TTIMI 21 - Langaw

251 9 2
                                    

JIO

"What happened yesterday? Was it successful?" Usisa ni Cal sa akin habang kumakain ako ng spaghetti sa canteen.

"Kwento, bilis!" Pagmamadali naman sa akin ni Sean. Pinagitnaan na naman ako ng dalawang 'to.

"Okay naman."

"What? Okay naman? 'Yun lang? Napakadayaaa!" Pagmamaktol ni Sean.

"Nalinawan ako kahapon. Si Liza pala 'yung sumundo sa kanya."

"What!? So you cried and worried for nothing?"

"Tamang hinala ka kasi, tanga!" Pang-aasar ni Sean.

Natawa na lamang ako at hindi na pumalag pa kasi tama naman sila.

"So, what now? Tinapos mo na nga?"

Napaisip naman ako bigla sa tanong ni Cal. What now?

"Uhm.. siguro?" Umiwas ako ng tingin dahil malamang gusto na 'kong sungalngalin ngayon ni Cali.

Habang itong si Sean naman ay tumawa ng malakas.

"Huy! Shhh! Nakakahiya, lakas mo tumawa!" Pinagtitinginan tuloy kami rito sa canteen.

"Nakakatawa ka kasi. Anong siguro? Ano bang trip n'yong dalawa? Hahaha!"

"Uhm.. oo? Pero sabi ko maging friends kami." Nauutal ko pang paliwanag.

"Jio, ano ba talagang nangyari? Tatamaan talaga sa 'kin 'yang Kiroh na 'yan eh!" Iritang sabi ni Cali.

"Calm down, Cal. Everything's fine. Like nothing happened. Maayos na ang lahat. Can't you trust me?"

"Of course I trust you. Si Kiroh ang hindi ko pinagkakatiwalaan."

"Mabait si Kiroh, Cal. Try to know him. He's not what everybody thinks. He's more than just our mysterious classmate that rarely talks and is always late."

"Huy, iba na 'yan! Ikaw ah. Grabe mo buhatin si Kiroh ah." Ngumiti si Sean nang nakakaloko.

Sinamaan ko na lang ito ng tingin.

"Please, Cal? Give him a chance."

"I'll think about it." Sabay irap ni Cali.

Bumilis ang araw habang papalapit na ang finals week kung saan magiging busy na naman kaming lahat.

We passed Kiroh's project and our professor was impressed of what Kiroh did. He's constantly thanking me pero palagi ko ring sinasabi sa kanya na effort n'ya naman lahat ng iyon.

Mayroon din kaming mga group activities kung saan mas nagpalalim ng friendship naming tatlo with Kiroh. I can see Cal's effort to befriend him and I am really happy about it. Kaya lang minsan ay hindi maiiwasan na magkainisan ang dalawa although hindi naman talaga ito pinapatulan ni Kiroh. Hindi yata kaya ng universe ang kaangasan ng dalawang 'to.

Nakakasama rin namin si Parker paminsan-minsan and as usual parang aso't pusa pa rin sila ni Kiroh. Nagkakampihan pa si Parker at Cali minsan sa pang-iinis kay dito. Para akong may alagang apat na bata.

Narito kami ngayon sa restobar na pangatlong beses na naming kinakainan ngayon. This has become our favorite hangout place kapag kumpleto kaming lima dahil kumpleto rin ito simula sa pagkain, beer, at may mga banda pa paminsan.

"Let's set a dinner with Liza!" Masayang sambit ni Parker.

"Kayo na ba ulit?" Usisa ni Cali.

"Hopeless case na eh. Pero we are really good friends. I guess may mga tao talagang mas better kapag magkaibigan na lang." Sagot nito.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now