CHAPTER 26

220 7 0
                                    

JARNEIA’S POV

Dalawang linggo ang lumipas at unti-unti na ring gumagaling ang sugat ni Zach. Habang pabalik ako sa hospital ay napahinto ako kasi nakita ko si Alisa na no’n ay biglang hinintuan ng isang van  na itim at doon ay nakita kong biglang may kung ano ang inispray sa kaniya at bigla siyang nawalan ng malay.

“ALISHA!” sigaw ko at nabitawan ko ang hawak kong plastik.

Tumakbo ako papunta doon sa van pero mabilis itong umalis at takot at kaba ang naramdaman ko ng mga sandali na ito. Pumatak ang luha ko kasi nakita ko ang mukha ng ex niya. Nakita ako ni Zix na no’n ay umiiyak at hindi ko alam ang kung ano ang gagawin ko.

“W-What happened?” tanong nito sa ‘kin.

“S-Si A-Alisha… si Alisha na-kidnap!” sabi ko at patuloy na pumatak ang luha ko. “Si Ano… iyong pesteng ex niya!” galit na sabi ko.

“Fuck!” ani naman ni Zix at saka kinuha ang phone niya at may kung sino ang tinawagan.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak at magmakaawa na tulungan akong iligtas ang kaibigan ko. Inalalayan ako ni Zix at saka niya ako hinatid sa kung nasaan si Zach at agad naman akong lumapit kay Zach at saka ito niyakap. Hindi nito alam ang kung ano ang nangyayari at doon ay tinanong nito si Zix sa kung bakit ako umiiyak.

“Alisha got kidnapped again by her ex,” sagot naman nito at narinig kong nagmura si Zach. “I need to go,” sabi nito sa ‘kin at tumayo ako at saka ko hinawakan ang kamay nito.

“Sasama ako,” sabi ko at saka ako napalunok ng sariling laway ko.

“No. You need to stay here. Madadamay ka kapag nagkataon,” sabi nito sa ‘kin at saka ako umiling.

“Kaibigan ko ang nandoon, Zix! Paano akong mananahimik na lang? Hindi ako p’wedeng maghintay dito,” sabi ko at saka naunang lumabas.

“YOU NEED TO CALM FIRST!” sigaw nito sa ‘kin na siya namang nakapagpatahimik sa ‘kin.

“Bakit mo ‘ko sinisigawan?” parang batang tanong ko.

Napapikit siya ng mariin at saka tumingin kay Zach. “I need your men,” sabi nito kay Zach at tumango naman ito sa kaniya. “Thank you,” dagdag pa niya at saka ako tinignan ng masama at umalis na.

Tumingin ako kay Zach na para bang nagsusumbong pero iniwasan lang din ako nito ng tingin. Napakagat ako sa labi ko at saka ako tumingin sa cellphone ko at tinawakan si Tita dahil kailangan nilang malaman na nasa panganib ang anak nila. Hindi ako mapakali at hindi ko alam kung paano ko susundan sila Zix kasi nasa labas din sina Velerick at Sedrick. Tuloy ay hindi ako makatakas sa kanila lalo na kay Zach.

Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay hindi ko maiwasan ang hindi makagat ang daliri ko dahil sa sobrang pag-aalala. Pero dahil hindi ko na kaya ang nararamdaman ko ay tumayo ako at saka binuksan ang pinto pero hinarangan ako ng kambal.

“Alis,” sabi ko at saka ko sila tinignan ng masama.

“Hindi ka p’wedeng umalis, Ms. Jarneia,” sabi ni Sedrick.

“Jarneia.” Napalingon ako sa pagtawag sa ‘kin ni Zach.

“Nakikiusap ako… please…” pagmamakaawa ko pa.

“Hindi ka p’wedeng umalis dahil mapanganib!” asik ni Zach.

“Putangina naman!” pagwawala ko. “Hindi ko kayang manatili rito at makinig sa mga sinsasabi n’yong bawal! Hindi ko kayang mag-alala habang ang kaibigan ko ay nasa panganib tapos ay wala akong ibang gagawin!” galit kong sabi at saka ko nilingon sina Sedrick at sa punto na ‘yon ay agad kong kinuha ang baril sa likuran niya at saka ko tinutok sa kanila.

Masama ko silang tinignan at saka ako unti-unting lumabas at pagkatapos no’n ay agad akong tumakbo papalabas ng hospital. Nakita ko ‘yong motor ni Sedrick at iyon ang ginamit ko. May alam naman ako sa paggamit ng motor kaya hindi ako mahihirapan. Ngayon ay kailangan kong malaman kung nasaan si Alisha at kailangan kong pagbayarin ang lalaking ‘yon sa ginawa niya sa kaibigan ko.

Tinawagan ko si Zix at agad niyang sinagot ang tawag ko pero agad din niya itong pinatay na s’yang ikinainis ko. “Mali ako ng tinawagan,” inis na sabi ko.

Nag-isip ako sa kung sino ang tatawagin ko at sa pagkakataon na ‘to ay naisip ko rin si Adia at Damian. Agad na sinagot ni Adia at tinanong sa kung ano ang nangyayari at bakit ako napatawag.

“P-P’wede n’yo ba akong tulungan?” tanong ko.

“Bakit ate ano ang nangyari?” tanong ni Adia.

“S-Si Alisha kasi… bali ano… I need to know where she was. I need your help to find her.”

“Okay, ako na ang bahala,” sabi nito sa ‘kin at saka binaba ang tawag.

Nanlalabo ang paningin ko dahil na rin sa pagpatak ng ulan kasabay ng luha ko. Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Hrin sa oras na may nangyaring hindi maganda sa kaibigan ko. Ipapadala ko siya sa impyerno. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas hanggang sa biglang mag-ring ang telepono ko. Agad kong sinagot ito.

“Adia?” agad kong sagot.

“I think I know where is she, Ate. I will send you the address and I will give you a backup,” sabi nito at saka ako tumango.

Binaba na nito ang tawag habang ako naman ay pinaharurot ko na ang motor at walang ibang nasa isip ko ngayon kung hindi si Alisha. Nang mai-send sa ‘kin ni Adia ang address ay nangunot ang noo ko at napahinto sa may gilid ng kalsada dahil sa pagtataka at inis.

“The fuck?” inis na asik ko. “Ang bilis naman nilang lumipad?” inis na sabi ko.

Tinawagan ko si Adia at agad naman nitong sinagot. “Ate will you please calm down muna? Punta ka dito sa bahay at para masundan na natin si Ate Alisha,” sabi nito sa ‘kin kahit na hindi pa man din ako nagsasalita.

“Bakit hindi mo man lang sinabi agad—”

“Ate if you want to save ate Alisha you should go here na!” sabi nito sa ‘kin at binaba ang tawag nito sa ‘kin.

Hindi na ako nakapagsalita pa at agad na sinunod na lang ang sinabi nito sa ‘kin. “Anak ng pating itong bata na ‘to. Papadala pa daw backup nasa ibang bansa na pala ‘yong ililigtas namin. B’wisit!”  reklamo ko habang nasa b’yahe.

Maya-maya ay nakarating na ako sa mansion nila Adia at agad namana kong sinalubong ni Damian at tinuro sa kung saan kami tutungo. Nang makarating kami sa likuran ng bahay nila ay doon ko nakita ang isang helicopter at napanganga ako kasi hindi ko inaasahan na sa unang pagkakataon ay makakasakay ako ng helicopter. Tumingin muna ako kay Damian at saka ako napahinto kasi takot ako sa matataas.

“H-Hindi ba ‘yan delekado?” tanong ko.

“You won’t die right away, Ate,” sabi nito sa ‘kin at pilit akong hinihila sa kung nasaan ang helicopter.

“A-Alam mo kasi… a-ano kasi… paano ba ‘to,” sabi ko at hindi ko na alam ang kung ano ang gagawin ko.

Patuloy akong hinila ni Damian at halos maiyak rin ako sa paghatak niya at sa takot ko ay nabitawan ko ang baril na hawak ko. “ATE!” sigaw ni Adia at napatingin ako sa kaniya. “IF YOU WANT TO SAVE YOUR  FRIEND, YOU HAVE TO FIGHT YOUR FEAR OF HEIGHTS!” sigaw nito sa ‘kin na siyang ikinahinto ko.

Napaisip ako sa sinabi niya at sa pagkakataon na ‘yon ay sumampa na ako sa helicopter kahit na takot na takot ako. Pumikit ako at humawak ng mahigpit sa kamay ni Damian at pati na rin si Adia. Nilagay ni Adia iyong headphone na hindi ko alam kung para saan o kung headphone nga ba ‘yon. Nang mailagay niya ito ay nagsalita iyong piloto at doon ko narinig ito at napahinto ako sa pag-iinarte.

“Ayy, taray ah,” sabi ko at saka ngumiti pero napapikit ako ulit kasi lumilipad na ‘yong helicopter.

Nakapikit lang ako buong b’yahe namin kasi ayaw kong makitang nasa himpapawid kami. Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa ere basta ang alam ko ay nakatulog ako kasi nakapikit lang ako. Nang magising ako ay doon ko nakita ang mukha ni Damian na nakangiti. Agad akong napabangon at saka ako tumingin sa paligid at tinanong kung nasaan na kami.

“Nandito na tayo, Ate. Ang haba ng naging tulog mo tuloy ay hindi mo namalayan na nakalapag na tayo,” sabi nito at saka ko inalis iyong nasa tainga ko at saka bumaba.

Tumakbo ako at saka hinanap kung nasaan si Adia at nang makita ko siya ay may kausap na itong pulis. Napalingon siya sa ‘kin at saka nito hinawakan ang kamay ko at sinabing magiging mamayos lang ang lahat.

“Ano ang mangyayari?” tanong ko.

“Iniimbistigahan na ang kung ano ang kalagayan ni Ate Alisha ngayon—”

“Kalagayan? Bakit? Akala ko ba—”

“ATE HINAHON!” sigaw nito sa ‘kin.

“PAANO AKONG HIHINAHON—”

Muli na namang naputol ang sasabihin ko dahil sa pagsigaw niya. “ATE ANG HIRAP MO KAUSAP ANG SAKIT SA LALAMUNAN!” galit na sigaw nito at natameme ako.

“S-Sorry,” ani ko na siyang ikinatahimik ko.

“The police said that Zix came here before us,” sabi nito at nangunot ang noo ko sa kaniya. “And they said that Alisha is at the hospital right now, and her condition is not good,” dagdag pa nito.

Tinanong ko sa kung saang hospital naroon si Alisha at agad naman akong dinala doon ng magkapatid. Naroon na rin sina Tito at Tita at umiiyak ang mga ito at agad ko silang nilapitan at niyakap. Sinabi nila sa ‘kin ang nangyari at doon ay mas lalo akong nanggalaiti kay Hrin. Sinaksak ni Hrin si Alisha sa dibdib at marami pang saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan nito.

“That fucking psycho killer,” galit na sabi ko at saka ako pumunta sa police station kung nasaan si Hrin.

Sinundan ako ni Zix at nang makarating kami doon ay agad akong bumunot ng baril sa isa sa mga police at itinutok ito kay Hrin at kahit na pumapatak ang luha ko ay wala akong ibang nakikita kung hindi si Hrin. Ang galit ko sa kaniya ay hindi mawawala hanggang sa mamatay siya at mapunta sa impyerno. Dahil ang ginawa niya sa kaibigan ko ay higit pa.

“JARNEIA!” sigaw sa ‘kin ni Zix.

“A-Ate… k-kumalma k-ka. H-Hindi iyan ang makakabuti para kay—”

Hindi natapos ni Adia ang sasabihin niya nang umalingawngaw ang putok ng baril. Nanginginig ang buong laman ko at pakiramdam ko ay mahihimatay ako. Sa pagkakataon na ‘yon ay unti-unting nanlabo ang paningin ko at unti-unti akong bumagsak sa sahig. Rinig ko pa ang pagtawag sa ‘kin ni Adia at Damian pati na rin si Zix pero mas naririnig ko ang tawag ni Zach.

Paanong nandito siya? Hindi ba’t nasa hospital siya?

Naramdaman kong binuhat niya ako. “Hindi ka talaga marunong makinig,” pabulong na sabi nito sa ‘kin at pagkatapos no’n ay wala na akong ibang maalala dahil nawalan na ako ng malay.

Ms. Author [COMPLETED]Where stories live. Discover now