TTIMI 18 - Girlfriend

251 10 0
                                    

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, si Kiroh."

Gulat na gulat ang dalawa dahil sa narinig.

Nanlaki pa nga ang mga mata ni Jio.

"Uhm, nakikitira lang po ako sa tita ko, malapit po sa bayan."

Hindi malaman ni Kiroh kung ano ang mararamdaman n'ya. Isa na ro'n ang kaba dahil hindi pa alam ni Jio na alam na ng mama n'ya kung ano man ang mayroon silang dalawa. Pangalawa ay kung matutunaw bang muli ang puso n'ya dahil ngayon na lang ulit may tumawag sa kanyang anak.

"Ah gano'n ba? Malapit lang pala, hatid mo na Jio, anak."

"'Di na po tita. Magpahinga na lang po muna si Jio."

"Ang swerte n'yo sa isa't isa." Malaking ngiti ng mama ni Jio habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Halos maibuga naman ni Jio ang laman ng kanyang bibig dahil sa narinig. Agad itong uminom ng tubig at tumayo sa kinauupuan.

"Ay, Kiroh, 'di ba nagmamadali ka? Tara na, baka ma-late ka pa sa aasikasuhin mo. Tara na, bilis." Hinahatak pa nito ang sumusubo pang si Kiroh. Pero wala na itong nagawa kung hindi tumayo at sumama na palabas kay Jio.

"S-sige po, kuya, tita, salamat po." Pagmamadaling paalam nito.

"Balik ka, anak ah." Bakas ang saya sa mukha ng mama ni Jio.

"Sige bro, ingat." Paalam din ni Yaz.

"What the fuck was that? Ba't ang weird ng nanay ko?" Pabulong na sigaw nito kay Kiroh pagkalabas na pagkalabas nito ng gate.

"J-jio kasi ano.. uhm.. I was caught off guard, okay? Bigla akong tinanong ng mama mo kanina noong bumaba ako para kumuha ng gamot mo." Paliwanag ni Kiroh.

"And what did you tell them?"

"Sabi ko bago lang tayo pero matagal na tayong magkakilala. I'm sorry. Sobrang mukhang mabait lang kasi mama mo kaya ayoko sanang magsinungaling pero ang hirap kasi i-explain ng sitwasyon natin ngayon."

"I-i'm sorry too, for overeacting. T-thank you. Ako na lang ang bahala." Kumalma na si Jio at tila ba nakonsensya pa dahil naiiipit si Kiroh sa mga ganitong sitwasyon nang dahil sa kanya.

"No need to be sorry. Pumayag naman ako sa ganitong sitwasyon, so I'm ready for whatever consequences may be."

Hindi naman nakagalaw dahil sa gulat si Kiroh nang bigla s'yang yakapin ni Jio nang mahigpit.

"I really don't deserve any of your help but thank you for all of these, Kiroh. Thank you. Really."

Yinakap ito pabalik ni Kiroh.

***

"Ano, kaya pa? Tanghali na. Ngayon lang kayo nagising." Sambit ni Jio sa ngayo'y ka video call n'yang si Cali at ang kasama n'ya pa rin sa condo na si Sean.

"Anong gusto mong patunayan? Valid naman 'to ah. Birthday ko." Mataray na sagot ni Cali.

"Oo nga, hirap mo ka-bonding." Gatong ni Sean.

"Punta ka rito, Ji!"

"'Di pwede, Cal. Kailangan ko na ulit mag-asikaso ng schoolworks. Tsaka e-edit ko pa 'tong photos ni Ki. Monday na naman bukas."

"Ki? You two have gotten close na talaga 'no?"

Natahimik ang tatlo.

"Okay, fine, wait for me, I'll go. Ano gusto n'yong food?"

Tila lumiwanag naman ang mga mata ni Sean. Napansin n'ya ring ngumiti si Cali dahil sa sinabi n'ya.

