CHAPTER 8

295 8 5
                                    

JARNEIA’S POV
 
Nang makalapit na kami ay iiwas pa sana ako pero dahil sa pesteng batong nakaharang ay nadapa ako at agad naman na hinawakan ni Alisha ang kamay ko at sa kabila naman ay iyong lalaki na nagligtas sa ‘kin. Tinayo na nila ako at saka ako mabilis na umayos at saka ako napahawak sa dibdib ko dahil muntik na akong madapa. Kung nangyari ‘yon malamang una ang mukha ko.
 
“S-Salamat,” nauutal kong sabi.
 
“Ayy ehe, may g’wapo pala ditey. Hi po.” Kaway ni Alisha sa kaniya at saka naman ngumiti ito sa kaniya at saka naman ako napakamot ng batok ko.
 
“Are you alright?” tanong niya sa ‘kin.
 
“Ayy ako kuya ayos lang,” sagot ni Alisha at saka ako natawa.
 
“Ayos lang ako salamat sa pag-aalala. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” tanong ko.
 
“Hmm… mayro’n akong meeting malapit dito,” sagot naman niya.
 
“Oo nga pala ako si Jarneia at siya naman ang kaibigan ko si Alisha,” pagpapakilala ko at si Alisha naman ay nagpa-cute na para bang tanga.
 
“Hindi mo ba ako tatanungin kung single ako? Pero kahit hindi mo tanungin sasagutin ko pa rin. I’m single, ready to mingle and be yours!”
 
“Alisha!” suway ko at saka siya umayos. “Pasensya ka na,” sabi ko at saka naman ito natawa.
 
“I’m Andy,” pagpapakilala nito at nilahad pa ang kamay niya.
 
Hindi ko alam kung aabutin ko ba o h’wag na lang. Pero ang bastos ko naman kung hindi ko siya kakamayan dahil baka mapahiya siya kung nagkataon. Ngumiti ako at saka ko inabot ang kamay niya at saka ako nakipag-shake hands. Napansin kong parang ayaw niya nang bitawan ang kamay ko at hindi ko naman magawang magreklamo. Pero tinignan ko si Alisha at saka ko siya sinenyasan.
 
“Ahay! Sir iyong kamay mo masyado ng mahigpit ang hawak sa kamay ng kaibigan ko.” Agad naman na binitawan niya ang kamay ko at saka siya napakamot sa batok niya. “Grabe kuya ah… tamang t’sansing yern?” asar pa ni Alisha at saka ko siya kinurot sa tagiliran.
 
Inaya niya ako na mag-coffee at pumayag naman ako since hindi ko siya masyadong nakakausap ng matino dahil kay Zach. Nang makarating kami sa isang malapit na resto na malapit lang din sa seaside ay saka niya ako pinaunang pinaupo at ang gentle rin nito. Tumingin ako kay Alisha at saka siya napanguso at ako naman ay natatawa.
 
Nag-order na siya at ako naman ay hindi ko alam kung anong sasabihin ko at paanong mag-uumpisa ng kuwento. Pero napapansin ko rin ang hindi naalis na tingin nito sa ‘kin na para bang ayaw akong mawala sa paningin niya at sa totoo lang ay natatawa ako kasi naiirita si Alisha na hindi siya napapansin.
 
“Alam mo kuya kung sinama nyo ‘ko para maging third wheel aba? Hindi ako papayag na magladian kayong dalawa sa harapan—ahhh kingina naman Jarneia ang sakit!” angal niya matapos ko s’yang apakan at saka siya tumingin sa ‘kin na may panlalaki ang mga mata.
 
“And there you are.” Nanlaki ang mata namin ni Alisha at saka ako napatingin sa nagsabi no’n at hindi ko alam kung paanong sasagot.
 
Ang bilis ng kabog ng puso ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto kong tumakbo, gusto kong tumambling o kaya naman ay lumipad o kaya naman ay kainin na lang ng lupang kinatatayuan ko.
 
Nakaupo pala ako.
 
Gusto ko na lang maging palaka at tamang kokak lang. “A-Ano’ng ginagawa mo dito?” takang tanong ko sa kaniya at saka niya ako tinaasan ng kilay at ako naman ay hindi alam ang kung anong gagawin.
 
“Nako naman ginoong g’wapo. P’wedeng huminahon ka at iyang bayag mo’y masyadong kinakabahan. We’re just having fun here lang naman napaka intrimitido masyado,” sabi naman ni Alisha at gusto kong sungalngalin ang ngala-ngala niya dahil sa pinagsasasabi niya.
 
Tumingin siya kay Andy at saka naman tumayo si Andy at inayos ang tuxido niya at bumungong hininga at saka siya ngumiti sa ‘min. “I have to go,” sabi nito at saka siya sumipat ng tingin sa ‘kin. “Bye, Jarneia, I’ll see you soon,” paalam niya pa sa ‘kin at saka ako ngumiti at tumango naman sa kaniya.
 
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa makalayo siya pero humarang sa harapan ko si Zach at saka ako napatingin sa kaniya. “Alam mo ikaw ang bilis mo. Kanina lang ay kausap kita ngayon ay nandito ka na? Hindi ba p’wedeng magkaroon ako ng privacy? Hindi kita boyfriend at hindi kita kilala at isa pa ay hindi ko gusto ang mga ginagawa mong ito sa ‘kin. Kung maniningil ka sa pagkakaligtas mo sa ‘kin kay Clark noon—aba salamat at babayaran na lang kita. Pero ang bagay ngayon ay hindi mo na kailangang pakialaman pa,” galit na sabi ko at saka ko kinuha ang bag ko. “Tara na Alisha,” anyaya ko kay Alisha at agad naman na kinuha niya ang bag niya.
 
Sa totoo lang namumuro na siya sa ginagawa niya sa ‘kin at hindi ko na kaya ang na bawat kilos ko ay alam niya. Napahinto ako ng biglang may humawak sa kamay ko at saka ako napatingin at masama ang tingin ngayon ni Zach sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong kinagagalit niya ngayon dahil dapat ay ako ang magalit at hindi siya.
 
“I’m just worried here,” seryosong sabi niya.
 
“Then you don’t need to worry about me now.” Binawi ko ang kamay ko pero hinawakan na naman niya at sa pagkakataon na ‘to ay nasasaktan ako.
 
“Hindi mo kilala si Andy, Jarneia.”
 
“P’wes hindi rin kita kilala. P’wede ba! Bitawan mo ‘ko!” sigaw ko dahilan para mapatingin sa ‘min ang mga tao.
 
Tinignan ko ang mga mata niya at nakipagtagisan rin ako ng titig sa kaniya at akala niya ‘ata ay matitinag niya ako. Binitawan niya ako at saka ako umayos at tumalikod na. Pero ang sunod na nangyari ay hindi ko inaasahan. Bigla na lang n’yang hinila ang kamay ko at saka niya ako dinala na parang sako. Sinampa niya ako sa balikat niya at si Alisha naman ay walang magawa. Nagpupumiglas ako sa ginagawa niya at hindi ako makawala habang ang mga tao naman ay nakatingin lang sa ‘min.
 
“Pasensya na po kayo sa abala away mag-M.U lang po,” sabi ni Velerick at saka ako napakuyom ng kamay ko.
 
“ANO BA SABING IBABA MO ‘KO!” galit na sigaw ko pero hindi niya ginagawa.
 
Nakarating kami sa may parking lot at doon ay nakahanda na ang sasak’yan niya. Agad niya akong pinasok sa loob at saka niya ako hiniga sa kama at pumaibabaw ito sa ‘kin. Hindi ko inaalis ang galit na tingin ko sa kaniya at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
 
“Isang bagay na kailangan mong tandaan, Jarneia,” napipikong sabi niya. “Ang isang bagay na kinuha mo ay isang bagay iniingatan ko. Hindi ako kailan man nakipaghalikan sa babae na kahit na ang tingin nila sa ‘kin ay babaero.”
 
Hindi ko inaasahan ang sasabihin ni Zach at hindi ko alam kung bakit kailangan n’yang sabihin ang bagay na ‘yon.
 
Hindi nakipaghalikan sa kahit kaninong babae kahit na babaero siya? Ako ba ginagago ng kigwang ito?
 
Tinapat ko ang parehong kamay ko sa may dibdib niya at saka ko siya mahina na tinulak pero putangina ilan ba ang kilo ng lalaking ito? “Hindi ko kasalanan na ako ang first kiss mo o kung ako ‘yong last na nakatikim ng labi mo. P’wede mo ‘kong itulak kung gugustuhin mo pero gumanti ka rin ng halik sa ‘kin no’n. Ngayon sabihin mo sa ‘kin. Sinong bobo ang babaerong hindi pa nakakatikim ng halik since birth? Ayy oo nga pala ‘ikaw’ kasi kasasabi mo lang. Since sinabi mo na rin naman na babaero kay ay wala akong pakialam sa kung sino man ang lalandiin mo sa harapan ko dahil hindi naman ‘tayo’, nakuha mo?” mahabang litanya ko at saka siya ngumisi sa ‘kin.
 
Kinakabahan ako sa ngisi na ‘yan at sa totoo lang parang kakaiba ang ngisi niya ngayon. “Mayro’n akong ebedensyang sa ‘kin ka Ms. Author,” sabi naman niya na s’yang ikinakunot ko ng noo.
 
“Ebedensya? Nagpapatawa ka ba?”
 
“Mukha ba akong nagbibiro?”
 
“Anong ebedensya ang sinasabi mo?”
 
Nilabas niya ang isang maliit na bagay at saka niya ito pinindot at doon ay narinig ko ang boses ko at pati na rin ang boses niya. Iyon ay ang panahon na sabi niya walang ibang sasabihin kung hindi ang ‘oo’ kung gusto ko pa daw manatiling berhen. Napatakip ako ng bibig ko at saka ako napamura ng malutong dahil sa recorder na ‘yon. Kaya naman pala ang lakas ng loob niya dahil mayro’n s’yang bagay na pinanghahawakan.
 
Umalis siya sa ibabaw ko at saka ako napatakip ng mukha ko at saka ako. Sa pagkakataon na ‘to ay mayro’n siyang laban sa ‘kin habang ako naman ay wala. Hinawi ko ang buhok ko at saka ako tumingin sa kaniya at nakita ko kung paano s’yang matawa sa ‘kin at kung paanong natuwa sa resulta ng pagtatalo namin.
 
“Hindi ko kinu-considered ang isang bagay na pananakot lang. Sige… kunin mo ang gusto mong kunin sa ‘kin at pagkatapos no’n ay h’wag ka na rin magpapakita pa kahit na kailan,” banta ko sa kaniya.
 
Hindi ko alam saan ko nakuha ang bagay na nasabi ko pero nakita ko kung paanong nagkuyom ng kamay si Zach at hinagis ang bagay na hawak niya. Bigla noya akong hinawakan sa panga ko ng mariin at dama ko rin ang sakit pero hindi ako uminda.
 
“Sa mga naging babae ko hindi ko inaasahan na mas mahihirapan ako sa ‘yo,” bulong na sabi niya.
 
“Kita mo na? ‘Sa mga babae mo’ ibig sabihin laruan lang ang tingin mo sa ‘kin at sa mga babae. Tsk.” Tumawa ako ng pagak at saka ko inalis ang kamay niya sa baba ko. “Hindi ko kailangan ng kung anong mayro’n ka kahit na ikaw pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo. Hindi ko kakailanganin ang bagay na kaya ko namang paghirapan,” sabi ko at saka ako lumabas at naglakad na hindi lumilingon sa kinalalagyan nila.
 
Nang makalabas na ako ng parking area ay saka ako mabilis na pumara ng taxi at saka ako sumakay roon at nakahinga naman din ako ng maluwag. Hindi ako kasing lakas katulad ng iba at sa totoo lang hindi ko nga alam paano kong nasabi ang bagay na hindi ko naman nasasabi noon sa kahit na kanino. Pero iyong kanina ay namumuro na siya at nararapat lang sa kaniya ang mga salitang ‘yon.
 
Nang makarating ako sa bahay ay agad akong umak’yat at saka ako napahiga sa kama at tila nakahinga sa mga nangyari kanina. Tinignan ko ang kisame at saka ko naalala ang mga bagay na sinabi ko at hindi na rin maalis pa sa isip ko. Napapikit ako ng mariin at saka ako napamura dahil sa inis. Kinabukasan ay hindi ako bumangon ng maaga at hindi rin naman ako kinatok ni Mama kasi Sunday ngayon. Tumingin ako sa cellphone ko at naka-do not disturb pala ako at in-off ko na ‘yon. Tinignan ko ang mga notifications ko at doon ay nakita ko ang sandamakmak na tawag ni Zach sa ‘kin. Napabuntong hininga na lang ako at saka ako bumangon at tumingin sa sarili ko sa salamin.
 
 

Ms. Author [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz