TTIMI 22 - Invite

220 7 1
                                    

JIO

Thanks for granting our request! Galing. Walang kupas! Yabang talaga.

Napilitan lang ako. May kapalit 'yon.

At ano naman?

Bahala na, basta meron.

What if ikaw na lang kunin kong kakanta sa kasal ko?

Ayoko nga.

Damot mo naman, babayaran naman kita.

Wala ka ngang boyfriend tapos kasal agad nasa isip mo.

Alam mo minsan hindi na 'ko natutuwa na dumadaldal ka na. Close mo na lang kaya ang mouth?

Can I stand next to you instead?

Luh, best man pala gusto mong role? Teka iisipin ko kung deserve mo ba.

Slow. Tss.

Slow amporkchop, pinagsasabi mo? Bye na nga. Pasa mo na mamaya part mo ah!

K.

Gusto maging bestman eh kaka-close pa lang naman namin. Parang mas deserve naman ni Sean at Cal ang role 'no.

Everybody thinks we are still in a relationship. Siguro dahil na rin naging close nga talaga kami at lagi na kaming magkakasama dahil sa mga group activities. I don't mind as long as tahimik naman ang buhay ko ngayon.

Hindi na rin naman namin napag-usapan pang muli 'yon ni Kiroh. We got more comfortable with each other at feeling ko wala na rin naman s'yang pakialam sa iisipin pa ng iba tungkol sa amin. Sa bagay, ako lang naman talaga 'tong may pakialam dati sa sasabihin sa akin kaya nga nangyari 'yung deal na 'yon 'di ba?

Hindi ko rin namalayan ang oras kakaisip at nakatulog na rin ako. Ang sabi ko pa naman sa kanila ay magpasa sila ng kanya-kanya nilang ambag pero heto ako at nakatulog na.

Kinabukasan ay bumaba ako para mag-breakfast.

"Kain na, Jio." Yakag sa akin ni mama.

"Wowie! Thank you, ma. Ako na magtitimpla ng kape ko."

"Ito na, Ji." Sabay abot sa akin ni kuya ng kape.

"Ay, ito na pala. Thanks, kuya."

"Anak, kailan ulit pupunta si Kiroh?" Si mama naman sinakto pa sa pag-inom ko ng kape, natapon tuloy.

"Mag-ingat naman at mainit." Sambit ni kuya at binigyan ako ng pamunas.

"Uhm.. busy po 'yon, ma. Malapit na finals namin, nagre-review po 'yon." Palusot ko.

"Dito mo na pag-review-hin, mag-study date kayo rito sa bahay kaysa naman kung saan-saan pa kayo nag-aaral." Sambit ni mama. "Tsaka itanong mo nga kung anong paborito n'yang ulam para malutuan ko s'ya pag punta n'ya rito."

"Sinigang po paborito no'n. 'Yung sobrang lapot dahil po maraming gabi."

"Wow, kilalang-kilala." Pang-aasar ni Kuya.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now