CHAPTER 4

478 10 3
                                    

JARNEIA’S POV
 
“Sa susunod na mayro’n kang event ay pasasamahan kita sa mga guards.” Napalingon ako sa kaniya.
 
“Hindi ko kailangan ng mga guards. Anong gagawin nila doon tumunganga?” sabi ko naman at nakanguso pa.
 
“Maybe?” sabi naman nito at saka ako napahawak sa belt.
 
“Hindi ko gusto ang na may kasama ako at isa pa ay hindi naman banta ang isang beses na nangyari. P’wede ko naman s’yang kasuhan ngayon para hindi na maulit pa ang nangyari,” sabi ko at saka naman siya ngumisi.
 
Hindi ko alam kung anong iniisip niya at nagtaka ako ng bigla n’yang hininto ang sasak’yan at saka tumingin sa ‘kin ng diretso. “You can’t be sure what will happen, Jarneia; whether you want it or not, what I said will happen. Got it?”
 
Habang simasani niya ‘yon ay napakaseryoso ng mukha niya at sa totoo lang ay papalapit siya ng papalapit sa ‘kin. Tinignan niya ang labi ko at saka ako napalunok sa mga tingin niya na ‘yon at mas napahigpit ang kapit ko sa bealt. “P-P’wede b-bang dumistansya?” tanong ko at ang loko ay mas nilapit pa sa ‘kin.
 
Hinawakan niya ang binti ko at napasinghap ako sa ginawa niya at ang malala pa ro’n ay tinaas niya ang dampi niya dahilan para hawakan ko ang kamay niya at pigilan siya sa kung anong balak niya. Hindi ko alam kung bakit niya ‘to kailangang gawin at kung bakit kailangan paulit-ulit.
 
Hindi ko alam ang gagawin ko at sa totoo lang ay napaangat ako ng p’wet ko dahil sa haplos niya na umangat na sa pagitan ng hita ko at naabot na no’n ang pagkababae ko. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses na ‘to nangyayari pero hindi ko rin maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ko magawang labanan siya.
 
“As long as I am here… I will not allow anyone to touch you nor see what I’ve seen today,” bulong nito at saka siya bumalik sa pagda-drive.
 
Nakahinga ako ng malalim at saka ako napahawak sa dibdib ko. Nagpatuloy na lang din siya at saka kami nakarating sa bahay at saka ko tinaggal ang seatblet at nauna s’yang lumabas sa ‘kin at pinagbuksan ako ng pinto. Tumingin ako sa paligid baka kasi nand’yan si Alisha at hindi ko namamalayan.
 
Umayos na ako at saka siya tumingin sa ‘kin na may ngiti sa labi niya. “Don’t I have a good night kiss?” tanong niya at saka ako nangunot ng noo.
 
“Hindi kita boyfriend at isa pa ay bakit naman kailangan mo ng gano’n?” takang tanong ko sa kaniya at saka naman siya tumawa ng pagak. “Anong tinatawa mo?” mataray na tanong ko.
 
“Don’t you remember your answer to me yesterday?” tanong niya at saka ako nag-isip sa kung ano ‘yon.
 
“Hindi,” sagot ko naman at saka siya mas lumapit sa ‘kin.
 
Mas lumapit siya sa ‘kin at saka ako napaatras dahil sa ginawa niya at hindi ko alam kung anong gagawin ko para lang huminto siya. “Then, I’ll make you remember,” sabi nito.
 
Nang malapit na siya ay sakto naman na dumating si Alisha, “Jarneia!” tawag nito sa ‘kin at saka naman ako nakahinga ng maluwag.
 
 
Umalis si Zach sa harapan ko at saka kami parehong humarap kay Alisha. “A-Alisha.”
 
“Magki-kiss kayo?” tanong niya at saka ako umiling pero tumango naman si Zach sa kaniya. “Ano ba talaga?”
 
“Alam mo mabuti pa ay h’wag kang nakikinig sa isang ‘yan. Ano ba ang ginagawa mo dito?” tanong ko at saka ako lumapit sa kaniya para naman makadistansya kay Zach.
 
