TTIMI 19 - Mess

252 7 0
                                    

JIO

Inilapag ko sa dining area ang mga pinamili ko mula sa convenience store.

"Wow! Daming pasalubong!" Magiliw na bati ni Sean sa akin sabay halungkat sa mga dala ko.

"Huy. Bakit?" Ani Cali na napansin ata na ang tamlay ko.

Jio, ayusin mo naman ang sarili mo please.

Umiling lamang ako pagkatapos ay naupo sa sofa at kinuha ang remote ng TV. Sumunod naman ang dalawa sa akin at pinagitnaan ako. Mukhang mapapakwento na yata talaga ako.

"What's wrong?" Seryosong tanong ni Sean.

"'Wag n'yo 'ko pagagalitan ah." Kailangan ko munang huminga ng malalim.

Ayoko rin sanang sabihin sa kanila kasi ayokong masira si Kiroh sa kanila. Lalo na kay Cali, dahil alam kong umpisa pa lang ay hindi na maganda ang impression nito kay Kiroh, pero mukhang hindi naman nila ako tatantanan kaya ikukwento ko na.

"'Yan na nga ba sinasabi ko, Jio." Cali looks so disappointed na medyo mukhang naaawa sa sitwasyon ko.

"Yeah, I know. My fault. I'm really sorry."

"No need to say sorry. Hindi mo rin naman kasalanan at hindi mo alam. Pero Jio, please. Ayusin na ang mga dapat ayusin para hindi na lumaki pa."

"Yes, I will. Bukas na bukas din. Wala na akong pakialam sa mga sasabihin pa ng iba. I have to make things right."

"I'm sorry too. Isa ako sa naka-influence sa desisyon mo." I can see the guilt from Sean's face.

"No, Sean. This is all on me. Akin lang 'to, okay? I chose to be in this situation, so ako rin ang mag-aayos nito." Hinawakan ko ang kamay ng dalawa. "Thank you guys. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko sa buhay ko kapag wala kayo."

***

Monday na. Gumising akong mabigat ang pakiramdam. Everyone knows I hate confrontations. Hindi kasi mapigilan ng mga luha ko na bumagsak. And I hate everyone seeing me like that.

Alam kong hindi masamang umiyak. But I hate when people can easily judge me just because I am showing what I truly feel.

I should message him right?

Morning. Can we talk after class? Dadaanan ko rin sa studio 'yung flashdrive, lipat ko ro'n 'yung edited photos mo. Bigay ko sa 'yo later.

Good morning! Sure. Thank you.

Pinili kong hindi na lang mag-reply. Mukha pa namang maganda ang gising n'ya. Sana ay maging madali lang ang mangyayari mamaya.

Nagkape lang ako dahil wala akong ganang kumain. Sana lang ay mag-function ako nang maayos ngayong araw. Ilang linggo na lang din naman ay final exams na pagkatapos ay graduation na rin.

Sana lang kasing dali lang ng pag-iisip ang mga mangyayari sa mga susunod na buwan. I just want to get over these.

"Hey. How are you?" Bati sa akin ni Sean pagkakita nito sa akin sa campus.

"Okay naman, syempre." Pilit kong ngiti.

"Did you talk to him already?" Seryosong tanong naman ni Cali.

"Sinabi ko na na mag-usap kami mamaya. He said okay."

"Mabuti naman. Mas okay na 'yan para hindi na lumala pa. Though kayo pa rin hanggang ngayon ang laman ng social media."

"Wala na 'kong pakialam sa kanila, Cali. Gusto ko na lang talagang magkaroon ng katahimikan. At ayoko rin na madamay pa si Kiroh rito kahit na.. damay naman na talaga s'ya."

Nagpatuloy pa rin ang araw ko kahit na aware akong wala ako sa sarili ngayon. We ate lunch sa canteen as usual at tambay kami ngayon waiting for our next class kung saan kaklase na namin si Kiroh. Mabuti na lang din at talagang hindi ko s'ya nakikitang pakalat-kalat sa campus para na rin mawala ang isip ko sa kanya.

"Malapit na finals week. Hell week na naman." Reklamo ni Sean.

"Buti na lang last na exam na 'to. Ayoko na. Talagang magtayo na tayo ng studio." Sambit naman ni Cali.

"Oh shoot! Speaking of studio, nakalimutan ko kunin 'yung flashdrive na bibigay ko kay Kiroh mamaya."

"May bukas pa naman."

"No, Cali. Gusto ko kasi na tapos na 'yung business ko kay Kiroh bago ako.. uhm.. makipag-break." Tinignan lamang ako ng dalawa.

"Punta muna 'ko sa studio saglit. Malapit lang naman, sa apartment ng tita ko. Una na kayo sa class kapag medyo na-late ako." Tumingin ako sa oras at mayroon na lamang akong sampung minuto para agad na makarating din dito.

"Samahan ka namin?" Alok ni Sean.

"'Di na, Sean. Saglit lang din ako, promise."

"Okay, ingat. 'Wag ka magmadali sa pag-drive. Kami na bahala kay prof kapag na-late ka."

"Thanks, Sean. Cal, bye muna." At agad na akong tumakbo papunta sa parking at pinatakbo agad ang sasakyan ko.

Mabilis akong nakarating sa apartment ng tita ko kaya agad kong kinuha ang flashdrive at sa school ko na lang it-transfer ang files para hindi ako ma-late.

Pabalik na ako ng campus nang bigla naman akong naipit sa traffic.

"Shit, male-late talaga ako nito. Bakit ba ang traffic?" Sinipat ko ang unahan at nakita ko na malapit pala ito sa isang day care.

Nakakita ako ng mga batang naglalabasan mula sa gate kasama ng kanilang mga sundo. Kaya naman pala walang galawan ang mga sasakyan.

Dito na nga ako maglilipat ng files para hindi sayang sa oras.

Tatanggapin ko na lang din siguro ang kapalaran kong male-late ako sa araw na 'to. Masisira ang good record ko kay prof, ano ba 'yan!

Mabagal pa rin ang paggalaw ng mga sasakyan. Kaya nag-chill na lang muna ako dahil wala rin naman akong mapapala kapag ini-stress ko pa ang sarili ko, eh late naman na ako.

But then, I saw a familiar face. Again.

"Oh no.. am I a.. homewrecker?"

That's Kiroh.. with a child..

Panay pa ang kulitan nito at ng batang lalaki na siguro'y nasa tatlo o apat na taon. Sukbit pa nito ang maliit na bag ng bata.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na baka kapatid lang iyon ni Kiroh o 'di kaya naman ay pamangkin n'ya o pinsan. But the guilt is killing me dahil na rin sa nakita ko kahapon kaya ganito ang naiisip ko.

Hindi ko na namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. I really hate this feeling. Mas lalong naging malinaw sa akin na tama ang desisyon na gagawin ko mamaya. Simula pa lang naman kasi hindi ko na dapat ginawa iyon. Unti-unti na akong naliliwanagan.

And also, I might know the reason why he's always late. And if I am right, I am in a much bigger mess.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя