CHAPTER 25

227 7 0
                                    

JARNEIA’S POV
 
Nang malapitan ko siya ay saka ko hinawakan ang kamay nito at saka ako umiyak at sinisisi ang sarili ko sa kasalanang nangyari sa amin. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana agad kong sinumbong sa mga pulis ang tungkol sa bagay na ‘yon.
 
“You don’t need to blame yourself for what happened. Andy has been working on a way to knock Zach down for a long time. It’s not all your fault because he already knew what could happen,” sabi ni tito at saaka ako napatingin sa kaniya.
 
Agad kong inayos ang sarili ko at saka ako tumayo sa may tabi ni Zix. “Tito nand’yan po pala kayo,” sabi ko at nahihiya pa. Siniko ko naman si Zix at saka bumulong. “Hindi mo man lang sinabing nand’yan si tito,” inis na sabi ko.
 
“Can I say that if you’re already crying?” sabi naman nito at saka ako napanguso.
 
“Hi tito! Ako nga pala ang future niece-in-law mo,” pagpapakilala ni Alisha at saka ko siya siniko. “Grabe ka talaga Jarneia mapanakit ka ahh,” sabi naman nito sa ‘kin at saka ako napangiwi.
 
“Hindi ka ba p’wedeng tumigil muna?” inis na sabi ko.
 
“Hindi ko alam kung paano tatahimik, Beh, tingin mo ba mapapatahimik mo ‘ko?” ani nito sa ‘kin at saka ako napatampal sa noo ko.
 
Tumingin ako kay Mr. Davis at saka ako yumuko sa kaniya at tumingin ako kay Zach. Sa totoo lang ay totoong nag-aalala ako sa kaniya at ngayon ko lang din napagtango kung gaano kahalaga sa ‘kin ang lalaking ito. Kung hindi ‘to nangyari mawawalan lang talaga ako ng pakialam sa kaniya. Nag-usap mun kami ni tito at tita sa kung ano ang laman ng files na ‘yo at bakit ‘yon hinahabol ni Andy.
 
Iyong video ay isang katibayan na mayroon silang ginagawang mali at ito ay ang paglalabas ng mga droga. Kaya pala minsan nagkakaaberya ang mga shipping namin ay dahil sa mga check point at mga nakikitang droga sa mga package  na dapat ay wala naman doon. Ito pala ay gawa ni Andy kaya maraming mga transaction na naka-cancel. Akala ko noon mayroon talagang iligal na ginagawa ang kumpanya namin ayon pala ay wala.
 
“Hindi ko po alam paanong nalaman ni Mrs. Ramirez ‘yan. Siya lang ang nakita kong nasa lamesa ko. Hindi ko rin namalayan na hindi ko pala naisiksik ‘yong USB sa bag ko,” sabi ko at saka napayuko.
 
“Mrs. Ramirez really took the USB because she saw the contents of the secret files you opened. Another thing is that when you were not there, an employee they hired to replace you used you’re computer.” sabi naman ni kuya Zax saka ako napatingin sa kaniya.
 
“Alam niya? Ayos ang linaw talaga ng paningin ni Ma’am,” ani ko at saka naman natawa si Alisha at Zix.
 
Matapos ang pag-uusap namin ay nagpahinga na ako kasi p’wede na akong lumabas ng hospital. Kailangan ko na rin kasing mag-asikaso ng mga gamit ko at gusto kong bantayan si Zach habang hindi pa siya nagigising. Si Alisha naman ay naisipan na bumalik muna sa bahay nila at may kailangan daw s’yang review-hin na files na sinend ng kan’yang boss. Hindi kasi siya nakapasok ng ilang araw dahil sa ‘kin at ako pa talaga ang kaisipan n’yang maging excuse para lang makita si Zix.
 
Nang makalabas ako sa hospital ay nakasalubong ko si Medina at ang sexy ng kaniyang suot na para bang pupunta lang ito sa mall. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at saka niya ako nilagpasan na siya namang ikinanganga ko. Hindi ako maaaring magkamali sa kung saan siya patungo at sa kung sino ang dadalawin niya. Agad akong bumalik sa loob ng hospital at bigla naman akong hinatak ni Mama.
 
“Saan ka pupunta?” takang tanong nito sa ‘kin.
 
“May sasampalin lang akong ahas, Ma,” inis na sabi ko.
 
“Ano? Sino’ng ahas?” tanong niya.
 
