CHAPTER 20

241 9 0
                                    

JARNEIA’S POV
 
“Pinagsasabi ko? Baliw ka ba?”
 
“Nakikisama lang ako kay Tita ano ka ba naman,” nakangusong sabi niya at saka ako niyakap. “Kaya nga ako nandito kasi nga magso-sorry ako, e. Sorry na uwu,” sabi niya at saka niya pinagdikit ang parehong hintuturo habang nakatingin sa ‘kin.
 
Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapangiti at matawa kasi mukha s’yang tanga. “Ewan ko sa ‘yo. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ni Tita,” sabi ko naman at saka ko siya tinulak palabas ng k’warto.
 
Nang makalabas na siya ay saka ako pumasok sa banyo at saka ako naghilamos ng mukha ko. Matapos ‘yon ay saka ako nagpalit ng damit at short at lumabas para makapagpahinga. Pero napakunot ako ng noo ng makitang patay ang ilaw. Agad kong kinapa ang cellphone ko at dahil sa dilim ay tumama ang paa ko sa upuan na siya namang ikinamura ko.
 
Pero huminto muna ako at saka ako pumikit at muling minulat ang mga mata ko at saka ko unti-unting nakikita ang kung ano’ng nasa dilim. Napukaw ng atensyon ko ang aninong nasa may pintuan ko at saka nangunot ang noo ko. Hindi ako na-inform na mayro’n pa lang tao.
 
“S-Sino ‘yan?” tanong ko at nautal pa ako dahil do’n.
 
Hindi ito sumagot pero nahanap ko namang ang phone ko kaya akmang bubuksan ko sana ang flash light pero napasinghap ako ng bigla na lang may humawak sa bewang ko at saka tinakpan nito ang bibig ko para hindi ako makasigaw. Naamoy ko ang bango nito at hindi ako maaring magkamali sa kung sino ang nasa k’warto ko dahil iisa lang naman ang bisita namin at isa pa ay s’ya lang ang mayro’ng amoy na ganito na kilala ko.
 
Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa bibig ko at agad ko iyong tinanggal. “Putangina, Zach anong ginagawa mo sa k’warto ko?” tanong ko na may halong inis.
 
“Your Mom let me in so…”
 
“Pusang gala p’wes ako hindi!” agad na sabi ko at saka ko siya malakas na tinulak palayo sa ‘kin at mabilis na binuksan ang ilaw. “Hindi mo ba alam na kanina pa ako naiinis sa ‘yo? Kanina ka pa! Namimihasa ka na!” inis na sabi ko.
 
“What? I didn’t do anything to you!” asik naman niya.
 
“Ayun nga, e, akala mo lang wala! Iyong pag-alis mo sa ‘kin sa work? Pagbigay ng body guard na hindi ko naman kailangan? Pagbabantay sa ‘kin sa kung saan ako naroroon? Naiinis na ako at hindi ko alam kung mayro’n pa akong kalayaan sa sarili ko,” galit na sabi ko at nakita kong napatitig siya sa ‘kin na para bang doon niya lang napagtanto ang lahat.
 
Napahawak siya sa ulo niya at saka siya napatawa ng pagak sa ‘kin na siya namang hindi ko nagustuhan. “I can’t imagine that you don’t care about what I’ve done for you. Do I become overprotective that you have become distant from me? I love you, and you know that, so don’t ask why I do those things,” ani niya at napakagat naman ako ng labi ko. “Even though I have a lot to do, I manage to pay attention to you. I don’t want you to end up with someone else, and I don’t want to have a competitor with you because it will be difficult to get you. I’m trying my best just to make you mine, but everything seems to be irrelevant especially what you said today, Jarneia.”
 
Ang boses niya ay bumaba at sa totoo lang ay naramdaman ko ang lungkot sa boses niya at tingin ko ay hindi lang siya pumunta dito sa wala dahil sa totoo lang kanina ko pa napapansin na panay ang hawak niya sa ulo niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko at saka ako lumapit sa kaniya at hindi ko alam ang kung ano’ng sasabihin ko. Huminahon na rin ako dahil na rin sa sinabi ni niya.
 
“H-Hindi naman sa—” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla na lang niya akong hatakin at saka niya ako niyakap. “A-Ano… ayos ka lang ba?” takang tanong ko.
 
“I’m not fine. You’re my only rest, and that’s why I came here so that your Mom also knows that I am the person who wants her daughter, and the person who can do everything just to win the heart of the person he loves. I’m having a hard time with my position now, and even though I admit that I didn’t feel well, I think it doesn’t matter cause you don’t like me the way I do. Please, Jarniea. Give me a chance to prove that I am the man that is destined for you? Please allow me to court you seriously? Please?”
 
Sa haba ng sinabi niya pakiramdam ko ay naging masama akong tao sa kaniya. Lumipas ang isang linggo at wala akong ibang ginawa kung hindi ang magkulong sa k’warto. Ginugugol ko ang lahat ng oras ko at panahon sa pagsusulat ng istoryang naisip ko at wala akong kinausap mula nang huling magkausap kami ni Zach. Sa totoo lang naiisip ko ang mga sinabi niya sa ‘kin no’ng gabi na ‘yon. It’s not the first time that he told me that. But, I feel bad because I don’t know how to pay him back the way he was.
 
Napahinto ako sa pagsusulat ko at saka ako napabuntong hininga. “Tama ba ‘tong ginagawa ko?” tanong ko sa sarili ko. “Nakakainis… hindi ko alam paanong gagawin. Dapat ba akong humingi ng sorry sa kaniya?” ani ko pa at saka muling bumuntong hininga.
 
 Wala akong ibang inisip ng buong linggo kung hindi ang mga katagang sinabi niya. Kahit na pinupuntahan ako ni Alisha sa bahay ay wala akong kinausap kahit si Mama. Ang sabi ko lang ay kailangan kong magsulat at kailangan kong mag-focus. It was a short story and publishing company want me to write about a woman who doesn’t care about anyone cause she love herself than the others.
 
“JARNEIA!” Napatingin ako sa may pinto at saka napakunot ang noo ko.
 
“What?” sagot ko.
 
“Labas-labas din may bisita ka,” ani nito at saka ako napaisip.
 
Tumingin ako sa may bintana at saka napatanong sa isip ko kug sino ang taong bibisita sa ‘kin. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang group message at doon ko lang napagtantong mayro’n nga pala kaming lakad ngayon. Napapikit ako ng mariin at saka ako lumabas ng k’warto at nandoon ko nakita si Alisha na mayro’n nang dalang gamit at nangunot ang noo ko sa kaniya.
 
“Kasama ka?” takang sambit ko.
 
“Oo naman girl kasama ba naman ang kras ko, e,” sagot naman niya at saka ako napairap.
 
“Pasabi sa kanila sandali lang maliligo lang ako tapos paki-impak ng mga gamit ko para naman paglabas ko ay maayos na ang lahat,” saad ko at saka siya tumango sa ‘kin.
 
Agad na nag-asikaso na ako at saka ko hinanda ang susuotin ko. Nang makaligo na ako ay saka ko lang naisip na baka kasama ‘yong Roland na pinapabantay sa ‘kin ni Zach. Napatakip pa ako ng bibig ko at saka ako napahawak sa ulo ko. Inaayos na ni Alisha ang mga gamit ko at agad ko namang kinuha ang phone at charger ko matapos ‘yon ay nagpaalam na rin ako kay Mama. Alam niya na mayro’n akong out of the country kaya naman hindi na niya ako pinagbabawalan.
 
Sa nangyari noong nakaraan ay doon ko naisip. Bakit nga ba hindi ko siya bigyan ng pagkakataon na ligawan ako? Kaysa naman tinataboy ko s’yang palayo sa ‘kin at baka bandang huli ay pagsisihan ko. Paglabas ko ay nandoon na sila at ako na lang ang hinihintay. Humingi ako ng pasensya at saka ako sumakay sa van at nang makita ko si Zix sa tabi ng driver ay ngumiti ako sa kaniya.
 
“Good morning,” bati nito sa ‘kin.
 
“Likewise,” sabi ko naman.
 
“Good morning baby loves!” bati ni Alisha sa kaniya at tinanguan niya lang ito.
 
Napanguso naman si Alisha at saka siya tumabi sa ‘kin. Nasa anim na author lang ang kasama at pang pito si Alisha kasi saling pusa lang siya. Ang iba naman sa kanila ay mayaman kaya hindi na kaso sa kanila ang pera. Panay nag daldal ni Alisha sa loob ng van at hindi siya matigil kakadaldal niya. Sa totoo lang ay ako ang sumusuko sa bunganga at kaingayan niya pero kaibigan ko siya. Nag-eenjoy naman silang kausap si Alisha kaya okay lang din ang lahat.
 
“Oo nga pala, Jarneia. Nasa’n ang boyfriend mo?” tanong ni Edilyn at napatingin ako sa kaniya.
 
“Ah… busy siya, e,” sagot ko at saka ako napatingin sa bintana.
 
“Infernes naman sa ‘yo ah. Isa ka ng fiancé ng isang bilyonaryong tao sa mundo,”  naman ni Adelina.
 
Naiilang ako sa usapan nila at tinignan lang ako ni Alisha na parang binabantaan ako kung may sasabihin akong hindi maganda. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako ngumiti sa kanila. Nang makarating sa airport ay nagtataka akong inasikaso kami ng mga taong nandoon at nangunot ang noo ko ng may pumalibot sa ‘kin na mga lalaki na para bang binabantayan ako.
 
Nang makarating kung saan ang mga eroplano ay napanganga ako ng makita ang isang magandang eroplano. Mula doon ay lumabas si Zach at g’wapo sa kan’yang suot. Tinanggal nito ang kan’yang salamin at saka tumingin sa gawi ko at dumagundong ang kaba sa dibdib ko.
 
Hindi p’wedeng mangyari ang iniisip ko hindi ba?
 
Bumaba siya at sila Alisha naman ay hindi magkanda mayaw ang kanilang kilig na para bang kinukuryente ang kanilang mga  katawan. Nang makaalapit siya sa ‘kin ay saka niya hinawakan ang ulo ko at inayos ang buhok ko.
 
“A-Akala ko ba…”
 
“There’s so many things that I want to tell you,” sabi nito at napakagat ako ng ibabang labi ko. Hinawakan niya ang kamay ko at saka ako hinila at inalalayan sa pag-ak’yat sa eroplano. Bago pa man kami makapasok ay tumingin siya sa mga kasama ko. “This is private plane, you don’t need to buy a ticket, just enjoy the ride,” sabi nito at hinila na ako sa loob.
 
Pumasok kami doon sa may pinto sa may gilid kung saan nakita ko ang tila malak’warto nitong disenyo. Mayro’n itong kama at mayro’n table. Sa may gilid naman ay bintana kung saan makikita mo ang labas. Naro’n ang kitchen at kulay puti and buong k’warto. Napanganga na lang ako at hindi makapaniwalang makakasakay ako sa ganitong sasak’yan. Umupo ako at saka ako ngumisi at napahiga sa kama dahil na rin sa lambot nito.
 
Umupo naman si Zach sa may gilid kung nasaan ang lamesa at nasa gilid lang din nito ang bintana. Napatayo ako at saka ako umupo sa may harapan niya. Gusto kong humingi ng tawad sa nagawa ko no’ng nakaraan at gusto kong sabihin sa kaniya na gusto ko s’yang bigyan ng chance. Huminga muna ako ng malalim at saka siya tumingin sa ‘kin.

Ms. Author [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