TTIMI 15 - Green flag

222 6 0
                                    

"Pre, kayo na muna bahala r'yan ah. Singilin n'yo na lang 'to. Ayusin n'yo ah, marami namang pera 'yan pambayad." Sabi ni Kiroh sa lalaking bumaba sa itim na kotse habang itinuturo pa si Parker.

Kinuha naman ng lalaki ang ilang personal na detalye ni Parker habang ang dalawa naman ay naghihintay malapit sa kotse ni Jio.

"Tama nga si Parker. You always look out for them. Kahit pa 'di kayo okay."

"Sino namang may sabi n'yan? Naawa lang ako, paiyak na eh."

"Sus, huwag mo na itanggi, Kiroh."

"'Wag ka masyado magsasama d'yan kay Parker. Masyado na ata kayong nagiging close. Pati ako pinagchichismisan n'yo pa."

"Bakit, ano namang masama kung pinag-uusapan ka nga namin?" Ngumiti pa ito nang nakakaloko kay Kiroh.

Natigilan si Kiroh dahil sa sinabi nito. Buti na lamang ay lumapit na si Parker para sabihing ayos na at pwede na silang umalis.

Nagpasalamat naman si Kiroh sa mga tropa n'yang gumagawa ng sasakyan.

"Get in, you two. I'll drive."

Hindi na nagprotesta pa si Kiroh at dumiretso na sa shotgun seat habang pumwesto naman si Parker sa likod.

"Ji, thank you ah. Ki, thank you." Pagbabasag ni Parker ng katahimikan.

"Wala 'yon, Park." Sagot naman ni Jio.

Hinihintay pa nitong sumagot si Kiroh na tila ba walang narinig.

"Huy." Tinapik nito ang kaliwang hita ni Kiroh.

Napatingin naman ito kay Jio pagkatapos tumingin sa salamin at tinanguan lang si Parker.

Hindi mapigilang ngumiti ni Jio.

Ganoon na rin si Parker.

"So, kayo na today?" Muling panimula ni Parker.

"Oo, pero kunwari nga lang." Mabilis na sagot ni Jio.

"He knows?" Tanong naman ni Kiroh rito.

"Oo, bro. Close na kami n'yan ni Jio." Sabat ni Parker.

"Edi kayo na." Inirapan pa ito ni Kiroh.

"Alam n'yo, ang angas n'yo pareho pero para kayong mga bata. Pareho lang din naman kayong concerned sa isa't isa." Natatawang pahayag ni Jio.

"Me? Paano 'ko magiging concerned d'yan eh gago 'yan?" Pagpoprotesta ni Kiroh.

"Huh? I already said sorry a lot of times. Tsaka okay na kami ni Liza ah. Ikaw lang naman 'tong pinaglihi sa pride."

Nagpatuloy lamang ang asaran ng dalawa hanggang sa makarating na sila sa bar.

Sinalubong naman ang mga ito ni Cali at ngayo'y umiinom nang si Sean.

"Yey, kumpleto na! Happy birthday, Cali boi!" Sigaw ni Sean. Naka-semi circle position ang mga ito palibot sa isang mahabang mesa.

[their seating position :>]

------------Sean-----Parker-----Jio------------
------Cali-------------TABLE---------Kiroh---

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant