TTIMI 8 - Confession

225 5 0
                                    

JIO

Para kanino ako bumabangon? Edi para sa haup na subject na 'to. Charot, mahal na mahal ko nga 'tong subject na 'to eh, gustong-gusto ko kasi 'yung nahihirapan.

Nag-update lang ang bawat grupo tungkol sa progress ng project namin kaya hindi masyadong mabigat ang klase ngayon. Maaga ring nag-dismiss ang prof.

Pagkatapos ay agad nagsilabasan ng classroom ang iba habang ako naman ay nag-aayos pa ng gamit at tamang chismisan lang si Cal at Sean o ewan ko, baka magazine nila ang pinag-uusapan nila.

"Mr. Suson. Have you made up your mind already? Would you rather do this project alone or with someone?" Rinig kong tawag ng prof sa ngayo'y lumapit na si Kiroh.

"Yes po ma'am. I will work alone." Sagot nito.

"Are you sure? I'm telling you, mahihirapan ka if you'll work alone. I highly suggest to be helped by anyone you know. Got any friends?"

"Y-yes, ma'am. I'm sur--"

"Ako po, ma'am. I-i'm willing to help Mr. Suson po."

Kahit ako ay nabigla rin sa sinabi ko. Ano na naman 'to, Jio?

Napatingin sa akin si prof, Kiroh, dalawa kong bestie, at ilan sa mga kaklase kong narito pa sa classroom.

Mapapakanta na lang talaga ako ng horrified looks from everyone in the room, all eyes on me ni mamang Taylor.

"No! Jio? I will work alone po, ma'am."

"No, I-i'm willing to help. W-wala rin naman po akong masyadong ginagawa t-these days." I smiled awkwardly.

Tangina, Jio, tambak gawain mo.

"Ma'am--"

"Sounds perfect! Good luck on you two!" Pagpuputol ni prof sa kung ano pa mang pagtutol na gagawin ni Kiroh. Umalis naman na ito agad ng room kaya't wala nang nagawa si Kiroh.

Nagulat ako sa paghawak ni Kiroh sa braso ko at paghila nito sa akin sa labas.

"W-what was that?" Tanong nito.

"I don't know either. Pero tutulungan kita promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko at nilakihan ang ngiti kahit hindi ako sigurado hahaha.

"You don't have to." Malamig nitong sambit.

Ba't kaya 'di na lang 'to mag-thank you para tapos na 'tong usapan na 'to? Eme.

"Sus, okay lang 'yan. Ako lang 'to oh! Tsaka don't you think we make a great team? Take our magazine as an example." Sa wakas, nakaisip din ng palusot.

"I don't know why you are helping me. Pero sana hindi dahil naaawa ka sa akin. Thank you. Really appreciate it."

"Tangeks, hindi 'no! Bukal sa loob ko 'to. Welcome!"

"O-okay, I'll go ahead." Isinuot nito ang hoodie n'ya at umalis.

In fairness, improving. Dati hari ng walk out, ngayon nagpapaalam na.

Pinutakte naman ako ng tanong at pang-aasar lalo na ni Sean paglabas nilang dalawa ng classroom.

"Ba't mo naman ginawa 'yon, Ji? Iisipin nung tao, kinaaawaan mo s'ya." Seryosong tanong ni Cal.

"Bakit? Masama ba 'yon?"

"No, Ji. Pero alam mo naman, 90% pride ang bumubuo sa mga tao kaya natural na hirap tayong tumanggap ng tulong." Paliwanag nito.

"But what if, hindi dahil kinaaawaan ni Ji si Kiroh but out of love? Yieeee!" Pang-aasar ni Sean.

"Luh? Anong out of love pinagsasabi mo? Hindi nga kami close no'n noh. Tsaka gusto ko lang talaga s'ya tulungan para naman makagaan sa kanya since sabi nga ni Park, nagtatrabaho pa 'yon sa gabi. Oh 'di ba? He has a lot on his plate. Tutulungan ko lang s'ya ngumuya. Charot."

"HAHAHAHAHHA GAGO!"

"But seriously, Ji, please don't get yourself on anymore trouble please." Umiral na naman pagkakuya ni Cali.

"Yes, kuya. Masusunod po." Pang-aasar ko rito.

"Kuya ka r'yan!"

Naglalakad na kami papunta sa parking noong sinalubong kami ni RZ.

"Hello! Jio, can we talk?" Pagbati nito.

"About what? Sa pagkakaalam ko, we're all settled sa project natin. Finalization na lang." Nginitian ko ito.

"N-no, it's not about that. May iba pa sana kasi akong concern."

"Tara, samahan ka na namin, Ji!" Sabat ni Sean.

"Uhm, baka pwedeng we can talk privately sana?" Nahihiya nitong pagtutol kay Sean.

Tinignan ko ang dalawa kong kaibigan at tumango sila bilang pagpayag kahit na may halong pag-aalala sa kanilang mukha.

"We'll wait for you here." Ani Cali.

Nagsimula kaming maglakad ni RZ patungo sa isang bench kaharap ng field.

I don't feel good.

"Anong pag-uusapan natin, RZ? Btw, thanks sa breakfast, I knew it was you."

"You're welcome. Uhm, actually, gusto ko lang kasi sanang sabihin 'to para matahimik na rin ang isip ko. It's been driving me crazy lately." Panimula nito.

Naupo kaming dalawa.

"I know it sounds so dumb, but I-i think I'm really falling for you, Ji."

"What? That's stupid and wrong, RZ! Sobrang mali nito. May girlfriend ka!" Gusto kong sumabog sa galit ko sa lalaking 'to. Cheater!

Akma akong tumayo at patakbong aalis ngunit nahawakan niya agad ang braso ko.

"No, wait, Jio. Please hear me out. I know, this sounds stupid and wrong pero matagal ko na kasing gustong makipag-break kay Patricia b-but she won't let me. Sinasabi n'yang confused lang daw ako about my sexuality at babalik din daw ako sa kanya but Jio, this is the first time I was so sure with what I feel at ito 'yon. Sure ako sa nararamdaman ko sa 'yo. Sincerely.."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Parang lahat ng galit na naramdaman ko sa kanya kanina ay napalitan ng awa. Naaawa ako kay RZ dahil hindi naiintindihan ni Patricia ang pinagdaanan n'ya.

Bigla n'ya akong niyakap. He's crying. At kahit gustuhin ko mang kumawala sa yakap n'ya ay hindi ko magawa. I know he needed someone na maiintindihan s'ya. But I also know that someone is not me. At hindi dapat ako.

Bumitaw ako at itinulak s'ya ng bahagya.

"I'm really sorry this is happening to you, RZ. Deserve mo ng makikinig at makakaintindi sa 'yo but please do understand na hindi ko rin gusto ng gulo. Thank you for appreciating me, pero pasensya na dahil hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman mo sa 'yo."

"N-no, okay lang, Jio. I just want you to understand. Na hindi lang kita pinagti-trip-an or what. Na seryoso ako sa intensyon ko sa 'yo. Pero you don't need to reciprocate. I just want you to know. I'm really sorry." He said in between his sobs.

"Sana magkausap kayo ni Patricia, RZ. Sana maayos kayong makapagtapos. I really hope for your situation to be better." Pinilit kong ngumiti sa kanya at umalis.

Sinalubong naman ako si Cal at Sean na para bang alam nila ang nangyari dahil tahimik lang kaming naglalakad papunta sa parking.

What a day.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now