CHAPTER 5

408 9 5
                                    

JARNEIA’S POV
 
“E, mas malakas ka pa sa ‘kin dumighay,” sabi ko at malakas na tumawa. “Bakulaw amputa,” ani ko pa at saka naman niya hinampas ang lamesa at agad akong tumigil sa kakatawa ko. “Napakasungit mo. Alam mo ba na ang pagiging masungit ang nakakapagpa-turn off sa babae. Kaya kung gusto mong maraming maghabol sa ‘yo ay tumawa ka lang o kaya kahit isang silay na ngiti lang para naman hindi ka mukhang sasabak sa g’yera,” sabi ko at saka naman nagbago ang expresyon ng mukha niya.
 
Napatakip ako ng bibig ko kasi huminga siya ng malalim at saka siya ngumiti sa ‘kin at ginawa ang sinabi ko. Tumingin ako sa buong paligid at walang ibang tao ngayon bukod sa aming dalawa at saka naman ako napahinto sa kalokohan ko kasi naman baka kung anong gawin ng lalaking ito sa ‘kin.
 
“Pagbibigyan kita sa sinabi mo pero hindi ko gagawin sa iba ang bagay na sa ‘yo ko lang ipinapakita,” sabi nito at saka niya inayos ang tuxedo niya at saka nilatag ang kamay sa harapan ko at saka naman ako napatingin doon.
 
“Ano?” takang tanong ko. “Alam mo nakakalito ka na ah. Ano ba ‘yang ipapakita na sinasabi mo?” naguguluhang tanong ko at saka naman siya nangunot ng noo sa ‘kin.
 
“What are you thinking about?” tanong niya at saka ko lang napagtanto ang sinabi ko.
 
“Wala. Tara na nga at ibalik mo na ako kasi may kailangan pa akong gawin ati—” naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hatakin at saka ako nito hinalikan na s’yang ikinalaki ng mata ko.
 
Ang sunod pa ay hindi ko inaasahan ng maramdaman ko ang dila niya na tila papasok sa loob ng bibig ko at sa pagkakataon na ‘yon ay pilit ko s’yang tinutulak pero ang lakas niya at hindi ko na rin napigilan pa dahil nakapasok na rin ang dila niya. Napapikit ako ng mariin at napapamura na lang ng paulit-ulit at ang malala pa ro’n ay hinawakan niya ang boobs ko at pinisil ito na s’yang ikinasinghap ko pa lalo.
 
Humiwalay siya at saka niya kinagat ang labi ko at ngumiti sa ‘kin ng matamis. “I can still taste a little of what we ate earlier, and I think it’s delicious,” sabi nito sa ‘kin at saka ako namula.
 
Hindi ko kailan man nararanasan ang gano’ng klase ng ginawa niya at dahil do’n pakiramdam ko mas gugustuhin ko pang lumayo sa kaniya kaysa ang mas mapalapit pa. Hindi ko gusto ang nangyayari at hindi ko na alam kung bakit pa nga ba ‘to nangyayari. Hinawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila palabas pero napahinto siya ng nandoon ang dalawang guards niya at sa tindig pa lang ng mga ito ay alam na niya ang kung anong kahulugan.
 
Hinila niya ako ulit at sa labas ay nakaabang na ang kotse at saka niya ako pinaunang pinapasok at saka naman siya sumunod. Nalilito ako sa nangyayari pero nanatili na lang din akong tahimik kaysa ang mag-ingay. Nakarating kami sa isang company at napatakip ako ng bibig ko nang malaman kung ano kaninong company ‘yon. Sa totoo lang ayaw ko ng bumalik dito pero hindi ko inaasahan na darating ang araw na ‘to. Bumukas ang pinto at saka ako napatingin kay Zach at saka ako umiling at nangunot ang noo niya.
 
“What’s the matter?” tanong niya at saka ako tumingin sa building.
 
“Bakit hindi mo ‘ko hinatid sa office!” maktol ko at saka siya bumuntong hininga at saka ako napaangal ng tanggalin niya ang seatbelt at saka niya ako hinatak palabas ng kotse. “Ano ba bitawan mo nga ako kapag ako natanggalan ng trabaho dahil sa ‘yo isusumpa kita hanggang sa pagtanda mo!” inis na sigaw ko at pagpupumiglas.
 
“Shut up! I am also your boss!” balik na sigaw nito sa ‘kin at saka ako napahinto.
 
Oo nga ‘no?
 
Umayos ako at saka ko inayos ang damit ko at inalis ko ang pagkakahawak niya sa ‘kin. Pero kasi hindi ko alam kung anong mangyayari sa oras na makita ko dito ang lalaking gusto ko noon na ni-reject ako dahil sa ang pangit ko daw. Hindi ko alam kung ano’ng pangit ang sinasabi niya.
 
“Shall we?” Tumingin ako sa kaniya at saka ako tumango.
 
Naglakad na siya at nasa hulihan namin ang dalawa n’yang guard habang ako naman ay nakasunod lang sa kaniya. Nang makapasok sa loob ay dumodoble ang kaba sa dibdib ko at hindi ko maintindihan kung anong gagawin ko. Nandito kasi nagtatrabaho ang lalaking ‘yon at kapag nakita niya ako ay paniguradong iinsultuhin lang niya ako. Even my work books nilalait niya.
 
“Ano bang gagawin dito?” tanong ko kay Zach.
 
“We have meeting,” sagot niya lang at ng bumukas na ang elevator ay doon na bumungad sa ‘kin ang maraming tao.
 
Sumunod ako kay Zach pero napahinto rin ako dahil sa nakita ko si Arjay. Tumalikod ako at saka ako nagsalita. “Hihintayin na lang kita sa baba kung p’wede?” ani ko at saka ako akmang aalis pero humarang ang dalawa n’yang guards. “Ano ba naman…” inis na sabi ko at napipikon pa.
 
Hinawakan ni Zach ang kamay ko at saka niya ako hinatak. “If there’s something that bothering you just let me know,” sabi nito at saka ako tumingin sa paligid ko at nanlaki ang mata ni Arjay ng makita ako.
 
“A-Ano…” Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya at saka ako bumulong. “Natatae ako.”
 
Nanlaki ang mata niya sa ‘kin at saka ako binitawan at saka ako mabilis na tumakbo. Nang makasakay ako sa elevator ay agad kong sinara ‘yon. Napahawak ako sa dibdib ko at saka ako nakahinga ng maluwag dahil sa nangyari. Hindi ko talaga alam paanong haharapin si Arjay dahil sa totoo lang galit ako sa kaniya. Hindi ko alam kung anong problema niya sa ‘kin at hindi ko rin siya maintindihan dahil sa tuwing nakikita ko siya ay mayro’n s’yang kasamang babae.
 
Nang tumunog ang elevator ay saka na ako lumabas at saka nagtanong kung nasaan ang restroom. Nang naituro ay saka ako mabilis na tumakbo papunta roon at saka ko sinarado ang isang cubicle. “Nakakainis na buhay ‘to. Masyado na ba akong maraming kasalanan kaya ako pinaparusahan ngayon?” inis na sabi ko sa sarili ko. “Kailangan kong makaalis na dito at makatakas kay, Zach.”
 
Huminga ako ng malalim at sa pagkakataon na ‘yon ay saka ako tumingin sa labas para makasiguradong wala ang mga guards niya. Nang masigurado na wala ito ay saka ako lumabas at tumingin na naman. Hindi ko kasi alam baka mamaya ay sumunod sila sa ‘kin. Nang makalabas na ako ay agad akong tumakbo papalabas ng building pero sa hindi inaasahan ay nandoon na pala ang mga guards ni Zach.
 
“Ang galing talaga ni Boss ano?” sabi no’ng isa at tumatawa pa.
 
“Oo nga. Tingin ko naman hindi siya magagalit pero ano kaya ang magiging kapalit?” ani naman ng isa at saka ako napaisip.
 
Shutangina self ano na ba ang nangyayari sa ‘yo?
 
Ngumiti ako sa kanila at saka ako umayos ng tayo. “Ahh… hehehehe papahangin lang naman ang kj niyo,” nakangusong sabi ko.
 
“Not acceptable,” sabi no’ng isa at saka ako hinawakan sa braso.
 
Hinawakan naman ako ng isa pa sa kabilang braso ko at saka ako napatingin sa kanilang dalawa. “Sandali lang naman. Hindi naman ako tatakas, isa pa ay babalik na ako ng office ano ba!” Hinila nila akong dalawa papasok at pinagtitinginan na ako ng mga tao at baka akalain nila na may ginawa akong mali.
 
Napahinto ako ng makita ko si Arjay at saka siya tumawa ng makita ako at saka siya lumapit. “Tignan mo nga naman ang tadhana. Siguro ay kaya ka nandito para makita ako ‘no?”
 
Napanganga ako sa sinabi niya at saka ko binawi ang braso ko sa dalawa. “Alam mo hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon inis ka sa ‘kin. Wala naman akong ginagawang mali sa ‘yo pero parang buong pagkatao ko maling-mali sa paningin mo.”
 
Tumawa siya ng pagak at saka niya pinag-cross ang braso niya sa ‘kin saka ako napataas ng kilay ko. “Hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noon na hanggang ngayon ay fresh pa sa ‘kin.”
 
“Matagal ng nangyari ‘yon at h’wag mong binabalikan ang nakaraan dahil nagbabago ang damdamin ng mga tao. Umalis ka d’yan at baka hindi ako makapagtimpi at masapak kita,” banta ko at saka ko siya binangga sa balikat at bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko na s’yang ikinalaki ng mata ko.
 
Biglang binawi ng dalawang lalaki ang kamay ko kay Arjay at saka sila humarang sa harapan ko at saka naman ngumisi ng nakakaloko si Arjay. “Hindi mo naman sinabi na gusto mo ng pinagsasabay ang mga lalaki mo?”
 
“Ano bang problema mo sa ‘kin! Alam mo kung bakla ka sabihin mo lang ibibigay ko pa sa ‘yo ang isa,” sabi ko at saka ako tumalikod na sa kaniya at sumakay sa elevator.
 
Iniwan ko ang dalawang guards ni Zach at sa inis ko hindi ko alam kung anong floor iyong kanina. Napahawak ako sa ulo ko at saka ako napapamura sa inis dahil nakalimutan ko ano’ng floor ang binabaan kanina.
 
“Kingina naman kasi!”
 
Napabuntong hininga na lang ako sa nangyari kanina at hindi ko alam kung bakit ba siya galit na galit sa ‘kin. Habang naghihintay ako ay hindi ko naman maiwasan ang hindi magutom kaya naman napahawak ako sa t’yan ko at saka ako napanguso.
 
Wala man lang pameryenda ang damuhong ‘yon.
 
Napasinghap ako sa biglang lumitaw sa harapan ko at saka ko ito tinignan. Napangiti naman ako at saka ako nagpasalamat sa pagkain na dala nito. “Hindi nyo naman sinabing bibili kayo,” sabi ko at saka tinignan ang laman ng mga dala nila.
 
Buti na lang at hindi ito galing sa mamahaling resto at s’yempre hindi ako sanay kumain sa gano’ng pagkain. Sa totoo lang masarap naman kaso lang iba pa rin ang panlasa ko sa classic lang. Habang kumakain ako ay nag-ring ang phone ko at saka ko ‘to sinagot at nilagay sa tainga ko.
 
“Buti naman at sinagot mo,” sabi nito at halata ang tila inis sa kan’yang boses.
 
“Problema mo gurl?” takang tanong ko naman habang kumakain.
 
“E, kasi girl may chika ako para sa ‘yo,” sabi naman nito at saka ako napakunot ng noo.
 
“Ano naman ‘yan chika mo?” tanong ko at narinig ko pa ang paghinga nito ng malalim na para bang pinag-iisipan pa ang kung anong sasabihin.
 
“Kasi ganito ‘yan, e. you know Edilyn right?”
 
“Hmm?”
 
“Our batchmate mention her lately. Sabi nila na mayro’n na daw itong publishing company at ang nakakatuwa pa ro’n ay nagkaroon siya nang jowa na g’wapo. Hindi ba dati tahimik lang ‘yon? Tapos parang laging tulala na hindi mo alam kung anong iniisip,” k’wento niya.
 
Si Edilyn ay minsan ko na ring naging ka-close at minsan ko na ring ipinagtanggol sa mga nambu-bully sa kaniya noon. Ang nakakainis ang kay Edilyn ay hindi siya marunong lumaban at hindi man lang siya nagrereklamo. Sinasarili nito ang bagay na p’wede naman n’yang sabihin sa ‘kin o sa iba pero hindi niya ginagawa kasi ayaw niya.

Ms. Author [COMPLETED]Where stories live. Discover now