CHAPTER 1

866 20 3
                                    

JARNEIA’S POV
 
Nagising ako kinabukasan at hindi ko alam kung dapat pa nga ba akong pumasok ngayong araw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para makapagtago ako sa lalaking ‘yon, e. Bumangon ako na may takamaran sa katawan at nang matapos akong maligo ay saka ako nagpaalam kay Mama na papasok na ako.
 
Hindi na ako sumakay dahil maaga pa naman at isa pa ay malapit lang naman din ang pinapasukan ko sa bahay kaya less hassle na rin sa pamasahe minsan. Nang makarating ako sa office ay saka ako binungaran ni Alisha at saka ako tumingin sa buong paligid.
 
“Ano ang mayro’n?” takang tanong ko at sa nakikita ko ay busy ang lahat na hindi naman ganito noon.
 
“Girl darating ang anak ni Mr. Davis ngayon,” sabi nito na tila excited pa.
 
Hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ‘yon at sa totoo lang ay nakakapagtaka na pupunta dito ngayon ang anak ni Mr. Davis samantalang wala namang ibang problema ngayon ang kumpanya?
 
“Sinong anak ba?” takang tanong ko.
 
“Ayy gurl hindi ka updated sa group natin ano?” ani niya at tinaasan ko siya ng kilay.
 
“Ano naman ang maganda sa group, e, wala naman akong ibang nakikitang announcement p’wera na lang sa mga darating na mga visitors galing ibang bansa?” sabi ko naman at saka niya ako hinila papunta sa may lamesa namin kung saan kami nakapuwesto.
 
“Ang balita ay ang panganay na anak ni Mr. Davis ang darating ngayon. No’ng isang araw pa raw nand’yan since no’ng umuwi siya galing sa Canada,” kuwento niya at napabuntong hininga na lang ako.
 
Hindi ko na lang inisip kung sino ‘yon at saka ko inabala ang sarili ko sa mga gagawin ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang pag-aksayahan ng oras ang isang taong hindi naman dapat pag-aksayahan ng oras? Isa lang naman s’yang anak ni Mr. Davis. Habang nakatingin ako sa computer ko ay narinig ko na tumayo sila kaya naman tumayo rin ako para bumati sa bisita namin.
 
Nang humarap ako sa may pinto ay nanlaki ang mata ko sa nakita ko at agad akong yumuko para hindi ako nito makita. Dumagundong na naman ang kaba sa dibdib ko at gusto kong magtago dahil sa nakita ko. Napahawak ako sa palda ko at saka ako napapikit ng mariin.
 
“Pati ba naman dito,” inis na sabi ko at saka ako napakuyom ng kamay ko.
 
“Good morning, Mr. Davis,” bati nang lahat sa kaniya.
 
Naglakad na siya at sakto pa talagang dadaan sa gawi ko dahil doon ang daan papunta sa meeting room. Todo ang dasal ko na sana ay hindi niya ako makita o makilala man lang. Nang lumagpas na siya sa ‘kin ay sumilip ako sa kaniya kung nakita niya ba ako pero tingin ko naman ay hindi. Napasinghap pa ako ng huminto ito at saka niya sinenyasan ang babaeng may hawak ng papel at binulungan ito. Tumango ang babae sa kaniya at saka ito pumasok na sa loob at nakahinga ako ng maluwag.
 
Nang makaupo ako ay saka ako napahawak sa ulo ko at tinignan ang gawa ko. Hindi ko alam kung paanong magpopokus sa ginagawa kung nand’yan naman ang kinatatakutan ko. Lumapit sa ‘kin si Alisha at saka niya ako inakbayan.
 
“Ang g’wapo niya grabe!” kinikilig na sabi niya at napangiwi na lang ako.
 
Sumilip ako sa may pinto ng meeting room at saka ako bumuntong hininga. Ginawa ko na lang ang kailangan kong gawin at hindi ko namamalayan ang oras dahil na rin siguro sa ginawa kong abala ang sarili ko. Nang matapos ako ay saka naman ako tumayo para makapag lunch na sana pero parang na-estatwa ako dahil sa pagbukas ng pinto ng meeting room.
 