They have a huge respect to Cali dahil bukod sa ito ang pinakamatanda sa kanila ni Sean ay talagang napaninindigan nito ang pagiging kuya n'ya. That's why he's really careful sa mga sasabihin nito kapag kaharap ang nakatatanda. Gusto n'yang ipakita palagi na nagbubunga naman ang pagtayong 'mom of the group' nito sa kanila sa pamamagitan ng pagpili ng mga tamang desisyon. Cali's that important to him.

Agad namang nagbihis si Jio at nagpaalam na pupunta kila Cali.

Naisipan lang nitong dumaan sa convenience store kung saan palagi n'yang inihahatid si Kiroh, para doon bumili ng mga pagkain. Nag-crave din kasi s'ya sa hot chocolate na mula sa tindahan na iyon kaya naisipan n'ya na rin na ibili ang dalawang kaibigan pangpatanggal ng hangover.

Pagbili at paglabas n'ya mula sa convenience store ay may nakita s'yang pamilyar na mukha sa kabilang kalsada.

"Si Kiroh ba 'yon?" Bulong nito sa sarili.

Sinipat pa nito ang lalaking naka-black hoodie at pants na may sukbit na gitara sa likod. Para itong may hinihintay dahil panay ang tingin sa phone at sa mga dumadaan na sasakyan.

"Si Kiroh nga."

Tatawagin n'ya na sana ito pero biglang may tumigil na puting kotse kung saan naman ito sumakay.

Bahagyang nakababa ang bintana kaya nakita n'ya na ang driver ay isang babaeng mistisa at may mahabang buhok.

Malaki rin ang ngiti ng mga ito sa isa't isa.

Sinundan n'ya na lamang ng tingin ang sasakyan hanggang sa ito'y makalayo na.

Hindi alam ni Jio kung bakit biglang bumigat ang kanyang pakiramdam at nawalan s'ya ng ganang pumunta kila Cali. Ngunit dahil nakapangako na ito ay wala na s'yang nagawa.

"Ano namang pakialam ko 'ron? That's not my business anymore. Masyado na ata akong nakikialam sa buhay ni Kiroh. Pero shit, kailangan na naming itigil 'to. Shit, shit!" Litanya nito sa sarili habang bahagya pang hinahampas ang manibela.

JIO

Nasa parking na ako ng condo ni Cali noong nag-vibrate ang phone ko.

What's your favorite song?

Ano ba 'to? Out of nowhere nagtatanong ng ganito. Ipanghaharana pa yata 'yung paborito ko sa girlfriend n'ya.

Why?

Bawal bang tanungin?

Oo.

Ba't ang sungit mo? Okay tayo kanina ah.

Kanina 'yon.

Sabi ko na nga ba galit ka dahil sinabi ko sa mama mo without asking you first. I understand, pero please tell me. Hindi naman ako manghuhula. Yinakap mo pa man din ako kanina. I thought you were sincere.

I'm really sorry.

Wtf? Minsan nakakainis na hindi s'ya nagsasalita, pero minsan gusto kong tahiin bunganga n'yang walang preno.

I'm not mad, Kiroh. Tigilan mo na 'ko. Busy ako. Akala ko ba may aasikasuhin ka rin?

Inaasikaso ko na nga.

Ah oo nga naman, inaasikaso na.

Shit, I need to stop this mess as soon as possible. Nakakahiya rin sa girlfriend n'ya o kung sino man 'yon. I'm not assuming things. Sa tingin at ngiti pa lang nila sa isa't isa ay alam kong malalim ang relasyon nila. Ba't ba kasi s'ya pumayag in the first place? Dahil ba naaawa s'ya sa akin? I think so. I need to rethink our situation. Pero mamaya na, dito muna ko sa mga kaibigan ko.

You left me on read. You did not answer my question either.

Little things by One Direction. Mananahimik ka na?

Wow, ano kaya skin care ni Kiroh at ang kapal ng mukha n'yang ako 'yung i-seen? Bwiset! Bahala ka d'yan!

Sean calling..

"Where are you? Tagal."

"Paakyat na!"

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя