TTIMI 26 - Delivery

227 9 0
                                    

JIO

Nakaupo ako ngayon sa kama ko at iniisip pa rin ang mga nangyari kagabi. Ay kanina palang madaling-araw.

Totoo naman 'yon 'di ba? 'Di naman panaginip 'yon 'di ba?

Hinawakan ko ang labi ko.

"Totoo ba 'yun?"

"Jio! May tao sa labas! Buksan mo muna, anak. May inaayos ako rito sa kwarto ng kuya mo." Nagising ang diwa ko dahil sa sigaw ni mama.

Bumaba ako at binuksan ang gate namin.

"Delivery po for Jio de Dios." Bungad sa akin ni kuyang rider.

"Ay, wala po akong ino-order kuya. Baka na-scam po kayo?" Nako, sino namang gumagamit ng pangalan ko?

"Ay hindi po, may nag-order po, rito raw po ipa-deliver." Iniabot sa akin ni kuya ang iced coffee at usual breakfast food na ino-order ko sa paborito kong fast food.

"Gano'n po ba? Salamat po ah." Isasara ko na sana ang gate namin..

"Ay, sir, bayad po?"

"Hindi pa po bayad?"

"Opo, sir eh. Cash on delivery po ang mode of payment." Walangya. Sinong bwakanangshet naman ang magpapa-COD sa 'kin nito? Ang aga-aga please lang.

"Sorry kuya. Nakakahiya po, ito po. Pwede po ba malaman kung sinong nagpa-book?"

"Uhm, Kiroh Suson po?" Tangina talaga, ano 'to Kiroh!? Tama bang jinowa kita?

"Sige kuya, salamat po. Ito po." Iniabot ko kay kuya rider ang bayad.

Dali-dali kong sinara ang gate at pumunta sa kwarto para tawagan 'tong Kiroh na 'to.

"Good morning, boyfrie--"

"Pakyu ka talaga, Kiroh Suson!!!"

"Luh, bakit? Akala ko pa naman I'll receive a 'thank you, love' this morning."

"Gago ka ba? Nagpa-deliver ka sa 'kin pero COD!? Nakakahiya kay kuya rider!!!"

"Ay gagi! Sorry Ji, akala ko nabayaran ko sa app. Kaya pala nag-aantay ako ng text ng confirmation, hanggang ngayon wala." His voice looks genuinely sorry kaya medyo na-guilty naman ako.

"Bwiset ka talaga! Akala ko pinagti-trip-an mo 'ko!"

"Hahaha, 'di ko sinasadya. I'm really sorry." Pagpipigil nitong tawa.

"Uhm.. can you come here mamayang lunch? Bumawi ka sa pangbu-bwisit mo sa 'kin."

"Sus, sabihin mo na lang na nami-miss mo na ang boyfriend mo, Jio." Dinidiinan n'ya pa talaga 'yung 'boyfriend'.

This feels so surreal. Are we really boyfriends now? Gosh, ano bang ginagawa ko sa buhay ko?

"Magkasama lang tayo kanina. I'd like to formally introduce you sana kila mama. Noong isang araw ka pa rin kasi kinukulit na pumunta rito eh."

"Shet, bigla akong kinabahan." Natawa ako sa sinambit nito. Kahit ang angas n'yang tignan, may ikatitiklop pa rin talaga 'to. "Huwag mo 'ko tawanan. Normal naman na kabahan kapag meet the parents stage na ah." Hahaha mukhang naaasar s'ya sa tawa ko.

"Hahaha. baliw ka, 'di mo naman first time na ma-meet sila."

"Duh, first time as your official boyfriend."

Hindi ko alam pero para na 'kong tanga ritong ngumingiti mag-isa. Bwiset, ano bang ginagawa sa 'kin ng lalaking 'to?

"Still there?"

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now