CHAPTER 9

295 10 0
                                    

JARNEIA’S POV
 
“Grabe ang mga linyahan mo kahapon, Jarneia pang best actress. P’wede ka na mag-artista!” puri ko sa sarili ko at saka ko tinignan ang mga libro ko. “Ang dami ko na pa lang mga gawa. Hindi ko inaasahan na ang mga bagay na kahihiligan ko ay hahantong sa ganito,” nakangiting sabi ko sa sarili ko.
 
Napagpasyahan ko ng maligo at matapos ‘yon ay saka ako bumaba. Nang makababa ako ay nakita kong abala si Mama sa paghahanda ng agahan at saka ako tumingin sa orasan at malapit na rin pa lang mag-alasdose. Napakunot ang noo ko sa dami ng mga hinanda niya at hindi ko naman maalala na mayro’ng okasyon ngayon.
 
“Anong mayro’n, Ma?” takang tanong ko.
 
“Mabuti naman at gising ka na. Ayy, nako palitan mo ‘yang damit mo at mayroon tayong bisita,” sabi nito at mas lalo akong nalito.
 
“Bisita? Sinong darating?” tanong ko ulit at saka bumaling ng tingin sa ‘kin si Mama.
 
“Basta maghanda ka na lang at h’wag ka ng nagtatanong pa,” sabi niya at saka naman ako napabalik sa k’warto.
 
Naghanap ako ng maari kong suotin at naisipan kong mag-dress na lang din. Nang makapagbihis na ako ay saka ako bumaba at nakita kong lahat sila ay nakatingin sa ‘kin lalo ba ‘yon isang batang maliit na no’n ay mapula ang mga labi na para bang nag-lips stick. Pero napasinghap ako dahil sa nakita ko si Zach at hindi ko inaasahan na mayro’n s’yang ibang kasama.
 
“Ayy, kaya naman pala todo ang pagmamakaawa ng kapatid namin na pumunta kami dito kasi gan’yan pala kaganda ang gusto nya,” sabi no’ng isang lalaki na katabi noon ang isang babae na tingin ko ay asawa niya kasi may hawak na bata.
 
“A-Anong nangyayari?”
 
Hindi ko alam kung anong nangyayari at wala akong ideya sa nangyayari. Lumapit sa ‘kin si Zach at saka niya inilahad ang kamay niya at tinignan ko lang ‘to at tumingin sa mga magulang niya na nakatingin lang sa ‘kin at naghihintay kung aabutin ko rin ba ‘to.
 
“Ano ba ang ginagawa mo?” nangigigil na tanong ko habang nakangiti.
 
Lumapit sya sa ‘kin at saka nya tinapat ang bibig niya sa may tainga ko. “I’ll make you officially mine,” bulong niya.
 
“Kung ano man ang trip mo nakikiusap ako itigil mo ‘to,” inis na sabi ko.
 
“Ano tatayo lang ba kayo d’yan?” sita ni Mama.
 
Inabot ko ang kamay ni Zach at saka kami umupo at napapamura na lang ako sa isip ko. “Hindi kita madaan sa salita kaya ginawa ko na lang sa legal na paraan,” sabi niya pa bago siya umupo.
 
“Hi, ija, ako nga pala ang Mommy-in-law mo,” pagpapakilala ng Mommy ni Zach.
 
“At ako naman ang Daddy-in-law mo,” sabi naman ng Daddy niya.
 
“Hehehehe, ako naman po si Jarneia,” pagpapakilala ko at tila may hinihintay pa sila na sabihin ko. “A-Ang daughter-in-law niyo,” dugtong ko habang kinakabahan pa.
 
“Ako naman si Zax nakatatandang kapatid ni Zach. You know, this is the first time that Zach do this? Hindi siya nagpapakilala ng kahit na sinong babae sa ‘min dahil ang sabi niya doon siya sa sigurado na siya at kapag nangyari ‘yon ay kami ang unang makakaalam. Kaya laking gulat ko ng sabihin niya na ipapakilala niya daw ang fiancé niya,” kuwento niya at saka ko siya sinipa sa ilalim ng mesa.
 
