TTIMI 34 - End

214 9 0
                                    

JIO

"Get in, Jio!" Pagmamadaling sambit sa akin ni Liza na nasa tapat na ng aming gate.

It's 10pm already.

"Anak, please take care. Tawagan mo ako ha? Sabihin mo kay Kiroh nag-aalala rin ang mama sa kanya." I'm really blessed to have my mom.

"Yes, ma. Tatawag po ako. Thank you, ma. I love you.."

Nagpaalam din si Liza rito at saka pinaharurot na nito ang kanyang sasakyan.

"Shit! Ang traffic!" Bahagya pa nitong hinampas ang manibela dahil sa pagkadismaya. "I'm sorry." Baling naman nito sa akin.

"Okay lang.." I awkwardly said. "Uhm, Liza.. Salamat ah."

"Wala 'yon, ano ka ba? This is the least I can do for the two of you. Pero lalo na kay Kiroh." She held my hand. "Jio.. you two are lucky to have each other. Pero sorry sa pagiging bias.." Natawa ito. "You really are blessed to have him." Sunod-sunod ang pagtango ko. "Handang makipagpatayan 'yan para sa taong sobrang importante sa kanya. Dahil 'yon ang hindi n'ya naranasan growing up. So, on behalf of him, I'm really sorry sa mga nangyayari. Nasanay kasi 'yan na nagsasarili ng problema. Kahit kami ni Parker nasanay na lang din sa kanya. Pakiramdaman na lang talaga. But he's really trying, Jio. To be honest, sobrang laki ng pagbabago n'yan when he met you. Nalaman kong tinamaan na talaga 'yan noong bukambibig ka sa akin. He's starting to open up more. Lalo na noong nalaman n'yang malapit na ang birthday mo, kinwento n'ya lahat sa amin ni Parker ang plano n'ya noong nag-beach tayo. Kaya sobrang saya rin namin ni Parker dahil grabe ang energy n'ya na parang ibang Kiroh 'yung kasama namin."

Walang lumalabas na mga salita sa aking bibig. Nagsimula na namang tumulo ang mga luha ko.

Tila nagising naman ang diwa ko noong nag-ring ang telepono ko.

He's calling.

"Ji.. mahal.."

"Why? What happened? Papunta na kami!" Natataranta na rin si Liza habang nagda-drive dahil narinig nito ang pagpa-panic ko.

"P-papunta kami sa ospital.. nandoon si mama.. 'wag na kayo pumunta, please.. I need to face this alo--"

"Saan 'yon? I-send mo sa akin kung saang ospital okay?" Madiin kong sambit.

Hindi naman na ito umalma pa at natanggap ko agad ang pangalan na kaagad ko namang sinabi kay Liza.

Ilang oras din bago kami nakarating sa ospital at natagpuan agad si Kiroh na nakatulalang nakaupo sa upuan sa hallway.

"Kiroh!"

Walang salitang lumapit ito sa akin at yinakap ako ng napakahigpit. Sapat na 'yon para masabi sa akin kung ano ang nararamdaman n'ya. Hinalikan n'ya ako sa noo.

"Thank you.." bulong nito.

Lumapit din ito kay Liza at yinakap ito.

"How are you? Kumusta ang mama mo?"

"I-I don't know yet.." hinawakan nito ang kamay ko. "I'm really sorry.. aayusin ko lang 'to, mahal.. And I promise to be better.. hindi lang para sa 'yo but also for myself."

"Unahin mo ang sarili mo ngayon. I trust you."

"Ki, tawag ka ni mama. Kung pwede ka na raw bang makausap ulit." Tawag ng isang lalaking mukhang mas matandang version ni Kiroh.

KIROH

To be honest, I don't know what I'm doing anymore. Nandito na naman ako. Nasa ganitong sitwasyon na naman ako. Sobrang nakakapagod na. Pero alam kong kailangan ko na 'tong harapin ngayon. I need to end this. Itong dapat matagal ko nang tinapos at matagal ko nang hinarap.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now