Agad akong napaupo at saka ako nagtago sa may ilalim ng lamesa ko at saka ako nag-iisip ng paraan kung paanong lalabas ng hindi niya ako nakikita. Nakakainis na buhay ‘to. Huminga ako ng malalim at saka sinilip kung nand’yan pa sila at nand’yan pa nga.
 
“Oh Ms. Mendoza anon ginagawa mo sa ilalim ng lamesa mo?” tanong ni Ms. Ramirez at napapikit ako ng mariin.
 
“W-Wala po. M-May hinahanap lang. Hehehehe,” sagot ko naman at saka ako kunwaring naghahanap at nilagpasan na ako ni Ms. Ramirez at nakahinga naman ako nang maluwag.
 
Naghintay ako ng ilang minuto at saka ako muling sumilip kung nand’yan pa ba siya at saka ako nakahinga ng maluwag nang makitang wala na siya. Tumayo ako at saka ako nag-unat at saka humarap pero napaupo ako sa upuan ko nang bumungad ang mukha niya sa harapan ko.
 
“It’s been a while?” bati nito sa ‘kin at saka ako napatingin sa paligid ko at napatakip ako ng mukha ko.
 
Ngayon ay tiyak akong wala na naman akong takas sa kaniya at ang nakakainis pa nito ay anak pa siya ng may-ari nitong kompanya na pinapasukan ko. Gusto kong tumakbo at tumakas sa kaniya pero kapag ginawa ko ‘yon parang nakakahiya naman sa lahat nang nandito. Tumingin siya sa ‘kin ng nakangiti at saka niya sinenyasan ang lalaking nasa likuran niya at hinawakan ako nito sa kamay at hinila palabas nitong office.
 
Nagpupumiglas ako sa kaniya pero ang higpit ng hawak nito sa ‘kin. Kaya naman ang ginawa ko ay sinipa ang paa niya at saka ko siya siniko at saka ako tumakbo. Nang makatakbo ako ay saka ako dumaan sa may fire exit pababa papuntang parking area. Nang makalabas ako ay saka ako napahawak sa dibdib ko dahil sa hingal at saka ako naglakad at tumingin sa paligid dahil baka nand’yan lang siya.
 
Kakatingin ko sa likuran ko ay may nabangga ako sa may harapan ko at nang harapin ko ay saka ako napatakip sa bibig ko. Umatras ako at siya naman ay umabante papalapit sa ‘kin. Naiiyak ako sa eksena ko pero pinapakita kong hindi ako takot sa kaniya.
 
“Where do you think you’re going, ms. Author? Or should I call is ms. Mendoza?” nakangising sabi nito na ani mo’y makapangyarihan siya.
 
Tumingin ako sa likuran ko at saka ako napahinto dahil wala na rin naman akong tatakasan sa mga guards niya. Napahawak ako sa tuhod ko at saka ko tinapat ang kamay ko sa kaniya at saka siya huminto sa paglapit sa ‘kin.
 
“Alam mo nakakainis ka. Gusto ko lang naman matahimik bakit ba ayaw mo ‘kong tantanan! Nakuha mo na ‘yong bagay na kinuha ko rin sa ‘yo ‘di ba? Ang malala pa ro’n ay may hinawakan kang hindi mo dapat hawakan!” galit na sabi ko at saka ko hinawi ang buhok  ko.
 
Sinenyasan niya ang mga guards niya at saka naman ito tumalikod at tumingin ako sa kaniya. Bigla niya akong hinila at saka niya inilapit ang mukha niya sa mukha ko at napalunok ako sa ginawa niya. Ang lapit niya ay para bang hindi na ako makahinga pero naaamoy ko ang hininga niya at ang bango no’n.
 
Kingna kung ganito ba naman kabango ang hininga ng lalaking ‘to sinong hindi mapapaibig nito?
 
Tumingin ako sa labi niya at saka ako muling napalunok. “You don’t need to mention that in front of my guards. That is private, and that thing is… mine,” sabi nito na pabulong at sapat na kaming dalawa lang ang nakakarinig.
 
Tinulak ko siya at saka ko inayos ang damit ko at masama ko s’yang tinignan. Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila papunta sa sasak’yan at wala na rin akong naging takas pa sa ginawa niya. Pero nang makita ko ang loob nito ay namangha ako. Mayro’ng kama sa loob at mayro’n ding table pero maliit lang siya.
 
Tumingin ako sa kaniya at saka siya naghubad ng kan’yang coat at saka niya ako hinila papaupo sa kamay at saka niya pinatong ang ulo niya sa balikat ko. Nangunot ang noo ko at nagtaka sa inasta niya at hindi ko alam kung gagalaw ba ako o hindi. Pero sa sandali na ‘yon ay para s’yang naging maamong tuta.
 
Habang tahimik ang atmosphere naming dalawa ay tinignan ko ang orasan at saka ako napatayo at bigla s’yang natumba. “Damn it!”
 
“Hala ka! Late na ako!” sabi ko at saka ako nagpa-panic. “Ihinto niyo! Bababa ako. Putek pagagalitan ako nito!” sabi ko at saka binubuksan ang pinto ng van pero hindi mabuksan.
 
“You don’t need to worry about that. They know that you are with me so, by now, I am your work.”
 
“Ano?”
 
“You heard me?”
 
“Pero kasi—”
 
“Just fucking sit here!” sigaw nito at napaangat ang dalawang balikat ko sa gulat.
 
Ginawa ko na lang ang sinabi niya at saka ako umupo sa tabi niya. Pero sa pagkakataon na ‘to ay inihiga niya ako sa kama at saka ako napahawak sa dibdib ko pero hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ito inangat. Napapikit ako dahil sa pag-aakalang may gagawin na naman s’yang hindi maganda pero napamulat ako nang humiga ito sa ibabaw ko. Niyakap niya pa ang bewang ko na para ba akong unan niya at sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon sa kung anong ginawa niya.
 
“Gawin daw bang unang ang dibdib ko?” inis na hanas ko.
 
“It’s fluffy,” sabi naman nito na ani mo ay natutuwa.
 
Pilit ko man s’yang alisin ay hindi ko magawa at saka ako bumuntong hinga. Naramdaman kong kumalam ang t’yan ko at naalala kong wala pa nga pala akong kain. Tumingin s’ya sa ‘kin at saka rin ako napatingin sa kaniya at natawa ako ng mahina at saka siya napailing. Huminto ang sasak’yan at saka niya ako hinatak patayo at lumabas kami.
 
Hinawakan niya lang ang kamay ko habang nakasunod naman sa ‘min ang lima nitong guards. Napatingin lang ako sa kaniya at pakiramdam ko para ko s’yang kuya dahil na rin sa tangkad niya. Nakarating kami sa isang mamahaling resto at napanganga ako dahil sa mga nandoon. Napahinto ako at saka siya napahinto at nangunot ang noo sa ‘kin.
 
“What?” tanong niya at saka tumingin sa paligid.
 
“A-Ang mahal dito,” sabi ko ng pabulong.
 
“I can pay,” sagot niya at muli na naman akong hinila.
 
Pumuwesto kami sa may bandang dulo malapit sa may bandang glass kung saan kita ang lahat ng nasa baba nitong building. Hindi ko aakalain na makakapasok ako dito at sa totoo lang ang daming mga mayayaman dito. Grabe ang resto na ‘to at ang gaganda ng mga babaeng nakikita ko samantalang ako ay naka-office attire pa. Nagmumukha tuloy akong secretary nitong b’wisit na ‘to. Binigay na sa ‘min ang menu at nang buksan ko ‘to ay halos manlaki at lumuwa ang mata ko sa sobrang mahal ng pagkain.
 
 E, kaya ko ngang lutuin ‘to, e.
 
Sinara ko ang menu at saka ako tumingin sa kaniya at saka ako ngumiti ng peke at hindi ko alam kung anong io-order ko. Tumingin ako ulit sa menu at saka ako pasilip na tumingin sa kaniya. “Ano naman ang nakakabusog sa mga ‘to? Mas mabuti pang kumain sa karinderya, e, mas mabubusog pa ako do’n,” bulong ko sa sarili ko at saka sinara ang menu.

Ms. Author [COMPLETED]Where stories live. Discover now