Napainda siya sa ginawa ko at hindi naman ako nagpatinad dahil naiinis ako sa nangyayari. Tumingin ako sa kaniya na may galit at ngumiti lang siya sa ‘kin na para bang nanalo siya. Ang daldal ng kapatid niya at ang kyut naman ng mga anak nito. Napasinghap ako ng hawakan ni Zach ang hita ko papaangat at tumingin ako sa kaniya at tila wala lang ‘yon sa kaniya. Hinawi ko ang kamay niya at nilalabanan na h’wag itong umangat pero hindi siya nagpatalo.
 
Napakagat ako ng labi ko at nasa harapan pa man din kami ng pagkain at ganito kalikot ang kamay niya. Tumayo ako at napatingin sila sa ‘kin at dumaloy ang kaba sa dibdib ko at natutuliro ako sa kung anong ikakatwiran ko.
 
“A-Ano… magbabanyo lang po ako,” saad ko at saka naman sila ngumiti.
 
Umalis ako at saka ako nagbanyo at saka ko sinara ang pinto. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at nakita ko kung gaanong kapula ang mukha ko. Napakuyom ako ng kamay ko dahil sa nangyayari at hindi ko naman magawang umangal dahil mukhang mabait ang pamilya niya at naabala pa ang mga ito dahil sa isang pakiusap niya. Biglang may kumatok sa pinto na s’yang ikinagulat ko at agad akong nag-ayos ng sarili ko saka ko ito binuksan pero hindi ko inaasahan na si Zach pala ‘yon. Tumingin ako sa paligid at kaming dalawa lang naman din ang tao kaya hindi na ako magpapanggap pa.
 
“Itigil mo ‘to, Zach. Bawiin mo ang sinabi mo sa kanila! Hindi kita fiancé at mas lalong wala tayong relasyon,” gigil na angil ko.
 
“Hindi ko binabawi ang bagay na nasabi ko na,” sagot naman niya sa ‘kin at saka ako napahilamos ng mukha ko.
 
“Tangina naman!”
 
“You can’t runaway from me, Jarneia, ‘cause you are mine,” mariing sabi niya at saka ako napatingin sa kaniya.
 
“Fuck you, Zach!”
 
“I love you more.”
 
Sa nangyari ngayong araw hindi ko na alam paano pang kakawa sa lalaking ‘to. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako napatingin sa sarili ko sa salamin. Bumuntong hininga ako ulit at saka ako humiga sa kama at saka ako napatili at tinakpan ko ang bibig ko ng unan para hindi marinig ni Mama.
 
“Pusang gala talagang buhay ‘to,” pikong sabi ko at saka ko kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si Alisha.
 
“Oh, napatawag ka ano’ng latest chika?” bungad nito sa ‘kin.
 
“Pumunta si Zach sa bahay at sinama niya ang mga magulang niya para ipakilala ako bilang fiancé niya at ang mas matindi pa no’n ay ayaw n’yang bawiin ang bagay na nasabi na niya,” mabilis na sabi ko at saka ko narinig ang malaks na tawa ni Alisha sa kabilang linya.
 
“Isa lang ang ibig sabihin n’yan Jarneia. Nakatali ka na sa lalaking kinaiinisan mo at ngayon ay hindi ka na makakawa pa mula sa kaniya,” sabi nito at saka naman ako napahilot ng sintido ko.
 
“Hindi ko alam kung kampi ka ba sa ‘kin o pinagtatabuyan mo ‘ko, e,” inis na sabi ko at bigla n’yang binaba ang telepono.
 
Kinabukasan ay maaga akong bumangon at med’yo hindi ako nag-asikaso masyado. Sad’yang maaga lang akong nagising sa wala dahil alam kong wala rin akong gagawin sa oras na kasama ko si Zach at sa totoo lang ay hindi ako sanay na wala akong gagawin. Kaya naman naisipan ko na lang na pumunta ng mall ngayon para alamin kung anong magandang basahin at para malaman na rin kung maraming bumibili ng libro ko.
 
Nang makaalis na ako ay saka ako sumakay ng jeep at pakiramdam ko ay mayro’ng nakasunod sa ‘kin. Hindi ko na lang din pinansin at nang makarating ako sa mall ay agad akong pumunta sa book store. Ang daming mga librong maaring basahin at lahat naman ay magaganda. Mula sa isang sulok ay may naririnig akong nagtatalo na hindi ko alam kung ano pero dahil dakila akong chismosa ay pinakinggan ko na rin.
 
“Hindi naman talaga maganda ang mga sulat nitong si Ms. Author. Sad’yang marami lang naman s’yang nauto,” sabi ng isang babaeng tingin ko ay nasa disiotso ang edad.
 
“Hindi ‘no! Ang bitter mo lang kasi walang nagbabasa ng gawa mo,” sabi naman ng isang babaeng tingin ko ay kaibigan niya at malakas pa itong tumawa na tila nang-aasar.
 
“Hmp! Sa susunod makikita n’yong marami ding magbabasa ng story ko. Hindi hamak na mas maganda pa ang sulat ni Mr. Perfect.”
 
Kilala ko ang author na ‘yon at sa totoo lang ay gusto ko rin ang mga gawa niya. “Totoong magaganda ang mga gawa niya pero hindi ba p’wedeng lahat ng author i-raise natin?” suwest’yon naman ng isa pa kaya naman napangiti ako.
 
“Hindi ka naman masyadong halata d’yan.” Napatingin ako sa sumita sa ‘kin at saka ako napangiti ng makita ko si Zix.
 
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko at saka siya tumawa.
 
“Namimili, I guess?” sabi niya na hindi pa sigurado.
 
“Sandali parang kilala ko ang boses na ‘yon ah?” ani ng isang babae na bina-bash ang gawa ko.
 
“Hala, Oo nga. Parang si Mr. Perfect!” sabi naman nang isa pa.
 
Tumingin ako kay Zix at saka siya tumaas ng kilay at nilahad ang kamay sa ‘kin. “Shall we?” ani nya at saka ako tumawa at saka kami mabilis na umalis doon.
 
Nang makalabas ng book store ay pareho na lang din kaming natawa sa kung anong naganap. Nakarating kami sa may ibang store at doon ay namili na rin ako ng maari kong mabilis dahil wala naman din akong bibilhin pa.
 
“Hindi ko aakalain na makikita kita dito,” sabi ko at saka siya tumango-tango.
 
“Ako rin,” sagot niya at saka ako tumingin sa mga dress.
 
“Hindi mo kasama girlfriend mo?” tanong ko at saka ako sumipat ng tingina sa kaniya.
 
“Wala naman akong girlfriend,” sabi niya at saka ako natawa dahil sa sagot niya.
 
“Wala kang ano? No’ng nakaraang signing natin sino ‘yong kasama mo?” takang tanong ko at saka siya tumawa ng malakas habang ako naman ay walang ideya sa kung anong nakakatawa dahil hindi ko alam kung anong nakakatawa sa tanong ko. “Mukha ba akong clown?”
 
“No, no, no. Sorry. Natawa kasi ako dahil sa akala mo girlfriend ko ang kapatid ko,” sabi niya at tumawa ulit.
 
Napaiwas naman ako ng tingin at saka ako napapikit ng mariin at saka ako plastik na tumawa sa kaniya. “Ang judgmental ko talaga,” sabi ko at saka binili na ang pinili ko.
 
Nang matapos ‘yon ay saka naman kami nagkaayayaan na kumain. Buti na lang din at libre nya dahil sa totoo lang pang fishball lang ang pera ko at wala akong pangkain ngayon. Hindi kasi ako nakakuha ng cash at saka ayaw kong magbawas sa credit ko. Nang makapasok kami sa resto ay saka sya nag-order habang ako naman ay nakaupo at naghihintay sa kanya.
 
Habang nakaupo ako ay nagulat ako sa biglang kumalabit sa ‘kin at nakita ko ang babaeng med’yong mahiyain at mayro’n s’yang bangs na halos matabunan na ang mukha niya. Nilatag niya sa harapan ko ang book ko at saka mayro’n itong ballpen. Kinuha ko ‘yon at saka ko nilagyan ng pirma at saka ko siya tinignan pero agad s’yang umiwas kaya naman nag-thank you na lang din ako sa kaniya.
 
Nang dumating na si Zix ay saka kami kumain. “Marami ka ng mga nagawang libro ngayon ah? Pumapasok ka pa rin ba?” tanong niya at saka ako tumango.
 
“Well, sa totoo niyan pumapasok pa ako pero hindi na bilang office lady, kung hindi assistant ng isang billionaryong lalaki,” saad ko at saka siya ngumiti at tumango-tango.
 
 

Ms. Author [COMPLETED]Where stories live. Discover now