“Mauna ka na, Ma—basta!” sabi ko at saka ako tumalikod.
 
Hindi na ako tinanong pa ni Mama at nang makasakay ako sa elevator ay hindi ko maiwasan ang hindi sumama ang mukha ko kasi nakita ko ang mukha ni Medina. Nang makarating sa floor kung saan nakakwarto si Zach ay nakita ko sina Velerick at Sedrick na binati si Medina nang nakangiti. Ang nakakainis pa lalo ay pinagbuksan nila ito ng pinto.
 
Agad kong pinag-cross ang braso ko at saka ako lumapit sa dalawa na may masamang tingin. Nagulat silang dalawa sa pagtingin sa ‘kin at saka nagkatinginan sa isa’t-isa at hindi alam ang kung ano ang gagawin.
 
“Ahh… ammm… h-hi, Ms. Jarneia,” sabi ni Sedrick.
 
“N-Nandiyan ka pa pala, Ms. Jarneia,” sabi naman ni Velerick.
 
“A-Akala n-namin ano—”
 
“Ano?” taas kilay kong tanong. “Kilala n’yo rin si Medina?” tanong ko.
 
Napakamot ng ulo si Velerick at saka siya ngumiti ng alanganin sa ‘kin.  “Bubuksan n’yo ‘yong pinto o pareho ko kayong masasapak?” saad ko at saka naman mabilis na binuksan ni Sedrick ang pinto.
 
Pagpasok sa loob ay doon ko nakita kung paano’ng niyakap ni Zach si Medina at kung paano manlaki ang mga mata nikuya Zix at pati na rin sina Tito at Tita. Si Medina naman ay tila hindi ako napansin at akmang hahalik pa sa pisngi ni Zach nang iharang nito ang kaniyang kamay sa mukha nito.
 
“J-Jarneia,” ani ni Zach at saka napalingon si Medina.
 
Agad itong tumayo ng maayos at saka siya ngumiti sa ‘kin at itinaas ang isang kamay saka kumaway. “Oh, hi!”
 
Tumingin ako kay Zach at masama ko siyang tinignan. “Hindi mo man lang sinabi na mas gusto mo pa lang nauunang makita ‘yong watermelon kaysa sa monay,” ani ko at saka tumalikod at lumabas.  
 
Pagbukas ko sa pinto ay agad akong hinarangan ng kambal at saka nila hinawakan ang magkabilaan kong braso. Nagpupumiglas ako sa gawa nila at pilit akong kumakawala kasi sobrang nakakainis ang mga nakikita ko. Wala akong pakialam kung nand’yan ang mga magulang niya at wala rin akong pakialam sa kung ano ang iisipin nila sa ‘kin.
 
“ANO BA BITAWAN N’YO ‘KONG DAWALA!” sigaw na sabi ko.
 
“Jarneia, listen to me!” sabi ni Zach at galit ang tingin ko sa kaniya.
 
“Ayako!”
 
“Look at me,” mahinahong sabi nito sa ‘kin at saka hinawakan ang mukha ko.
 
“Ayoko!”
 
“Jarneia!”
 
“No!”
 
“LOOK AT ME!”
 
Sigaw nito sa ‘kin na siyang ikinagulat ko. “BAKIT MO ‘KO SINISIGAWAN?!” balik na sigaw ko sa kaniya.
 
“EH, KASI ANG HIRAP MONG KAUSAPIN!”
 
Natahimik ako sa sigaw na ‘yon kasi maski sila Zax, Zix, Medina at Tito at Tita ay nagulat. Nang maramdaman nina Velerick at Sedrick na huminahon na ako at hindi na ako pumapalag ay saka nila ako binitawan at ako naman ay inayos ko ang sarili ko.
 
“ANG HIRAP MO TALAGA LAGI PAKIUSAPAN! KAILANGAN SUMISIGAW! ANG SAKIT SA LALAMUNAN!” huling sigaw nito at saka ako hinila papunga sa may kama at saka siya napahawak sa sugat niya. “Sucks!”
 
“A-Ayos ka lang ba?” tanong ko.
 
Tinignan ko ito at nanlaki ang mga mata ko nang makitang dumugo ito. “Call the doctor,” kalmadong sabi ni tito.
 
“Sa labas muna kami,” sabi naman ni Zax at saka sinenyasan ang lahat na sumama sa kaniya.
 
Si Medina ay nanatiling nakatayo at napatingin ako sa kaniya at tumaas ang kilay ko. “Hindi ka ba lalabas?” tanong ko.
 
“I want to stay,” sagot niya.
 
“Hindi kita pinayagan na mag-stay. Lalabas ka o itutusok ko sa ‘yo ‘tong dalawang daliri ko?” banta ko.
 
“Why are you so freaking mad at me?!” tanong niya at tumingin ako kay Zach.
 
“Kita mo ‘tong tangang ‘to nagtatanong pa?” sabi ko sabay turo sa kaniya.
 
Inasikaso ng mga nurse si Zach kasi dahil sa pagsigaw niya kanina ay napwersa ang sugat niya.
 
Ayan kasi tatanga-tanga parang babae niya.
 
Bumuntong hininga ako at saka naka-cross ang brasong nakatingin lang sa labas ng glass window at hinihintay na magsalita si Zach. Si Medina naman ay hindi pa rin umalis na para bang may kung ano’ng hinihintay na senyas muna kay Zach. Hindi ko rin alam kung bakit pinananatili pa siya dito. Narinig ko ang paghinga ni Zach ng malalim at saka ako napalingon sa kaniya at doon ko lang din napansin na nakatingin pala siya sa ‘kin kahit na nakatalikod ako.
 
“Ano ba ang gusto mong pag-usapan?” tanong ko at sa pagkakataon na ‘to ay mahinahon na ako.
 
Baka bigla na naman kasi siyang sumigaw mahirap na. Baka maging kasalanan ko pa kung mas lalong mapuruhan ang sugat niya. Ilang araw na rin kasi s’yang nasa hospital at namangha ako sa bilis ng recovery niya.
 
“First of all, Medina and I are friends. Second—”
 
“May friends bang nagtatabi sa kama?” singit ko.
 
“Can you let me finish first?” inis na angil niya at muli akong napatikom ng bibig ko. “Second, iyong sinasabi n’yang pagtabi sa kama ay noong mga bata pa kami,” dugtong niya at sa pagkakataon na ‘yon ay para akong nakonsensya. “We’ve been best friend since we were young, Jarneia,” paliwanag pa niya.
 
“B-Bakit ba sinasabi mo ang mga bagay na ‘yan sa ‘kin?” tanong ko na nakakunot ang noo.
 
“Because I don’t want to make you think that I was a womanizer. I didn’t do that even once. If you think that I will fall in love with someone else… you’re wrong. I was in love with you and no one else. Even the day that I met you, Jarneia,” mahabang litanya niya at hindi ko alam kung bakit tila gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang isipin kong hindi na niya ako mahal.
 
“I was just teasing him last time, Jarneia, and I was really shocked when I found out that he has a girlfriend,” sabi naman ni Medina.
 
“Eh, kasi—”
 
“Can you cut the fucking freaking being pakipot?” putol nito sa sasabihin ko. “Obvious naman na gusto mo rin siya ‘no. When I saw your face eager to slap me at that time, I knew that you had feelings for him too. You just denied it because you think that he was just fooling you around…” Tumayo ito at saka akmang lalabas nang lumingon siya sa amin. “Trust me, he will never give you a reason to break your heart. He was broken once so don’t make it twice.”
 
Pagkatapos sabihin ni Medina ‘yon ay lumabas na ito at saka ako napalingon kay Zach. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko at hindi ko alam kung ano ang ikakatwiran ko. Walang kahit na ano ang lumalabas sa bibig ko at pakiramdam ko ay ang sama kong tao dahil pinapalayo ko ‘yong kaisa-isang tao na nagmamahal sa ‘kin ng totoo.
 
“So you have feelings for me too?” usisang tanong nito sa ‘kin na nakangiti.
 
Umiwas ako ng tingin at pinipilit na hindi sagutin ang tanong niya. “Kung wala ka pa lang ibang gusto, e, bakit ka naging broken dati? Pinaglololoko mo na naman ako ah!” sabi ko at naalala ang sinabi ni Medina.
 
Napapikit naman siya ng mariin at saka napatampal sa noo niya. “Bakit ba laging ginagawan ninyong mga babae ang mga lalaki ng mali kahit na nakaraan na ‘yon? Hindi ba p’wedeng mag-move on? You’re my present, Jarneia!”
 
“Eh, bakit nagagalit ka sa ‘kin?” tila naiiyak kong tanong.
 
“The fuck!”

Ms. Author [COMPLETED]Where stories live. Discover now