TTIMI Special Chapter

279 13 0
                                    

1 year later

"Good morning!" Bati ni Kiroh na may dalang mga kape para sa sizmars na ngayo'y abala sa shoot sa kanilang sariling studio.

"Good morning!" Bati ni Cal at Sean dito pabalik.

Nakita n'ya naman si Jio na busy at may kausap sa telepono. Nilapitan n'ya ito at yinakap mula sa likuran.

"Okay po. I'll call you for the final schedule. Thank you, bye."

"Busy-ng busy naman ang honey bunch sugar plum ko." Birong bati ni Kiroh rito. Natawa naman si Jio dahil sa sinabi nito.

"Ang aga mo naman. Mamaya pa shoot mo ah."

"Edi sige, bye." Kunwari pa itong aalis kaya agad na hinabol ni Jio.

"Joke lang, love hahaha. Thank you sa pakape."

Dito na rin nagtatrabaho si Kiroh bilang photographer. Kung dati lang ay hindi ito marunong humawak ng iba't ibang equipments pero ngayon ay ginagamit n'ya ito na para bang sampung taon na nitong trabaho iyon. Malaki rin ang tulong ng galing nito sa pagpo-pose dahil madali n'yang naidi-direct ang clients nila.

Masaya rin si Jio dahil hindi n'ya akalaing posibleng maging magkasama sila ng nobyo sa iisang trabaho na parehong connected naman sa kursong natapos nila. Syempre ganoon din na magkakasama pa rin ang tatlong magkakaibigan.

Habang nag-aayos si Jio ng mga papel sa kanyang opisina ay may inabot na isang puting sobre si Kiroh rito.

"What's this, love?"

"Open it." Seryosong sambit nito na nagpakaba kay Jio.

Kaagad na binuksan ng nakababata ang sobre at may dalawang maliit na papel na naroon.

"Concert tickets?"

"Hindi lang basta concert tickets 'yan, love. SB19 concert tickets 'yan." Pagyayabang nito.

"What!? Homecoming concert sa december!? Omg, makikita ko na si Ken!" Nagtatatalon pang yinakap nito si Kiroh.

"Teka, parang mali yata ang desisyon ko ah-- aray!" Biro nito kaya naman nahampas ito ni Jio sa braso.

"Thank you, loveee! Excited na 'ko!" Pinaliguan naman nito nang halik si ang nakatatanda.

"Work po tayo! Opo!" Natawa naman ang dalawa sa pagsingit ni Sean.

---

"Love, I'm here na sa labas n'yo. Pasok muna ako, paalam ako kila mama." Sambit ni Kiroh kay Jio na nasa kabilang linya.

"Ba't nag-commute ka pa? Sabi ko sunduin kita 'di ba?" Tanong nito.

"Gusto ko rin muna magpaalam kila mama."

"Okay, pababa na rin ako."

Halos dalawanpung minuto rin ang nakalipas bago nakababa si Jio.

Inabutan ito ni Kiroh ng isang bouquet ng tulips.

"Ano meron? Manonood lang tayo ng SB19 ah." Tinignan nito ang bouquet. "Wowie may color white na ngayon ah." Puna nito sa bulaklak na dati'y laging puro kulay pula lamang.

Nagulat pa si Jio noong yakapin silang dalawa ni Kiroh ng kanyang mama.

"Ingat kayo, mga anak." Sambit nito at inihatid ang dalawa sa labas.

"Oh, sinong nag-park dito sa labas? Bawal mag-park dito ah. Hindi makakalabas sasakyan ko." Inis na sambit ni Jio.

"Ay sorry, love. Bawal ba?"

"Ha?"

"Surprise!"

"Hala! Sa 'yo 'yan, love!? Nakabili ka na?" Excited na pinuntahan ni Jio ang sasakyan na kay Kiroh pala. "Omg! Congrats, love! Ang ganda nito!"

"Sabi ko naman sa 'yo babawi ako 'di ba? Ikaw na susunduin ko palagi ngayon."

"Hay, salamat, magiging passenger princess na rin ako." Biro nito kay Kiroh.

Nag-drive na si Kiroh papunta sa stadium kung saan gaganapin ang concert ng paborito nilang SB19. Nag-picture pa ang dalawa sa standee ng grupo sa labas ng venue.

"Let's go?" Tanong Kiroh bago pumasok.

"Tara."

Nagsimula na ang concert na talagang nagpayanig sa buong stadium. Nababalot ito ng lakas ng hiyawan at palakpakan ng mga tao.

Narito sila ngayon sa unahan, nakatayo at 'di gaya ng ibang kabataan ay lowkey lang na nagre-react sa mga nangyayari dahil hindi na raw kaya ng energy nila.

"I love you, Justin!" Sigaw ni Kiroh.

"Si Justin na pala love mo ah." Ngumuso pa ito na parang bata.

"I love you, Justin pero mas mahal ko si Jio!" Muling sigaw nito. Nagtinginan pa ang ibang mga taong nasa harapan nila.

"Huy! Nakakahiya ka hahaha!" Nagtawanan pa ang mga ito.

Todo hiyaw naman si Jio noong dumating na ang solo performance ng bias nitong si Ken. Si Kiroh naman ngayon ang ngumunguso na parang bata.

"Sus! Kaya ko rin naman 'yan eh. Pakitaan kita pag-uwi." Sambit nito na nakapagpatawa naman kay Jio.

"Of course, love. Panis sa 'yo 'yan si Ken." Natatawang sagot nito sa nobyo.

Noong tumugtog na ang simula ng naging paborito nilang kanta na 'Liham' ay nagkatinginan ang dalawa.

Narito ako magpapagal para sa iyo
Handang isuko ang buo oh

Magkahawak kamay silang sumabay sa chorus ng kanta.

Ito ang aking liham sa pag-ibig ko
'Di hahayaan na mag-isa ka sa kahit na ano
Ikaw lang ang himpilan ng aking puso
Sa piling mo'y panatag ang buong pagkatao
Ligaya ng aking mundo

Humarap ang dalawa sa isa't isa na para bang silang dalawa lamang ang taong naroroon.

Pa'no kaya kung hindi tayo nagkita
Ang buhay ko'y matatawag pa nga bang buhay

Pagkatapos ng linya ng mga paborito nilang si Justin at Ken ay sabay itong may kinuha sa kanya-kanyang bulsa.

Sa layo ng bituin ang tingnan ito'y pagtingin
Sa nakaraang 'di gunitang tunay
Oh paumanhin wala ka man sa alaala ko'y
Habang buhay kitang mamahalin

"Will you marry me?" Sabay pang sambit ng dalawa na para bang pinag-usapan nila ang tungkol dito.

Nakalahad sa isa't isa ang singsing na nakalagay sa kahon.

Imbes na oo ang isagot ay siniil nila ang isa't isa ng isang halik.

Nakita ito ng mga taong nasa paligid nila at nagpalakpakan. Ipinakita pa ang dalawa sa screen na suot nila ang singsing na bigay ng isa't isa. Nakita naman ito ng lima na ngayo'y tuwang-tuwa dahil sa nasaksihan.

"Congratulations po!" Bati ng mga ito.

"Best proposal ever. I love you so much, Jio. My savior."

"Best proposal, indeed. Mahal na mahal kita, Kiroh."

This Time, I Mean It | KENTIN AU [Completed]Where stories live. Discover now