EPILOGUE

356 8 0
                                    

THIRD PERSON’S POV

Habang nasa event ng book signing si Jarneia ay hindi niya maiwasan ang hindi mapatingin sa gawi kung nasaan si Zach na no’n ay nakaupo at kinukunan lang s’ya ng litrato. Nakita nito ang kaibigan ni Zach n si Zero at doon ay umupo ito sa tabi nito at saka sila nagkamustahan sa kung ano ang nagaganap sa kanila. Naroon si Sheena na no’n ay nakapila rin para sa kaniyang biniling libro ng kaniyang paboritong author. Habang hawak ang libro na The Princess who wants a Prince Charming. Nang malapit na si Sheena ay nanginig na ang kaniyang kamay sa sobrang kaba.

Nang makalapit na ito sa kan’yang idolo ay tila nag-slow-motion ang lahat para sa kaniya. Ang nagkaibigang Zach at Zero naman ay nakatingin lamang sa dalawang babae. Habang tinatanaw silang dalawa ay hindi mapigilan ng mga ito ang hindi mapangiti.

“So… she’s the girl you always mention, huh?" ani ni Zero sa kaniya.

“Yes,” sagot naman ni Zach. “And that’s your wife?” ani naman nito.

“Yes,” sagot ni Zero. “Sheena was fan of your girlfriend since then.”

“What a coincidence?” ani nito at saka sila nagkatinginan at nag-apir.

Tumayo sila at saka nilapitan sina Sheena at Jarneia na no’n ay tila nag-uusap pa at sinusulit rin ni Sheena ang pagkakataon para maka-bonding ang kan’yang iniidolo. Nang makalapit ang dalawa ay kunot noo ang naigawad ng dalawang babae at saka sila nagkatinginan dalawa at binalik ang tingin sa dalawang lalaki.

“M-Magkakilala kayo?” nagtatakang tanong ni Sheena.

“He’s my best friend,” sagot naman ni Zach.

“Ay we?” tila hindi makapaniwalang sabi ni Jarnea.

“By the way, Babe, we need to hurry; we have a flight after your book signing,” sabi ni Zach at saka naman napaisip si Jarneia.

“Saan punta?” tanong ni Sheena.

“Uyy, uchisera ka,” ani ni Jarneia.

“Hindi naman po masiyado… slight lang,” sagot naman ni Sheena.

Natawa naman si Jarneia sa naging sagot nito at saka sinenyasan si Zach at pinabalik na sila sa kanilang mga upuan. Sumama na rin si Sheena at hinintay na matapos ang event para makasama pa ng saglit ito. Nang matapos ang event ay mabilis na nilapitan ni Sheena si Jarneia at agad na kinapitan ito sa braso. Nagulat man si Jarneia ay natuwa naman ito at saka hinarap si Zach na may ngiti sa labi.

“Grabe, tibay mo talaga maghintay,” sabi nito at saka naman napangiwi si Zach.

“I can’t believe that he can be so polite. This is the first time,” sabi naman ni Zero.

Natawa naman si Jarneia at saka tinignan si Sheena at niyakap ito na siya namang ikinakilig nito. “Hindi ako makapaniwala na ang isang kagaya mo ay isa sa mga nagbabasa ng mga likha ko. Ang ganda mo!” sabi nito at parang nahiya naman si Sheena.

“Mas maganda ka!” puri naman ni Sheena sa kaniya. “P’wede ko bang makuha ang phone number mo para naman p’wede tayong mag-date minsan.”

Nangunot ang noo ng dalawang lalaki at saka sila napaisip sa pusibleng mangyari at agad na hinila ang dalawa na siya namang ikinagulat nila. “What?”

“Hindi kayo p’wedeng mag-date baka mamaya kayo pa magkatuluyan,” sabi ni Zach.

“Anak nang…”

Natawa ang dalawang babae sa naging reacksyon nilang dalawa pero hindi naman ito ngpatinag at nagpalitan sila ng contact number. Pinasama ni Zach sina Sheena at Zero para masaksihan ang kaniyang proposal sa babae. Palihim na binulungan ni Zach si Sheena at wala namang kahit na ano’ng ideya si Jarneia. Nang makasakay sa sasak’yan ay naisipan ni Jarneia na tanungin si Zach sa kung saan sila pupunta.

Ms. Author [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora