TTIMI 25 - Saved

256 11 2
                                    

"Ha?"

Umiwas ng tingin si Kiroh at saka naglakad palayo kay Jio.

"Wala." Ngumiti ito nang nakakaloko.

"Umayos ka, Kiroh Suson. 'Wag mo kong sinusubukan." Pabirong pagbabanta ni Jio kahit na bumilis ang tibok ng kanyang puso dahil sa sinabi ng nakatatanda.

"Eh paano kung susubukan ko?" Ngumisi pa ito.

Samantalang nawala naman ang ngiti sa labi ni Jio.

"U-umuwi na nga tayo! Aabutin pa tayo ng kinabukasan dito!" Pag-iiba ni Jio ng usapan. Akma na itong pasakay sa driver's seat noong hawakan ni Kiroh ang kamay nito.

"Wait. Uhm.. Can we stay here a little longer? Until midnight?" Nahihiyang tanong nito.

"Why?"

"Wala lang. Sige na please? Hahatid kita pauwi, promise." Itinaas pa nito ang kanang kamay na para bang batang nangangako.

Natawa naman si Jio.

"Baliw ka ba? Paano mo ako ihahatid eh kotse ko 'to? Maglalakad ka pauwi?"

"Edi.. sa inyo ulit ako makikitulog." Ngisi nito.

"Ha!? Tigilan mo 'ko, Kiroh. Nagi-guilty pa nga ako na hindi natin sinasabi kina mama ang totoo eh." Irap ni Jio.

"'Wag na natin sabihin--"

"No. Ayoko magsinungal--"

"Totohanin na lang natin."

"Ha? A-ano bang sinasabi mo?" Sa puntong 'to, hindi ko na alam dahil sa dami ng nangyayari.

"Let's be together.. for.. real?" Hinawakan nito ang mga kamay ko. Habang ako naman ay hindi makatingin dito ng diretso. "Look, I know you may think this is so sudden. But I don't think I can keep it to myself any longer." Huminga ito nang malalim. "I really admire how you care for you friends and family. How you like helping other people. How you are so grade conscious." Tumawa ito nang bahagya. "How funny and intelligent you are. I just think those were so.. attractive. How you make me laugh, how you can make everyone happy, how you are not afraid of me. And especially.. how you are.. you."

"Ano ba.. ang dami ko nang luha ngayong gabi." Paghikbi ko. Nanlalamig pa ang mga kamay at paa ko at sa tingin ko ay hindi ito dahil sa lamig ng hangin dito ngayon, kung hindi dahil sa kaba.

"Jio.. I like you.." hawak pa rin nito ang mga kamay ko habang ako naman ay parang batang humihikbi na wala nang pakialam sa kung ano man ang hitsura ko ngayon.

"Gusto mo lang ba ako dahil nalaman mo ngayong gabi na ako 'yung bata noon?"

"No, silly." Bahagya itong natawa at pinunasan ang tumutulong luha sa aking pisngi. "I may like that boy noon. But I love the man that's in front of me right now. And it's actually crazy that they are the same person. Nakakabaliw." Malaki ang ngiti nito.

"Kahit iyakin ako?"

"Handang-handa lagi 'yung balikat ko para iyakan mo."

"K-kahit padalos-dalos ako magdesisyon minsan?"

"Kahit lagi pa."

"Kahit madalas magulo ang isip ko?"

"Ano naman? Tao ka lang din naman."

"Kahit malasing ako nang sobra araw-araw?"

"Huy, 'wag naman, 'di healthy 'yon. Pero sige, oo."

"Bwisit ka! Ba't ka ganyan?" Nagulat ata ito dahil pinaghahampas ko s'ya sa dibdib.

"Why!? May mali ba akong nasabi?" Gulat na tanong nito.

"Bakit ka ganyan magsalita? Si Kiroh ka ba talaga? Baka clone ka ah!"

Natawa ito sa mga pinagsasabi ko.

"Ako 'to, Jio. That Kiroh whom you are saving since we were little. Can I make bawi, and save you starting.." tumingin ito sa phone n'ya. Umilaw ito at saktong 12am na. "..today?"

What's also shocking is ako 'yung nasa wallpaper n'ya. Habang nagd-drive. That night na papunta kami sa party ni Cal. Oh my.. this guy..

Natameme ako dahil sa dami nang tumatakbo sa isip ko. Ano bang nangyayari? Panaginip ba 'to? Kasi kung oo parang ayoko na magising dahil kahit naguguluhan ako, hindi ko maitatanggi na hindi ko rin maintindihan ang saya sa puso ko ngayon. Pero at the same time, gusto ko na rin magising dahil.. natatakot ako.

"I-it's okay.. you don't have to answer yet.. I know this is too much--"

"I-i like you too.."

Sa pagkakataong ito, si Kiroh naman ang tila naestatwa sa kanyang pagkakatayo.

"T-talaga?"

"But.. Kiroh, to be honest, natatakot ako.. if ever, this will be my second relationship and I told you about the first one, which is the memorable one.. dahil sa sakit, ayokong maulit.."

"Palitan na natin 'yang memorable one mo ng better. 'Yung magiging unforgettable naman dahil sa saya, dahil sa kinaya. I can't promise you a perfect relationship, Jio. But I promise to love you with all the love I can give. I'll be your savior even if you don't want me to become one. I'll be saving your ass until our hair's gray. That's how serious I am. Handa akong magpaka-superman, batman, wonderwoman, darna, ikaw na ang mag-decide."

Pareho kaming natawa dahil sa mga binitiwan n'yang salita.

"Paano sina Cali at Sean? Do we tell them na?"

"Not gonna lie, nakakatakot si Cali minsan. Pero handa kong lunukin at sairin lahat ng natitira kong pride just for him to approve our relationship. We'll tell them whenever you are ready, okay?" Tumango ako bilang pagsang-ayon sa kanya. He really values what I feel.

The moment he said this, I know he is serious, serious. The fact na 'lalaking pinaglihi sa pride' ang bansag sa kanya ni Parker, pagkatapos handa n'yang itaya ang pride n'ya ngayon. And also, he knows how I respect and love my best friends especially Cali.

"Kiroh?"

"Yes?"

"Let's save each other's asses for the rest of our lives."

I didn't get a reply.

I got a kiss instead.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now