TTIMI 6 - Pride

207 5 0
                                    

JIO

Good morning. How's our project? May maitutulong pa ba ako?

Good morning, Kiroh. Send ko sa gmail mo 'yung draft. Need ko na lang siguro ng opinion mo roon.

Sure. Wait ko.

Did you received it na? What do you think?

This is so odd. Majestic.

Totoo ba? Baka bias ka ah, porke magka-group tayo.

I always tell the truth, Jio.

Okay, sabi mo eh. Pero seryoso, ayos na ba 'yan?

May konting suggestion lang ako. I-note ko na lang dito para hindi mo makalimutan. Ikaw na lang bahala if you'll consider.

Sigeee. Mas gusto ko 'yung ganyan, kesa sasabihin lang na basta maganda.

Nga pala, mamaya ko pa lang insert ang writings. Si RZ na 'yung umako no'n, pambawi n'ya raw sa atin.

As he should?

Hahahaha, I can't imagine you saying that. Pero yeah, as he should.

May itatanong pala ako, Kiroh.

What?

Pinadalhan ka rin ba n'ya ng breakfast this morning? Mukhang bumabawi talaga sa atin si RZ 'no.

Nope.

Ay, talaga?

Sipsip lang sa 'yo 'yon.

Lol, baka nga hahaha.

I have to go. Good luck editing our project. Just message me if you need anything.

Okay, thank you Kiroh.

Okay, so confirmed na. Ako lang talaga ang pinadalhan n'ya. Ano ba 'yaaaan huhu iiyak na 'yung tao rito oh. Ayoko po ng gulo please lang.

Ibinaling ko na lang muna ang pansin ko sa paglalapat ng texts sa magazine at pagco-consider ng suggestions ni Kiroh. In fairness, sobrang gaganda ng suggestions ni Kiroh na nakatulong din ng sobra para ma-improve ang overall appearance ng project namin. I just want this to be over.

Sean calling...

"Hoy, ano? Nagbibihis ka na ba? 7:30 PM na. Sunduin ka namin ng 7:45."

"Shet, sorry 'di ko na namalayan ang oras. Heto na, mag-aayos na."

Call ended

Nagmadali na akong magbihis at hinintay sa gate sina Sean at Cali.

"Get in!" Sigaw ni Cali na s'yang nag-ddrive ng kotse n'ya habang nasa shotgun seat naman si Sean kaya sa likod na ako sumakay.

"Sorry, I was busy, sinabi ko naman sa inyo." Paliwanag ko.

"Hay, sige na nga. Sasaglit lang naman tayo eh. Nakakahiya rin kay Parker kasi inimbitahan tayo." Sagot ni Sean.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum