TTIMI 12 - Rules

223 5 1
                                    

"It's true. So back off."

Putangina, Kiroh, hindi ko alam kung saan ba ako unang babawian ng buhay. Sa acads ba, sa mga problema ko, o sa kamay mong nasa baywang ko ngayon.

Natigilan si RZ at unti-unting naglakad palayo.

Dali-dali ring inilayo ni Kiroh ang kanyang kamay.

"I'm sorry. I didn't mean to--"

"You don't need to do that. But thanks. Payag na ako sa plano." Huminga ako nang malalim.

"What's the game plan then?" Seryosong tanong nito.

"Wait, bago 'yon, saan ka ba galing? Lagot ka na naman sa prof." Usisa ko.

"Uhm, may emergency lang. 'Di ko pwede iwanan eh." Nag-iwas ito ng tingin. Ang fishy ni Kiroh, parang 'di real.

"Anyway, kailangan nating bumuo ng rules para maging successful ang laro na ito. Jusko, akala ko sa mga pelikula lang nangyayari 'to, totoo pa pala 'to sa real." Pag-uumpisa ko.

"Okay, what rules?"

"First, mag-jowa lang tayo sa school. Pangalawa, magb-break din agad tayo next week, or kapag wala na sa atin ang atensyon ng lahat. Pero ayokong ako 'yung may dahil--"

"Wait, dehado naman ata ako rito. Ako pa sasalo ng sisi?" Pagtutol ni Kiroh.

"Sige may point ka naman. Edi sabihin na lang natin na it didn't work out kahit na medyo showbiz ang reason na 'yon."

"Okay, better."

"Lastly, uhm.. 'wag na nga, 'di naman mangyayari 'yon eh. Sobrang magkaiba natin, so malabo."

"Ang alin?"

"Wala, wala."

"Okay, so 'yun lang? Can I go na?" Sobrang chill n'yang tinanggap ang lahat ng rules na ginawa ko at walang pagpo-protestang naganap mula sa kanya.

"Gusto mo bang sumabay?"

"Pwede b--"

Bigla akong napakapit sa kamay ni Kiroh dahil biglang dumaan ang pinagmulan ng lahat ng ito, si Patrcia.

"Ang smooth mo ah." Natatawa pa ito.

"Magtigil ka, Kiroh Suson. 'Wag ka nang sumabay, maglakad ka na lang!"

Dire-diretso akong naglakad palayo kay Kiroh. Naririnig ko naman itong tinatawag ang pangalan ko.

"Huy, Jio! Wait for me. Pasabay na nga!"

Nakasakay kami sa pick-up ko. Nagpupumilit pa ito na mag-drive ngunit mas matigas ako kaya ako ang nagwagi.

"Pwede bang magtanong?" Panimula ko.

"You're already asking."

Inirapan ko lamang ito.

"Bati na ba kayo ni Parker?"

"Bati? Pangbata naman 'yang term mo."

"Kung ayaw mong sagutin, sabihin mo." Nananagad ng pasensya 'to ah.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now