Sinamaan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpa-apekto sa kaniya. “I’m about to kiss her but you suddenly came,” walang ganang sabi nito at saka naman siya tumalikod sa ‘min at sumakay sa kotse at umalis.
 
Nagkatinginan kami ni Alisha at saka siya tumaas ng kilay sa ‘kin. “Ano?” tanong ko.
 
“Hindi mo binigyan ng kiss jowa mo,” sabi naman niya at saka naman ako dumistansya sa kaniya.
 
“Hindi ko siya jowa p’wede ba!” inis na sabi ko sa kaniya at saka kami pumasok sa bahay.
 
Naro’n ay naghihintay pala si Mama at saka ako napabuntong hininga. Lumapit ako sa kaniya at saka ko siya niyakap at niyakap niya rin ako. Sinabi ko ang nangyari sa ‘kin at sa kung anong ginawa ni Clark sa ‘kin. Ang dahilan kung bakit rin kami nagkakilala ni Zach ay dahil sa paghahabol ni Clark sa ‘kin noon at para tantanan niya ako ay hinalikan ko si Zach kahit na hindi ko naman talaga intensyon.
 
Sabi ni Mama ay kakasuhan daw namin si Clark at para hindi na rin maulit pa ang insidente. Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho at sa totoo lang ay wala akong gana na pumasok ngayon dahil alam kong makikita ko rin si Zach at hindi na naman magiging buo ang araw ko ;pagnagkataon. Nang makarating ako sa office ay saka ako umupo sa upuan ko at saka ako nangunot ng noo dahil sa bulaklak na naroon na hindi ko alam saan nanggaling. Tumingin ako sa paligid ko at wala naman akong nakita kakaiba.
 
“Hindi ko maalala na may pinabili akong bulaklak?” sabi ko at saka hinanap kung mayro’ng letter na naiwan pero wala. “Ayy ano ‘to pinoy henyo? Huhulaan ko kanino nangaling?”
 
“Ms. Mendoza.”
 
“Po!” agad na sagot ko.
 
“What are you doing?” tanong nito at saka ako napaayos.
 
“A-Ano po kasi…”
 
“May pinapasabi nga pala si Mr. Davis. He told me to tell you that you need to see him after lunch,” sabi nito at saka naman ako tumango.
 
Pero itatanong ko pa sana kung sinong Mr. Davis ay wala na si Ms. Ramirez. Napatampal na lang ako sa noo ko at saka ko tinignan ang bulaklak at saka ako umupo at iginilid na lang ito. Tinignan ko ang computer ko at saka ko na lang din inaba ang sarili ko at hindi muna intindi ang kung sino ang nagpadala ng bulaklak. Hindi ko namalayan ang oras at hindi ko alam na lunch break na pala. Napaunat ako ng braso ko at saka napatingin sa bulaklak at naalala ang sinabi ni Ms. Ramirez sa ‘kin kanina.
 
Tumayo ako at saka ako tumingin sa orasan at mayro’n pa naman akong oras. Agad na bumaba ako at napahinto ako dahil sa lalaking biglang nasa harapan ko at naro’n ang dalawang guards niya at saka ako napaayos ng sarili ko.
 
“You’re late,” sabi nito at saka ako nangunot ng noo at doon ay napagtanto ko na.
 
“A-Ano kasi… a-ano may tinapos ako at isa pa ay busy akong tao. May tinapos kasi akong-”
 
“You talk too much, come on.” Hinawakan niya ang kamay ko at saka kami lumabas ng building.
 
 
Sa totoo lang hindi ko alam kung anong ginagawa niya at kailangan n’yang maging ganito sa ‘kin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi ko alam kung anong kailangan niya sa ‘kin samantalang nakuha niya na ang bagay na dapat n’yang makuha. Pero naalala ko ang nangyari no’ng nakaraang araw at napatakip ako ng mukha ko dahil sa hiya.
 
“What are you doing?” tanong nito at saka ako napatingin sa kaniya.
 
“Wala. Bakit bawal magtakip ng mukha?” tanong ko at saka siya umiling at nag-focus sa pagmamaneho.
 
Nakarating kami sa isang restaurant at sa punto na ‘yon ay tumingin ako sa kaniya at saka ako napabuntong hininga. Sa punto na ‘yon ay hindi ko maiwasan ang hindi mamangha pero sa totoo lang nagkakaroon ako ng ideya sa mga ganitong nakikita ko at least ay may mailalagay ako sa story ko.
 
“Bakit kailangan mo pa akong isama dito?” tanong ko at saka naman siya napahinto at saka ako binigyan ng ngisi.
 
“’Cause I want,” sagot naman niya at saka ako napatampal sa noo ko.
 
“Bakit hindi girlfriend mo ang isama mo at kailangan ako pa?”
 
“Is that logic or what?”
 
Napaisip ako sa sinabi niya at saka ako napatakip sabibig ko at hindi ko alam kung maiinis ba ako o maiilang dahil sa sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko at saka naman siya binati ng mga nandito at napapayuko ako sa tuwing napapayuko sila. Nang makarating sa p’westo ay naro’n kami sa parang private area kami pumunta. Walang tao kung hindi kaming dalawa lang at ang maganda pa no’n ay may mga bulaklak sa buong paligid na para bang garden.
 
“Ang ganda,” manghang sabi ko at saka naman siya ngumiti.
 
Sa pag ngiti niya ay parang may kakaiba at ang ngiti na ‘yon ay totoo at walang halong kaplastikan. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero sa totoo lang parang bumagal ang oras sa  pag ngiti niya. Agad akong bumalik sa ulirat ko at saka naman nailing at saka huminga ng malalim. Pinaupo niya ako at saka naman ako umupo at pagkatapos no’n ay saka ko tinignan ang set sa table.
 
Tinignan ko ang pork ang spoon lalo na ang knife. Tumingin ako sa kaniya ng masama at saka siya nangunot ng noo sa ‘kin at saka ako ngumisi. “Paano kaya kung isaksak ko sa ‘yo ‘to para tigilan mo na ako?” ani ko at saka naman siya tumawa ng pagak.
 
“E, paano kung saksakin kita sa ibang paraan?” sabi naman nito na siya namang ikinakaba ko.
 
Hindi ko alam kung bakit kailangan maging gano’n ang sagot niya at sa totoo lang naiinis ako dahil nagagawa niya akong barahin sa ibang paraan. Bumuntong hininga na lang ako at saka ako tumingin sa babaeng waiter na may dala ng pagkain namin. Naro’n ang malaking crab sa harapan ko at sa totoo lang ay natatakam ako sa kung anong nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa laki nito na pang dalawang kamay mo s’yang hahawakan. May iba pang mga pagkain ang inilatag sa lamesa at ng maamoy ko ‘to ay mas lalo pa akong naglaway.
 
Agad kong kinuha ang fork at saka ko tinikman ang pagkain. Nanlaki ang mata ko ng malasahan ito at saka ako tumikim pa ng iba. Napapangiti ako sa oras na nalalasahan ko ang mga pagkain at sa totoo lang ay mahilig talaga akong kumain. Habang kumakain na ako ay nakatingin lang sa ‘kin si Zach na para bang isa akong bata na sinama niya para lang kumain sa paborito kong kainan.
 
“Pasensya na. Ngayon lang ako nakakain sa ganitong lugar at sa totoo lang natutuwa ako dahil sa dami ng pagkain. Salamat sa libre,” saad ko at saka siya tumawa na naman at hindi ko na lang din pinansin at kumain na lang ako ng kumain.
 
Hindi ko alam kung nakailang kain ako basta ang mahala ay nakakain ako. Nang matapos kaming kumain ay saka ako napahawak sa t’yan ko at saka ako dumighay sa harapan niya na walang pakundangan. Nakita ko kung paano s’yang tumawa ng malakas na para bang may nakakatawa sa ginawa ko at sa totoo lang din ay talagang nakakatawa nga ‘yon. Pero napanguso ako dahil sa ginagawa niya. Pero nang marinig kong dumighay siya ay saka naman din ako natawa.
 
“HAHAHAHAHAHAHA.”
 
“What?” inis na tanong niya na para bang napipikon.

Ms. Author [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon