"Hoy, Ji tinanong pala noong classmate ko sa isang subject kung kilala raw ba kita." Bungad sa akin ni Sean pagpunta nito sa mesang kinakainan ko rito sa canteen.

"Huh? Sino naman 'yan?" Usisa ko.

"Patricia Gonzales. Baka kilala mo? Jowa raw siya ni RZ?" Sagot nito habang inilalagay sa plato ang spaghetting naka-plastic.

"Bakit naman daw?" Tanong ko.

"Ewan ko nga eh. Tinanong nga Facebook mo, ayon ibinigay ko."

"Luh? Ba't binigay mo agad? 'Di mo man lang ako tinanong kung payag ba ako." Irap ko.

"'Di naman 'yon nangangagat. Baka gusto lang magpabantay ng jowa o baka gusto lang makipag-friends, grabe ka naman. Hahaha!" Biro nito.

"Wala ako rito para magbantay ng jowa 'no. Tsaka sa inyo pa nga lang ni Cali ang sakit na ng ulo ko hahaha. 'Di rin naman kami close ni RZ kaya wala s'yang mapapala sa aki-- speaking of."

You have a message request from Patricia Gonzales

Hi! Ako nga pala 'yung girlfriend ni RZ na classmate mo sa isang subject. May itatanong lang sana ako.

Hello! Ano 'yon?

Nakakausap mo ba si RZ?

Oo, but about school stuff lang. Why?

Pwede kapag nag-chat 'wag mo na lang reply-an? Thanks.

"May sapak pala 'to eh!"

"Hahaha! Bakit ano sabi sa'yo?"

"Kung nakakausap ko raw ba si RZ. Malamang teh! Kaklase natin 'yon, nakaka-group natin. Tapos sabi 'wag ko na lang daw reply-an kapag nag-chat. Siraulo! Edi sige hayaan mong hindi pumasa 'yang jowa mo." Inis kong paliwanag kay Sean.

"HAHAHAHAHAHAHAHA! May sapak talaga 'yon!" Muntik pang mabulunan si Sean katatawa.

"Bahala sila!" Nakakabwiset! Idadamay pa ako sa problema nilang magjowa.

"Hoy, pero Ji, pang-ilang gulo mo na 'yan ngayong school year ah. Tanginang mukha kasi 'yan, ang pogi!" Pang-aasar ni Sean.

Bwiset natawa tuloy ako hahaha.

"Tangina nakakasawa na. Lagi na lang akong sinasangkot sa mga relasyon nila. Kung sana lang ay totoo, hindi ako maiinis." Buntong-hininga ko.

"Magjowa ka na kasi for real para tantanan ka na n'yang mga 'yan." Tulak sa akin ni Sean.

Sumimangot naman ako. Kung sana lang ay ganoon kadali 'yon.

"Graduating na tayo. Distraction lang 'yan. I don't have time for that."

"Edi fake jowa. Para walang commitment. Pero at least mababawasan ang trouble mo." Nagtaas baba ang kilay nito na para bang hinihintay ang pag sang-ayon ko sa suhestyon n'ya.

"Sa tingin mo talaga maganda 'yang plano mo?" Irap ko sa kanya.

"Yo, wassup!" Maingay na dumating naman si Cal.

"Hay salamat, buo na ulit ang sismars!" Sigaw naman ni Sean.

"Anong balita?" Tanong nito habang inaangat ang ulo ko patapat sa kanya.

"You'd know kung maaga ka sana." Pagsusungit ko.

"Ay, red days ba ng bebe?" Pang-aasar nito. Tumawa naman si Sean.

"Sige magsama kayo ah." Akma na akong tatayo nang mamataan ko na may nag-aamok ng away sa gilid ng cafeteria. Parang kilala ko 'yon ah.

"Hoy, tignan n'yo 'yon. Kaklase ba natin 'yon sa isang subject?" Itinuro ko ang direksyon nila.

"Ah oo! 'Yung laging nakaitim. Si.. Kiroh?" Sagot ni Sean.

"Gago kala ko tahimik lang 'yan. Ang lupet pala makipagsapakan!" Bulong ni Cal.

May dugo sa kilay ni Kiroh at tinulak s'ya noong lalaking kaaway niya. Bigla n'ya naman itong sinuntok, dahilan ng pagkatumba ng lalaki at mabilis na tumakbo si Kiroh.

"Bagsak!" Sigaw ni Sean. Agad ko namang tinakpan ang bibig nito at baka marinig kami.

"Putangina! Si Parker pala 'yon!" Nagulat kami ni Sean nang biglang puntahan ni Cal 'yung lalaking sinapak ni Kiroh. Sumunod kami ni Sean sa kanya.

"Pre ayos ka lang?" Inalalayan ito ni Cal na tumayo.

"Hanep! Nabugbog na tinanong mo pa kung ayos lang?" Sabat ni Sean.

"Gusto mo ba dalahin ka namin sa clinic?" Tanong ko sa Parker daw na 'to.

"No! I'm fine. Kasalanan ko rin naman." Nanghihinang sagot nito.

"Ano ba nangyari, pre?" Usisa ni Cal.

Iniupo muna namin s'ya at binigyan ng tubig.

"My fault. Gago ako. I broke up with my girlfriend just because I don't want her to go abroad after graduation." Paliwanag n'ya.

"Eh bakit mukhang galit na galit sa 'yo si Kiroh?" Tanong ni Sean.

"Kiroh's our close friend. Pero magkababata sila ni Liza kaya parang little sister na ang turing n'ya rito. He knew na ayaw ko sa plano ni Liza pero he never expected na hihiwalayan ko si Liza dahil lang sa rason na 'yon. Nagdilim talaga ang paningin ko kaya biglang nagkapisikalan. Ako ang nauna. I'm sorry na nasaksihan n'yo pa 'yon."

"In fairness kay Kiroh ah." Bulong ni Sean. Siniko ko naman ito.

"Anyway, thanks guys. Uwi na lang muna siguro ako. Just tell Kiroh that I am really sorry for what happened. If possible lang naman na makausap n'yo s'ya. Kailangan ko rin muna talagang magpalamig. Sobrang nakaka-pressure lalo na ngayong graduating tayo." He smiled a weak smile and walked away.

Speechless ang sismars. Gusto lang naman naming kumain nang matiwasay.

"Wow. Tatahi-tahimik pero scary." Pagbabasag ni Sean sa katahimikan.

Naglalakad na kami papunta sa last class namin ngayong hapon.

"Pinaglaban n'ya lang bestie n'ya. Tsaka buti na lang aminado rin si Parker sa mali n'ya." Ani Cal.

"Paano mo pala nakilala si Parker?" Tanong ko kay Cal.

"Crush ko 'yon dati eh hahaha. Joke, nakakalaro ko 'yon sa computer shop dati. Sila may-ari ng compshop malapit sa'min dati. Pero alam ko sobrang yaman na n'yan ngayon eh."

"Wow, mayaman pala crush mo. Hahaha!" Pang-aasar ni Sean.

Natawa na lang ako sa dalawa.

Maaga kaming nakarating sa classroom at ilang estudyante pa lamang ang narito. Nagbatian kami ng ilan.

Natanaw ko naman agad sa pinakadulo ng silid si Kiroh. Ang tahimik at nakakatakot pala na si Kiroh.

May pink bandage lang naman s'ya sa kilay n'ya. Muntik na 'ko matawa, buti na lang kinalabit ako ni Cal para ituro kung saan kami pwedeng pumwesto.

Tangina siguro nagwawala na 'to sa kaloob-looban n'ya dahil panira ng all black aesthetic n'ya ang bandage n'ya hahaha.

Nanlaki ang mata ko noong bigla itong tumingin sa akin at itinaas ang kilay n'ya na walang bandage.

"Ano?"

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now