CHAPTER 7

333 9 5
                                    

JARNEIA’S POV
 
Lumabas na ako at saka ako napatalon sa gumat ng makita ko ang sasak’yan at lumabas doon si Zach na g’wapo. “Ang ganda naman ng baby ko,” bati nito sa ‘kin at saka ako tumingin sa likuran ko at sa paligid ko kasi baka hindi ako ‘yon.
 
“Ako ba ginagago mo?” nawala ang ngiti niya at napalitan ng inis. “Alam mo mas’yado kang mainitin ang ulo. Malay ko ba kung sinong sinasabihan mo? Alam kong nasabi mo na rin ang bagay na ‘yan sa maraming babae kaya naman h’wag ako, Zach,” sabi ko at saka ako pumasok sa loob ng kotse.
 
Pumasok rin siya at napatingin ako sa harang sa may harapan at saka ako tumingin sa kaniya. “At least may privacy tayo,” sabi niya kaya naman napakuyom ako ng kamay ko.
 
“Man’yak ka talaga.”
 
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong sapak ni Zach at kailangan n’yang gawing ganito ang sasak’yan. Noong una ay mayro’ng kama ngayon naman ay mayro’n ng harang at may nalalaman pang privacy amputa. Habang nasa b’yahe ay hindi ko na lang siya inintindi at tumingin na lang ako sa labas. Hindi naman kita ang loob nito pero makikita naman ang labas. Napalingon ako dahil sa kamay na gumapang sa may hita ko papaangat at napatingin kay Zach at saka ako tumaas ang kilay at mabilis na inalis ang kamay niya sa hita ko.
 
“Maraming babae ang nagkakandarapa sa ‘yo bakit hindi sila ang pag-aksayahan mo ng oras para naman masiyahan ka kahit na paano?” mataray na sabi ko at saka siya tumawa ng pagak sa ‘kin.
 
“Hindi ka ba naga-g’wapuhan sa ‘kin?” tanong niya at saka ako napatawa at tumingin sa labas ng bintana at saka tumingin sa kaniya.
 
“Neknek mo, manigas ka,” walang ganang sabi ko at saka naman nawala ang ngiti niya.
 
Lumapit siya sa ‘kin at saka niya hinaplos ang kamay niya sa may binti ko at napasinghap ako dahil sa ginagawa niya. Sa totoo lang hindi ko gusto ang ginagawa niya at naiinis ako dahil pakiramdam ko ay wala na akong kawala sa lalaking ito kahit na anong mangyari.
 
“Mas’yado mo namang pinapa-hard to get ang sarili mo. Nakita ko naman na ang lahat sa ‘yo at hindi naman ako nanghihinayang sa bagay na ‘yon. Isa pa ay hindi ka na rin naman dehado sa ‘kin dahil mayaman ako,” sabi nito at saka ko siya malakas na tinulak at saka ko inayos ang sarili ko.
 
“Kahit mayaman ka ay wala akong pakialam. Kapag pinatay kita walang silbi ‘yang yaman mo,” sagot ko naman na may pagkasarkastiko at saka naman siya bumalik sa pagkakaupo niya at umayos na.
 
Binati siya ng mga tauhan doon at sa likuran naman ay preskong lumabas ang dalawang tauhan niya at saka ako napangisi kasi maski sila ay tinitilian ng mga babae dahil g’wapo naman talaga sila. Tumingin ako sa harapan ko at saka naman ako napatitig sa likuran ni Zach. Ang g’wapo niya kahit na nakatalikod siya at ang g’wapo niya kahit na anong angulo ang gawin niya. Lumiko kami at doon ay pumasok sa meeting room at saka tumambad sa ‘kin ang mga shareholders nila at pati na rin ang ibang entrepreneur. Ang lalaki nilang mga tao at sa totoo lang ay nakakakaba ang makita sila mismo sa harapan ko ng ganito ang itsura ko. Tumingin ako kay Zach na no’n ay umupo at ako naman ay hindi ko alam kung saan ako uupo.
 
Sinenyasan niya ang isa at saka ako binigyan ng upuan na katabi niya at saka ako doon umupo at dahil wala naman din akong choice. “Hindi ako mahilig makinig sa mga ganitong topic, Zach,” bulong ko at saka naman tumingin sa ‘kin si Zach.
 
“Then don’t listen,” sabi naman nito na walang amor at saka niya pinatong ang mukha niya sa kamay niya habang ako naman ay napabuntong hininga.
 
Nag-umpisa na sila sa meeting habang ako naman ay kahit na inaantok ay hindi ko maiwasan ang hindi makinig sa kanila. Hindi ko talaga balak na makinig dahil una sa lahat ay nabo-boring ako sa ganito. Tumingin ako sa bawat isa na nandito at nakikita kong seryoso sila sa kung anong sinasabi ng nasa harapan.
 
Ang ganda ng pagkakasabi ng speaker at sa totoo lang ay bawat detalye ay nasasabi niya at kahit na wala akong naiintindihan ay gusto ko ang boses niya. Napapapikit ako sa tuwing nagsasalita siya at hindi ko na rin namamalayan na naka sandal na ang ulo sa balikat ni Zach. Pero dahil doon ay pilit kong nilalabanan ang antok ko dahil baka ma-issue kaming dalawa.
 
“If you want to sleep, you are free,” bulong nito at saka ako tumingin sa kaniya.
 
“Ayaw ko ng ganito p’wedeng lumabas?” tanong ko at saka niya ako tinanguan pero bago ‘yon ay hinila niya muna ako at saka mabilis na hinawakan ang batok ko.
 
Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at hindi ko alam kung bakit niya kailangang gawin ‘yon sa harapan nila. Matapos n’yang gawin ‘yon ay saka naman napatingin ako sa kanila at saka sila umiwas ng tingin at mabilis akong napamura at tinignan ko ng masama si Zach at saka ako tumakbo palabas ng meeting room. Sumunod naman agad sa ‘kin ang dalawa at ng makarating sa  labas ay saka ako huminto at tumingin sa kanilang dalawa.
 
“Grabe Ms. Jarneia ang bilis mo namang tumakbo kahit na maliit lang ang mga binti mo,” sabi nito at saka ako napasama ng tingin sa kanila.
 
“Bakit niyo naman ako sinundan?” inis na tanong ko.
 
“Kasi sabi ni Boss,” sagot naman ng isa.
 
“Kingina naman wala ba akong kalayaan at pati sa alagad niya pasusundan niya ako? P’wede bang kahit isang beses ay suwayin niyo ang Boss niyo?”
 
“Hindi po p’wede,” sagot nilang dalawa.
 
“Kailangan ba sabay kayong dalawa?” asik ko. “Oo nga pala anong pangalan n’yong dalawa?” tanong ko at saka naman sila umayos.
 
“Ako si Velerick at siya naman si Sedrick.”
 
“Magkapatid ba kayo?”
 
“Opo,” sabay na sabi nila at saka ako napapailing.
 
“H’wag niyo na akong sundan kasi hindi naman ako mas’yadong importante. Isa pa ay hindi nyo naman ako kailangang pagtuunan ng pansin.” Akmang aalis na sana ako pero humarang silang dalawa sa harapan ko.
 
“Ms. Jarneia naman ang hirap kaya magalit ni Boss,” sabi ni Velerick habang nakanguso.
 
“Oo nga po Ms. Jarneia. Isa pa buti sana kung kayo ang sasalo ng sapak ni Boss,” sabi naman ni Sedrick at saka ako napatampal sa noo ko.
 
Tumingin ako sa paligid at saka ako naghanap ng kung anong maaring gawin habang hindi pa lumalabas o natatapos si Zach sa meeting niya. Tumingin ako sa dalawa at saka ako nakaisip ng kalokohan at saka umayos at huminga ng malalim. “Mayro’n akong gustong kainin,” sabi ko at saka naman nangunot ng noo si Velerick.
 
“Ano po ‘yon, Ms. Jarneia?”
 
“H’wag mo na akong tawaging Ms. Ok na ako sa Jarneia.”
 
“Copy that!”
 
“Bil’han niyo ako ng shawarma,” ani ko at saka naman nila kinuha ang cellphone nila at saka ko agad na tumayo at hinawakan ang pareho. “Hindi niyo kailangang mag-order sa online ano ba. Ayon lang ang store nila oh!” sabi ko at saka tinuro ang malapit na bilihan.
 
Napakamot naman silang dalawa ng ulo nila at saka sila tumango sa ‘kin. Umupo muna ako at saka ko sila tinignan at saka naman ako napatingin sa buong paligid. Hindi ako makakasakay agad ng sasak’yan kaya naman kailangan kong tumakbo. Nang malayo-layo na silang pareho ay saka ako mabilis na tumakbo at sumusulyap pa ako kasi baka makita nila ako.
Nang makalayo na ako ay saka ako huminto at napahawak ako sa dibdib ko dahil na rin sa hingal ko. Tumingin ako sa paligid at malayo na rin ako sa office kaya naman naglakad na ako. Napag-isipan kong tawagan si Alisha since alam kong wala rin naman s’yang ibang gagawin ngayong araw.
 
“Hello?” sagot nito sa kabilang linya.
 
“Anong ginagawa mo?” tanong ko at saka ko narinig ang buntong hininga niya.
 
“Hmm… wala gurl nasa bahay lang ako,” sagot naman niya.
 
“Magkita tayo,” sabi ko at saka ko pinutol ang linya at tinext kung saan kami magkikita.
 
Nang makarating sa mall kung saan kami magkikita ay saka nama ako nag-order ng makakain. Maya-maya ay dumating na si Alisha at ang gaga ay ang sexy sa suot niya at pinagtitinginan siya ng mga tao at tingin ay wala naman s’yang paki kasi araw-araw naman yatang may nagkakandarapa sa kaniya.
 
“OMG, gurl ano’ng balita?” tanong niya at saka naman uminom ng juice at saka ako bumuntong hininga.
 
“May nangyari ngayong araw at sa totoo lang hindi ko alam kung paano kong uumpisahan ang k’wento.”
 
“E’di doon tayo sa magandang part,” nakangiting sabi niya at tila nae-excite sa kung anong mangyayari.
 
“Kasi ang nangyari kanina ay sinama niya ako sa meeting at ang malala ro’n ay hinalikan niya ako sa harapan ng mga ka-meeting niya. Sinong matutuwa sa gano’n?”
 
“Ako! Nako girl kung sa akin gagawin ay siguradong matutuwa ako at papalakpak pa ako sa tuwa,” nakangiting sabi niya at saka naman ako tumingin sa kaniya ng masama.
 
“Alam mo ikaw demonyo ka, e,” inis na sabi ko at saka naman siya tumawa ng malakas habang ako naman ay seryoso.
 
“Nako naman, Jarneia. Hindi ka naman na bata para mag-inarte. Isa pa ay wala ka namang jowa at wala rin naman s’yang jowa. Med’yo babaero lang s’ya at hindi naman maipagkakaila dahil ang g’wapo niya.”
 
Bumuntong hininga ako at saka ako napatingin sa cellphone ko na bigla na lang tumunog at saka ako napatingin kay Alisha. Nanlaki ang mata ko habang siya naman ay nakangiti at tila kinikilig na hindi mo maintindihan at para s’yang kiti-kiti. Hinawakan ko ang cellphone ko at saka ako tinaob at saka ako napahilamos ng mukha ko.
 
Sana lang ay hindi niya malaman kung nasaan ako at ayaw kong magdahilan ng marami kasi alam ko ang igaganti niya sa ‘kin.
 
Kumain ako at saka ako napahawak sa dibidib ko at tumingin sa paligid at hindi ko alam kung bakit parang kakaiba ang pakiramdam ko. Nagulat ako ng tumunog ulit ang phone ko at saka ako tumingin ulit kay Alisha.
 
“Ano na Jarneia? Hindi naman ako ang kailangang sumagot d’yan!”
 
“E, kasi naman Asliha kinakabahan ako!” sabi ko at saka naman siya tumingin sa cellphone ko.
 
Gano’n rin ang ginawa ko at saka ko kinuha ang phone ko at saka ko ‘to sinagot. “Where the fuck are you, Jarneia!?” asik ni Zach sa kabilang linya at saka naman ako napapikit ng mariin.
 
“Bakit kailangan mong sumigaw?” inis na sabi ko at saka naman ako napanguso. “Kasama ko si Alisha at tinakasan ko ang dalawang tauhan mo. Ano happy ka na?” inis na sabi ko at saka naman pinatay ang tawag at hindi ko na hinintay pa ang sagot niya.
 
Matapos naming tumambay ni Alisha ay saka namin naisipan na pumunta sa bandang seaside para naman mawala ang kung anong iniisip ko. Nang makarating sa seaside at nakita ko ang pamilyar na tao sa ‘kin at nakasuot ito ng tuxidong itim at saka ako napahinto. Kung hindi ako nagkakamali ay siya ‘yong nagligtas sa ‘kin.
 

Ms. Author [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon