TTIMI 16 - Overnight

258 8 0
                                    

Nagpatuloy ang masayang party ni Cali.

Namamangha pa rin si Kiroh sapagkat halos buong campus nga ay naririto na patunay na magaling talaga makisama si Cali. Kaya nga ganoon na lamang ang pagtataka nito na parang off ang pakikitungo nito sa kanya. Inisip n'ya na lang na baka ang tingin sa kanya nito ay kagaya ng iba, na tahimik lang at ilag sa mga tao.

Ilang oras pa ay napapansin naman ni Kiroh na nakakarami na si Jio ng inom maging ang mga kaibigan nito kaya naman umiinom lang s'ya kapag pinapansin s'yang hindi umiinom ng mga ito.

"Jio, I think you have enough already. Mahihirapan kang mag-drive." Bulong nito sa nakababata.

"No.. no.. kayang-kaya ko pa."

Lie. Nakakarami na si Jio and it is evident sa ngayong mamula-mula n'ya nang mga pisngi.

"Here, let's just take a selfie pang-post." Itinaas ni Jio ang kanyang phone kaya naman wala nang nagawa si Kiroh kung hindi sumama na lang.

"Nice, we really look like a couple 'no?"

"Uhm, y-yes." Nabigla si Kiroh sa tanong nito ngunit ipinagkibit-balikat n'ya na lamang dahil alam n'yang lasing na si Jio.

Hindi na muling uminom si Kiroh dahil may kutob na s'ya na baka s'ya na ang maghatid sa mga ito pauwi. Sinabihan n'ya na rin si Parker na huwag na rin masyadong uminom para may kasama s'yang maghahatid sa mga ito.

Past 2AM when the party ended. They all looked so wasted except from the two.

"I love you, I love you so much, Cali boy. Happy happy birthday." Lasing na lasing na sambit ni Jio habang mahigpit na yakap si Cali.

"I love you too, Ji. Thank you so much."

"Hoy, sali ako. Daya n'yo!" Sigaw naman ni Sean na ngayon ay inaalalayan ni Parker.

Nakatayo lamang sa gilid si Kiroh na hinihintay si Jio.

"Cali, sa condo mo muna ako please." Ungot ni Sean.

"How about you, Ji?" Tanong ni Cali.

"No.. I need to go home. Kaya ko naman eh." Muntik pa itong matumba dahilan ng pagtakbo ni Kiroh patungo sa kanya.

"Hoy, ikaw! 'Wag mo sasaktan si Jio kahit kunwari lang kayo ah!" Dinuro ito ni Cali ngunit hindi na ito pinansin ni Kiroh dahil alam n'ya wala na ito sa katinuan ngayon.

"Sakit mo magsalita! Tanggapin mo na si Kiroh, please Cali." Sagot naman ni Jio habang pinagdikit pa ang dalawang palad na para bang batang nagmamakaawa.

"Pre, paano? Ihatid mo na 'yan si Jio tapos ako na maghahatid kina Cal at Sean. Alam ko naman kung saan condo nito eh." Saad ni Parker kay Kiroh.

"Paano ka uuwi? Wala kang sasakyan." Tanong ni Kiroh.

"Bahala na. Baka makitulog na lang din muna ako kila Cali kung sakali. Ingat ah."

Inakay na ni Parker sina Cali at Sean pasakay sa kotse ni Cali.

Habang si Kiroh naman ay 'di malaman ang gagawin sa ngayong tulog nang si Jio na nakaupo sa sofa.

"Jio.. Ji.. Let's go. I'll drive you home." Marahan n'ya itong tinapik sa braso.

"Hmmm.."

"Tara na Jio.. I'll get your keys ah." Malumanay nitong pagtawag sa nakababata habang kinukuha ang nakasukbit nitong susi sa kanyang pantalon.

Ngunit noong nararamdaman n'yang malabo na itong magising at makalakad pa patungo sa sasakyan nito ay napilitan na itong ipasan si Jio.

"Mukha ka lang palang magaan dahil payat ka pero hanep, sobrang bigat." Bulong nito sa sarili habang bigat na bigat na pasan ang nakababata.

Agad n'yang ipinasok si Jio sa passenger's seat at sinuotan ito ng seatbealt.

Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa bahay nila Jio ngunit tulog na tulog pa rin ito. Hindi alam ni Kiroh kung paano n'ya ito ipapasok sa loob ng bahay.

Pinindot nito ang doorbell ng dalawang beses. Lumabas naman ang isang matangkad na lalaki na kamukha ni Jio.

Hindi alam ni Kiroh kung bakit parang hinahalukay ang t'yan n'ya dahil sa kaba. At hindi n'ya alam kung bakit ba talaga s'ya kinakabahan eh wala naman s'yang ginagawang masama at nagmamagandang-loob pa nga s'ya.

"Good evening po. Hinatid ko lang po si Jio. Medyo naparami po ng inom eh." Humawak pa sa kanyang batok si Kiroh dahil sa hiya.

"Hala, salamat ah. Hindi 'yan sanay uminom eh."

Pinagtulungan nilang ipasok si Jio sa loob at inihiga muna ito sa sofa.

"Anong nangyari?" Tanong ng isang babae na hinala ni Kiroh ay mama ni Jio dahil hindi rin nagkakalayo ang mga mukha nito.

"Ma, lasing na lasing oh. Buti hinatid ni.. ay ano nga pala pangalan mo?"

"Kiroh po. Good evening po. Ay good morning na po pala." Nagmano pa ito sa babae.

"Salamat hijo, Kiroh. Ako ang mama ni Jio, Tita Gina na lang. Tapos ito kuya ni Jio si Yaz." Bati ng mama nito.

"Magandang gabi po. Una na rin po ako. Hinatid ko lang po. Hindi na po kaya mag-drive eh."

"Paano ka? May sasakyan ka ba?" Tanong ng mama ni Jio.

"Wala po. Magco-commute po ako."

"Nako, wala nang sasakyan nang ganitong oras. Mabuti pa, dito ka na lang magpaumaga." Alok naman ng kuya ni Jio.

"Ay, 'di na p--"

"Nako, hijo, dito ka na matulog at wala kang masasakyan. Delikado na. Yaz, kumuha ka ng extra unan at kumot."

Wala nang nagawa si Kiroh at pumayag na lamang sa pamimilit ng mga ito.

Itinaas nila si Jio sa kwarto nito at inihiga na ito sa kanyang kama.

"Dito ka na lang din, Kiroh. Pull-out bed 'yang kama ni Jio. Wala rin kaming extra kwarto eh. Okay lang ba?" Saad ni kuya Yaz.

"Ayos lang po ba? Baka magalit po si Jio?" Nahihiyang sambit nito.

"Nako, hindi 'yan. Masungit lang 'yan pero hindi nangangaggat 'yan don't worry." Biro nito at tumawa.

Iniwan na ng mag-ina ang dalawa. Si Kiroh naman ay hinila na ang pull-out bed ni Jio habang wala namang kamalay-malay pa ang nakababata sa mga nangyayari.

Mabilis na nakatulog si Kiroh dahil na rin sa impluwensya ng alak at pagod. At kung ano mang magiging reaskyon ni Jio, bukas n'ya na lang ito po-problemahin.

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now